CHAPTER 52 ♥ DECISION

Comenzar desde el principio
                                        

"Oo. Makikipagbalikan na ako sa'yo."lakas loob kong sabi. Ginagawa ko 'to hindi dahil mahal kita, kundi para sa mahal ko, mahal kong si Camille.

CAMILLE'S POV

Pansin kong umalis si Charles, siguro napagdesisyonan na niya na makipagbalikan na kay Nadine.

"Ate, may sakit ka po ba?"tanong sa akin ni Cholo.

"Wala naman, bakit?"sagot ko sa kaniya saka inalok siya ng mansanas.

"Ang tamlay niyo po eh."sambit niya.

"Pagod lang 'to."nakangiting sambit ko sa kaniya.

"Ate Nadine?"rinig kong sambit ni Kitty mula sa labas. Nandito si Nadine? Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at nakiusyoso sa labas.

"Ba't nandito si Ate Nadine?"biglang sambit ni Sophie na nasa likuran ko. Bumalik nalang ako sa kinauupuan ko at kinain ang mansanas ko.

"Good morning po tito."masiglang sambit ni Nadine nang makapasok siya rito sa loob, habang nakakawit ang braso kay Charles.

"Mukhang hindi naman masaya si kuya, parang namatayan. Nauna pa sa undas ang mukha."sambit ni Sophie nang tumabi sa akin.

"Good morning din ija. Mukhang may magandang balita ah?"sagot naman ni tito.

"Yes tito, meron nga po. Nagkabalikan na po kami ni Charles."nakangiting sambit niya, tumayo na ako at umakyat sa itaas. Sa kwarto ko.

Camille...ikaw ang may gustong magkabalikan sila, kaya bakit nasasaktan kang makita silang magkasama?

Alalahanin mo, para 'yan sa kaibigan mong marami na ang naitulong sa'yo.

"Tiisin mo Camille, tiisin mo."sambit ko sa sarili ko habang pinipigilan ang pag-iyak. Isang balde na ata ang naiiyak ko ngayon buwan na 'to. Inayos ko ang sarili ko saka muling bumaba.

"Masaya 'ko para sa inyo."nakangiting sambit ko sa dalawa nang makababa ako.

"Salamat."nakangiting sagot ni Nadine.

Konting panahon nalang ang nalalabi para sa'yo, kaya bakit ipagkakait ko pa ang kagustuhan mo? 

Humarap ako sa kanila na parang wala lang.

Lumipas ang tatlong araw na palaging nandito sa bahay si Nadine, kaya tatlong araw na akong nagiging plastic sa nararamdaman ko.

Mabuti ngayon at balik aral na, iba't-ibang tao na ang makakasalamuha ko. Maaga na akong pumasok upang makausap si Ms. Bas.

*TOK *TOK

"Pasok."sagot nito kaya binuksan ko na ang pintuan. "Ikaw pala 'yan Ms. Ocampo, ano ang maipaglilingkod ko sa'yo?"tanong sa akin ni Ms. Bas, saka ako pinaupo.

"Yong tungkol po sana sa exchange student program..."sagot ko.

"Ahh...isa ka sa pinagpipilian diba?"sambit pa niya at tumango lang ako. "Nakapagdesisyon ka na ba?"tanong pa niya.

"Opo. Pupunta po ako sa South Korea."diretsang sambit ko.

"Talaga Ms. Ocampo? Magandang balita iyan."gulat na sambit ni Ms. Bas. Nginitian ko lang siya.

"Pupunta na po dito ang parents ko mamaya para makausap kayo."sambit ko pa.

"Sige Ms. Ocampo, maraming salamat at nagpresinta ka na agad."nakangiting sambit ni Ms. Bas. "Ihanda mo na ang 'yong sarili, dahil sa friday ay aalis ka na."sambit pa niya.

"May request lang po sana ako."hiling ko.

"Ano iyon?"sagot niya.

"Kung maaari po, ay huwag niyo na sanang ianunsyo na ako ang nagpresinta na pumunta sa ibang bansa para sa exchange student program."paliwanag ko.

"Sige Ms. Ocampo, hindi namin iaanunsyo na ikaw ang nagpresinta."pagpayag nito.

"Maraming salamat po."pasasalamat ko at saka lumabas na.

Nakahinga ako ng maluwag, mabuti at mapapaaga ang alis ko. Sa Friday na kaagad. Want to join me? Mas mabuti na 'yong malayo ako sa kanila, 'yong hindi ko sila nakikita.

CHARLES' POV

Text ng text si Nadine, kahit isang beses ay hindi ko siya nireplyan. Pilit ko siyang pinagbabawalan na pumunta dito sa bahay, ang lagi niyang sinasabi ay nandiyan si papa para ipagtanggol siya. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Bwisit na bwisit na ako sa kaniya.

"Benjie, pwede bang sumunod nalang sa lunch meeting mamaya?"rinig kong tanong ni Tito Berto kay papa.

"Bakit Berto?"sagot naman ni papa.

"Pinapapunta kasi kami ni Camille sa school."sambit ni Tito Berto.

"Ah ganon ba? Sige sumunod ka nalang."sabi ni papa. Bakit naman kaya?

Sa school...

"May nagpresinta na, na estudyante para sa exchange student program. Kaya, hindi na pupwede pa para sa may mga gusto na pinagpipilian namin."anunsyo ni Ms. Bas.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora