KINABUKASAN...
CAMILLE'S POV
KRIIIING!
Kinapa-kapa ko ang table sa tabi ng kama ko, dinampot ko ang alarm clock at ito ay pinatay. Tumayo na ako at inayos ang higaan, pagkatapos ay nagdasal at kinuha na ang twalya para makaligo na.
"Para akong zombie."sambit ko habang nakaharap sa salamin. Tinapik-tapik ko ang pisngi ko. Grabe, antagal pa bago ako nakatulog kagabi, kaiisip sa sinabi ni Lawrence.
Lumipas ang isang oras at natapos narin ako sa paghahanda, kaya bumaba na ako. "Aalis na po ako."paalam ko sa kanila.
"Hindi ka na ba kakain?"tanong sa akin ni mama.
Umiling ako. "Hindi na po."sagot ko. "Mamaya nalang po ako kakain."dagdag ko pa at nagpaalam nang muli at tuluyan nang umalis.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay, bakit parang wala na ata si Charles? Umalis na kaya siya? Ano ba Camille, tigil-tigilan mo nga ang katatanong. Gigil mo 'ko.
Naglalakad na ako sa may hallway ng school papunta sa may classroom, nang may biglang batang babaeng lumapit sa akin. May dala-dala siyang red rose.
"Ate, para sa'yo po."sambit ng bata saka iniabot ang pulang rosas.
"Bebe, kanino galing 'to?"tanong ko pagkatanggap ko.
"Ayaw po niyang sabihin 'yong pangalan niya eh."sagot naman nung bata.
"Ah, ganon ba? Sige ganito nalang, i-describe mo nalang siya. Baka sakaling makilala ko siya."sabi ko nalang.
"Uhm, hindi po siya katangkaran, maputi tapos gwapo po siya."sagot nito.
Ay, alam ko na. HINDI KATANGKARAN, edi si Lawrence na 'yon.
"Sige bebe, thank you dito ha."sabi ko pa, tapos ay nagpaalam narin ang bata at umalis na.
Nako, nagsisimula na siyang mag-ano. Alam niyo na 'yon. WAAAAH! Mabilis na akong nagpatuloy sa paglalakad, baka mamaya nandiyan lang pala siya sa paligid.
"HOY!"
"Kabayong bundat!"malakas kong sigaw dahil sa gulat.
Jusmiyo, si Sky lang pala.
"Ba't ka ba nanggugulat?"inis kong sabi sa kaniya. Akala ko kasi si Lawrence na.
"Trip ko eh. Haha!"natatawang sagot niya. Loko 'tong lalaki na 'to.
"Sino may bigay sayo niyan?"tanong nito nang mabaling ang paningin sa hawak kong rosas.
"Si Lawrence."sagot ko.
"I smell something..."pabitin pa nitong sambit.
"At ano naman ang naamoy mo? For your information, naligo po ako."sagot ko sa kaniya.
"Hindi 'yon ang ibig sabihin ko, what I mean is parang may kakaiba nang nagaganap dito ngayon."paliwanag niya.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
