CHAPTER 44 ❤ SECOND CHANCE

97.7K 2.9K 496
                                        

CHARLES' POV

Binuksan ko na ang pintuan, ang sinasabing VIP ROOM. At pagbukas ko rito, hindi ko inaasahan ang taong nasilayan ko. Wala nang iba kung hindi si Nadine.

"I-ikaw 'yong nagmessage sa akin?"taka kong tanong sa kaniya habang nananatiling nakatayo sa may pintuan. Huminga muna siya ng malalim atsaka napagpasiyahan na tumayo.

"Oo, ako nga."buong loob niyang sagot.

"Anong kailangan mo sa akin at bakit gusto mong makipagkita?"napalitan ng seryosong mukha ang kanina'y nagtataka pa.

"May importante akong sasabihin sa'yo Charles, kaya sana bigyan mo ako ng kahit kaunting oras lang."makahulugang sagot nito.

Ngayon lang ulit kami mag-uusap ng masinsinan ni Nadine, na kaming dalawa lang. Wala namang masama kung bigyan ko siya ng kaunting oras diba? Ano naman kaya ang sasabihin niya?

Naupo na ako sa upuan at naupo narin siya.

"Anong gusto mong sabihin? Simulan mo na."seryoso ko paring sambit.

NADINE'S POV

Ito na, sasabihin ko na kay Charles ang lahat. At sana, pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang lahat ay magkaayos na kaming dalawa. At ang pinakamimithi ko ay magkabalikan na kaming dalawa.

"Anong gusto mong sabihin? Simulan mo na."ulit pa ni Charles.

Lumunok muna ako bago ako magsimula. Kailangan ko ng lakas ng loob para masabi ko ang lahat-lahat sa kaniya.

"Naalala mo nung time na, nasira tayong dalawa? Tapos, sinabi mo na hindi totoo ang lahat. At tinulungan ka pa ni papa?"panimula ko pero siya ay nananatiling nakaupo lang at nakikinig sa mga sinasabi ko.

At nagpatuloy ako.

"Alam ko ang totoo, dahil inamin sa akin ni Sandra ang lahat. Pero, hindi na kita tinanggap ulit diba? Pinagtabuyan na kita, alam mo kung bakit?"makahulugan ko pang sambit. Kitang-kita ko ang pag-iiba ng reaksyon ng mukha niya.

CHARLES' POV

Ano 'tong sinasabi ni Nadine na alam niya ang lahat? Anong ibig sabihin nito?

"Hindi na kita tinanggap ulit kasi..."napatigil muna siya ng sandali dahil tumulo ang kaniyang luha. Para bang gusto ko itong pahiran, na hindi. Para bang napakalalim ng rason niya at ganoon nalang kung magsalita siya. Sa paraan ng pagpapaliwanag niya.

Pinahiran na niya ang kaniyang luha at muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"K-kasi, nagkaroon ako ng sakit. Isang malubhang sakit. At ang sakit na iyon ay nalampasan ko pagkalipas ng ilang buwan. Kaya, ilang buwan akong hindi pumasok. Hindi ko ipinaalam sa inyo na may sakit ako. At isa pa, si Camille lang ang nakakaalam sa kalagayan ko. Kahit ang mga magulang ko ay hindi nila alam. Ang sabi ko sa kaniya, 'wag niyang sasabihin sayo."pagpapatuloy niya.

Kaya hindi siya nakipagbalikan sa akin kasi may sakit sya? Bakit hindi niya sinabi sa akin para natulungan ko siya? Hindi 'yong, ibang tao ang sumama at nag-alaga sa kaniya.

"Nagkaroon ako ng lung cancer."buong loob niya pang sabi na ikinalaki ng mata ko.

Lung cancer? Naalala kong muli ang mga oras na nagkahiwalay kaming dalawa. Iyon ang iniinda niya kaya hindi siya nakipag-ayos sa akin. Bakit napakamakasarili mo Nadine? Sinarili mo ang lahat ng 'yan nang walang dumadamay sa'yo? Nagagalit ako na naaawa sa'yo.

"Sabihin mo nga Nadine, bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat?"seryosong tanong ko. Patuloy lang na umagos ang kaniyang mga luha. Huminga siya ng malalim at sinagot ang aking tanong.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now