CAMILLE'S POV
Naalimpungatan ako, at napahawak ako sa ulo ko. Sobrang masakit at nahihilo pa ako. Iminulat ko ang mga mata ko, at nakita kong nandito sina Nadine, James, Lawrence, Charles at Sky.
"Okay ka na Camille?"nag-aalalang tanong ni Nadine sa akin.
"Oo, okay na ako."nakangiting sagot ko sa kaniya. Pero bakas parin sa aking mukha ang iniinda kong masakit na ulo at ang pagkahilo ko.
"Gising na ba si Camille?"rinig kong sabi ng school nurse pagkapasok dito sa loob.
"Opo."sagot nila. Dumiretso na rito ang nurse sa tabi ko.
"Camille, kailangan mo munang magpahinga ng mga isa hanggang dalawang araw. Para maka-recover ka kaagad, malakas kasi ang impact ng pagkakatama ng bola sayo. Sobrang lakas. Kaya huwag ka muna pumasok, maiintindihan naman ng mga prof mo 'yon. Saka, sinabi ko na sa faculty ang nangyari."paliwanag ng nurse. Hindi na ako sumalungat pa na mas gugustuhin kong pumasok, dahil hindi talaga kaya ng ulo ko. "Paano, mauuna na ako. Pakilock nalang ng pinto pag-aalis kayo."paalam ng nurse. "Sige po."sagot namin.
"Sino ba naman kasi ang gagawa sayo niyan?"tanong ni Sky.
"May kaaway ka ba Camille?"si James. Umiling lang ako.
"Wala naman siyang kaalitan, ang hirap ding isipin kung sino ang gagawa sa kaniya niyan."si Nadine.
"O, narinig mo yung sabi ng nurse. Magpahinga ka ng isa hanggang dalawang araw, kaya sa bahay ka lang."sabi ni Charles sa akin na ikinagulat ko, naming lahat. Napatingin kaming lahat kay Charles dahil sa inasal niya. "O, anong problema?"tanong ni Charles.
"Wala-wala."sagot nilang apat. Nilalapatan din pala ng kabaitan si Charles ano? Mukhang dumadalas na. Nakapagtataka.
Pagkatapos, inalalayan na ako ni Sky na maupo sa wheelchair. At ito'y itinulak ni Lawrence. Si Charles, inihanda na niya ang sasakyan niya.
"Camille, bibisitahin nalang kita sa inyo."sabi ni Sky.
"Ako rin, bibisitahin nalang kita."sabi din ni Lawrence. Nginitian ko lang sila. Thankful ako na may kaibigan akong katulad nila, dahil in times of trouble nandiyan sila palagi.
"Bes, mauuna na ako ha. Bibisitahin nalang din kita."paalam ni Nadine at nagbeso sa akin. Pumunta na sila sa kanilang sasakyan.
NADINE'S POV
Naglalakad na ako papunta sa sasakyan ko, at nang sasakay na ako...
Biglang sumikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga ng ayos, napalugmok ako sa sahig habang salat-salat ang dibdib ko.
"Nadine!"rinig kong tawag sa akin ni James at nilapitan niya ako. Agad na binuhat at isinakay sa sasakyan upang maiuwi na ako sa bahay.
CHARLES' POV
ŞİMDİ OKUDUĞUN
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Genç KurguDate created: September 2016 ©Bianczx
