CAMILLE'S POV
"Gusto mo bang magpunta sa Korea?"tanong sa akin ni Sky habang naglalakad kami pabalik ng classroom.
Nagkibit-balikat ako. "Pag-iisipan ko muna."sagot ko.
"Maganda sa Korea, Camille."sambit ni Nadine. Madami nga akong naririnig na maganda daw doon. Pero, kailangan ko talagang pag-isipan. Tatlong buwan din 'yon, matagal-tagal din 'yon.
"Hindi na kailangang pag-isipan 'yan Camille, umalis ka na. Pumunta ka na ng Korea."biglang singit ni MilliBWISETh. Tumingin kaming lima sa gawi niya.
"Ano na naman ba ang kailangan mo at nambubwisit ka?"seryosong tanong ni Sky.
"Hoy MilliBWISEth, kailan ka ba titigil? Ha?"mataray namang sambit ni Nadine.
"Huminahon kayo."panimula nito. "Sinasabi ko lang naman na hindi na kailangang pag-isipan ang mga bagay na 'yon. Kailangan sunggaban na."dugtong nito. Pero parang may iba pa siyang pakay eh.
"Baka gusto mong ikaw ang papuntahin ko sa Korea at 'wag ng pabalikin?"sarkastikong sambit naman ni Charles.
"Ipapaban narin kita dito sa Pilipinas."dagdag naman ni Lawrence.
Halatang nainis si Milliseth at umalis nalang, nagwalk-out. Wala kasing magtatanggol sa kaniya, hindi niya kasi kasama ang mga alagad niya.
Last period na, kaya isa't kalahating oras nalang ay uwian na.
Nang makabalik kami sa classroom ay naroon na ang teacher namin, kaya nagsiupo na kami at nag-aral. Pagkatapos non ay umuwi na.
"Ang init mo lalo, ang sabi kasi sa'yo sa bahay ka nalang muna."sambit ni Charles ng salatin niya ang noo ko. Nanermon na naman. Hays.
"Okay lang ho ako, itay."sagot ko sa kaniya. "Paano ko ho malalaman na kasama pala ako sa listahan kung hindi ako pumasok? At saka ang ibang announcement?"dagdag ko pa.
"Eh di ako nalang ang magsasabi sa'yo."sagot niya. Hindi nalang ako nagsalita, hinayaan nalang siyang magmaneho.
"Sabihin mo lang sa amin ng mama mo kung gusto mong tumuloy, susuportahan ka namin sa magiging desisyon mo."sambit sa akin ni papa, dahil nasabi ko na sa kaniya nang makarating kami sa bahay ang tungkol sa exchange student program.
"Kailangan ko pa po siya pag-isipan ng mabuti, sasabihan ko nalang po kayo. Salamat po."sagot ko kay papa saka sumandal sa upuan. Ang totoo niyan, masama talaga ang pakiramdam ko, trangkaso na ata 'to. Ganon. "Aakyat na po ako, gusto ko nang magpahinga."paalam ko at saka umakyat na.
"Waaah."hinga ko nang makahiga ako matapos akong maglinis ng aking katawan.
TING! TING! TING!
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
