CHAPTER 56 ♥ FRIENDS

111K 2.9K 288
                                        

CAMILLE'S POV

"Camille..."sambit ng tinig ng isang babae. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniyang gawi, inaasahan na siya ang taong ito.

"Nadine..."ang nasambit ko. Lumakad siya papalapit rito.

"Can we talk?"tanong nito. Kita ang sinseridad sa kaniyang mga mata.

"Sige."sagot ko, at saka ibinaling ang atensyon kay Charles. "Mag-uusap lang kami."paalam ko rito, saka ipinahawak muna ang bulaklak. "Sa baba tayo."sambit ko kay Nadine at nagpatiuna na sa paglakad.

Sumakay kami ng elevator upang bumaba. Binalot ng katahimikan ang pagitan namin ni Nadine, ni hindi namin pinagtatagpo ang aming mga mata.

Hanggang sa kami ay makababa, lumabas at naupo sa may pinakamalapit na bench. Pinagkiskis ko ang aking dalawang palad at saka ito hinipan, nang dahil sa sobrang lamig.

"Sorry kung nagawan kita ng hindi maganda. Ako pa mismo na malapit na kaibigan mo ang gumawa sa'yo."panimula ni Nadine habang siya ay nakatungo. Pinakikinggan ko lang siya. "Sorry kung...muntik ka nang matuluyan nang dahil sa akin. Saka, nagsinungaling ako para makuha ang kagustuhan ko. Nagawa ko lang naman 'yon dahil nagmahal ako. Sana maintindihan mo 'yon. Sana mapatawad mo 'ko dahil sobra kong pinahirapan ang damdamin mo."paghingi niya ng tawad. Nangiti ako ng bahagya nang dahil sa ginawa niya, na-realize na niya ang mga pagkakamali niya.

"Naiintindihan naman kita, kaya okay lang sa akin kahit nasaktan mo ang damdamin ko. Karamihan naman sa mga tao ay nagkakaganyan kapag may gusto silang makuha, gagawin nila ang lahat. Kaibigan kita, naging mabuting kaibigan ka, at isa pa hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob sa mga taong nakagawa ng mali sa akin. Oo, sumasama ang loob ko pero lumilipas din 'yon. Iniisip ko nalang kung ano 'yong mga bagay na mabuti na nagawa nila. Salamat sa'yo dahil natuto akong maging matatag."sagot ko sa kaniya habang nakatingin sa kalangitan. Pinagmamasdan ang mga bituin.

"Pinapatawad mo na ba ako?"tanong niya sa akin. At sa pagkakataong ito ay tumingin na siya sa akin, gayon din ako.

Ngumiti ako at tumango. "Sino ba naman ako para hindi magpatawad diba? Lahat naman tayo ay nagkakamali."sagot ko sa kaniya.

Ngumiti narin siya habang tumatangis, iniabot niya sa akin ang kanang kamay niya. "Friends?"tanong niya.

"Friends."nakangiting sagot ko at nakipagkamay sa kaniya. Saka kami nagyakapan.

"Na-miss kita."sambit niya habang nakayakap parin sa akin.

"Ako din, na-miss kita sobra."sagot ko naman. "Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib."singhal ko nang bumitiw na kami mula sa pagkakayakap.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now