Chapter 13

141K 4.2K 552
                                        

CHARLES' POV

"Pupunta lang ako sa washroom." Paalam ni Camille saka tumayo na at umalis. 

Ilang minuto lang ang lumipas at bigla na lang may tumugtog na gitara.

GUITAR PLAYING~

Nakuha nito ang atensyon ng lahat ng tao na nandito.

Ang galing mag-gitara, parang sanay na sanay na. Napakahusay. Pero, bakit hindi namin kita kung sino 'yung tumutugtog? Mukhang nasa backstage ata.

"I thought that I've been hurt before..." Kanta ng isang babae. Ang ganda ng boses niya, saka parang ngayon ko lang narinig ang tinig niya sa tinagal-tagal ko nang nag-aaral dito sa Williams.

Natigil na sa pagtsitsismisan ang mga estudyante at nakinig na lang sa kanta.

"But no one's ever left me quite this sore..." Damang-dama ko ang bawat liriko na kaniyang binibigkas. 

"Your words cut deeper than a knife.." Bigla kong naalala 'yung mga sinabi sa akin ni Nadine noong nakipaghiwalay siya sa akin.

"Now I need someone to breathe me back to life..." Ito ang kailangan ko ngayon. Tamang-tama sa akin ang kantang ito.

"Got a feeling that I'm going under
But I know that I'll make it out alive
If I quit calling you my lover
Move on.." 

Nanatili ang aking pandinig na nakalapat sa kanta, dinamdam ko ang bawat liriko hanggang sa ito ay matapos.

"Thank you very much Ms. Beautiful for lending us a wonderful song, entitled Stitches." Pasasalamat ng aming punong-guro.

"Sino kaya 'yon?"

"Ang ganda ng boses niya, grabe."

"Crush ko na siya! Gusto ko siyang makita."

Iyan ang mga narinig kong komento ng mga estudyanteng kalapit ko rito sa pwesto ko.

"Na-refresh tayo dahil sa pagkanta ng isang dilag para sa atin. Kaya ngayon, tayo ay magpapatuloy na sa ating aktibidad." Pagpapatuloy ni Mrs. Minnia. "This time, kailangan ninyong magtanggal ng inyong mga sapin sa paa. Familiar naman ang lahat sa Paper Dance 'di ba?" Paliwanag nito. 

"Yes!" Sagot ng lahat. 

"Ipaliliwanag sa atin ito ng ating punong-guro." Ipinasa na kay Mr. Jackson ang mic.

"Okay, this is how you play the game. I'll explain. As the music plays, the pairs will have to dance outside the paper or newspaper. When the music stops, you will need to step on the paper. Any team touching the floor will be out of the game. And then the music will start again, but the paper will be folded in half. The game will end if only one pair stays until the end. Remember, the prize will be added to your allowance." Paliwanag sa amin.

Pinagsuot kami ng semi-formal, tapos mga ganito ang ipagagawa sa amin. Dati naman hindi ganito. 

Nahagip ng dalawa kong mata sina James at Nadine, kailangan ko ring sumali. Hindi ko kailangang magpahuli. 

Nasaan na ba si Camille? Kailangan din namin sumali rito.

"Hooh." Hingal na hingal si Camille nang makabalik rito. Paan, tumatakbo eh. 

"Napakatagal mo." Sambit ko sa kaniya. 

"Nasira ang tiyan ko eh." Sagot naman niya. 

"Ang dugyot mo. Nag-alcohol ka ba?"

"Aba, oo naman. Ano ang akala mo sa akin?" Sagot niya saka naupo.

"Tara, sali tayo ro'n." 

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now