Chapter 1

281K 6.2K 921
                                        

CAMILLE'S POV

Grabe 'yung lalaki kanina, nakikirinig na nga lang sa boses kong maganda, lalaitin pa ako. Pati buhok ko nadamay pa, ang baho raw.

Hindi ba niya alam na ilang sachet ng Sunsilk at ilang sachet ng Cream Silk ang ginagamit ko para lang bumango ang buhok ko at para hindi magmukhang sobrang makapal? Nakapag-iinit ng ulo!

Hay naku, kakaiba na talaga ang mga tao sa panahon ngayon. Porket mga gwapo at magaganda, ang taas na ng tingin sa sarili.

Bakit.. Maganda rin naman ako ah? Ang pinagkaiba lang namin, mas mataas ang level ng beauty niya. Psh. Kala mo kung sino.

Bakit ba naman kasi pinagpala ako nang ganito kakapal na buhok?

Noong ipinagbubuntis ba ako ni mama, pinaglihian niya ang alambre? O kung ano mang bagay na makapal?

Oo nga pala, hindi pa pala ako nakapagpapakilala ano? AKO NGA PALA SI CAMILLE OCAMPO, ANG PINAKAMAGANDA SA PAMILYA NAMIN. Oo, sa pamilya lang namin.

Kainis! Pumangit tuloy ang mood ko ngayon, first day of class pa naman. Masisira beauty ko nito eh. Sabi ko pa naman kanina sa harap ng salamin, kailangan maganda ako o kahit maaliwalas lang ang mukha kahit ngayon lang dahil first day.

Pero ano? Sinira nung lalaki kanina sa daan. Kala mo naman kasi pag-aari 'yung daan kung makaasta eh.

Actually, transferee lang ako sa school na papasukan ko ngayon dahil lumipat na kami ng bagong bahay, at alam kong wala naman kayong pake sa sinasabi ko. 'Di ba? Hays.

Walang gana akong nagpatuloy sa paglalakad nang biglang..

Kumulog nang pagkalakas-lakas. Kaya bigla tuloy akong napayakap sa poste nang wala sa oras.

Ano ba 'yan, wala sa timing!

Hanggang sa...

"Ano ba 'yan! Jackpot naman oo!" Inis na sabi ko. JACKPOT.. alam niyo naman siguro kung ano ang ibig sabihin niyan. Pasintabi po sa mga kumakain.

As if my choice pa ako, ang layo na nang nalakad ko.

Nang magpatuloy ako, tsaka naman bumuhos ang napakalakas na ulan. Buti na lang may masisilungan dito, kahit papaano, e, hindi ako mababasa. Ito na siguro ang senyales ng pagkanta ko kanina. Sinasabi ko na nga ba.

Kung gusto niyong lumamig ang panahon, sabihan niyo lang ako at akong bahala sa panahon.

Paano na 'yan, baka ma-late ako. First day of school pa naman.

Naupo muna ako sa may bench dito, hanggang sa may isang sasakyan na huminto sa harapan ko.

Bumaba ang bintana no'n at bumungad sa 'kin ang mukha ng isang babae na parang anghel sa kagandahan. Talbog na talbog ako sa beauty niya!

"Miss, sa Williams Academy ka ba nag-aaral?" Sigaw ng babae kasi napakalakas ng ulan, nakabibingi.

"Oo eh, paano mo nalaman?" Nilakasan ko rin 'yung boses ko para marinig niya.

"'Yung uniform mo kasi katulad nung sa 'kin," turo niya sa damit ko. "Sumabay ka na sa 'kin, sobrang lakas ng ulan baka ma-late ka n'yan kapag hinintay mo pang tumila."

Hindi ako makapaniwala na may taong nag-approach sa akin. For the first time in forever. Hindi ako makapaniwala.

"Talaga? Pasasabayin mo 'ko?" Gulat kong tanong sa kaniya.

"Oo, kaya pumasok ka na rito sa loob." Malakas na sagot niya.

Nag-alangan pa ako dahil nga naka-jackpot ako. Nakakahiya naman.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora