CHAPTER 55 ♥ YES

110K 3K 625
                                        

CAMILLE'S POV

"Dito rin pala nanunuluyan 'yan?"biglang nasambit ko.

"Sino po? 'Yong lalaking pumasok sa kaharap ng kuwarto niyo?"tanong ni Jose, at ang tinutukoy niya ay ang lalaki na aking tinutukoy. Tumango ako bilang sagot dito.

"Kailan pa siya nandiyan?"tanong ko pa.

"Kagabi lang po siya dumating."sagot ni Bartolome.

"Ahh."ang nasambit ko nalang. "Kumain na ba kayo?"pag-iiba ko.

"Bago ho kayo magising ay nakakain na kami."sagot ni Jose.

"Ahh ganon ba? Sige, papasok na ako sa loob."sambit ko nalang at bumalik na sa loob. Nakakahiya talaga sa kanila, binuhat nila ako.

Nagtungo na ako sa may pinakastudy table ko at ginawa ang mga kailangan kong gawin.

"Ahhh..."singhal ko nang ibaling ko ang leeg ko. Sobra itong nangalay. Kailangan kong tiisin 'to, dahil marami pa akong gagawin. Maglilinis na ako ng katawan, tutal nakapahinga narin naman ako.

Nang matapos ako, lumabas ako upang humingi ng herbal oil kina Bartolome at Jose.

"Nasaan na 'yong mga 'yon?"sambit ko habang iginagala ang paningin. Saan kaya nagpunta ang mga 'yon?

Napagdesisyonan kong ako nalang ang bibili, kaya bumalik na akong muli sa loob at kinuha ang telepono ko saka kumuha ng saktong pera para ipambili.

Lumabas na ako ng hotel at naghanap ng tindahan.

"Ang lamiiiig."sambit ko habang nakayakap sa aking sarili. May heater kasi sa hotel, kaya hindi ko ramdam. Nakalimutan ko, malamig pala dito. Sobrang lamig.

Ilang minuto pa akong naglakad, sa wakas ay may nakita narin akong convenience store. Bago pa man ako makalapit rito, napansin kong may dalawang lalaki na nakaupo habang umiinom ng beer in can. Parang sila Bartolome at Jose 'to ah?

Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang convenience store.

Aba't mga nakasalamin parin hanggang ngayon, madilim na. Hindi kaya, may mga sore eyes ang mga 'to.

"Hoy Sky..."sambit ni Jose. Sky? Sinong Sky?

"Sino si Sky?"biglang tanong ko sa kanila. Agad silang nagsuot ng mask nang marinig nila ako, saka sila humarap sa akin.

"Sky? Sino si Sky?"ulit pa ni Jose.

"Kaya nga kita tinatanong eh, sino si Sky?"sagot ko. Imposible naman na nandito 'yong Sky na kilala ko.

"Ahh...Sky. Ayun oh, Sky."singit ni Bartolome. Saka itinuro ang kalangitan.

"Akala ko naman kung anong Sky."sambit ko nalang. "Sige, uminom pa kayo. Pero 'wag kayong magpapakalasing, tandaan niyo, binabantayan niyo ako."pagpapatuloy ko sa kanila. Pumasok na ako sa loob ng convenience store at naghanap ng herbal oil.

Nang makabili ako ay lumabas na ako. Sinamahan na ako pabalik nung dalawa, kumain narin ako ng hapunan pagbalik ko.

Sinimulan ko na ang pagtapos sa paper works na ginagawa ko.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now