CAMILLE'S POV
"'Di ba, ikaw 'yung pangit na nasa daan kanina? 'Yung kumakanta na pumipiyok lagi tapos biglang kumidlat at kumulog nang pagkalakas-lakas?" Diretsang sabi ng lalaki sa akin.
Aba't walang preno ang bibig nito ha? POWER!
Tawagin ba naman akong pangit? Pwede namang babae 'di ba? 'Di ba? Walangya talaga!
"AHAHAHAHAHA!" Nagtawanan ang buong klase sa sinabi sa akin nung lalaki.
"STOP!" Sigaw ni Nadine at tumigil ang pagtawa ng lahat. Pumunta sa harapan ko si Nadine at hinarap 'yung lalaki.
"Ikaw Charles, sa tingin mo ba magkakabalikan pa tayo? Sa tingin ko mukhang hindi na. Subukan mo munang baguhin 'yang ugali mo. Nakasasakit ka na ng ibang tao." Seryosong sabi ni Nadine do'n sa Charles ba 'yon? Saka hinawi niya ang buhok niya at hinila ako papunta sa upuan kung saan siya nakaupo.
Ano ka ngayon Charles? Wasak! Burn! Wala ka pala eh!
Inismiran ko 'yung Charles at pasikreto pa siyang inasar. Akala mo kasi kung sino eh.
"Nadine, saan ba ang comfort room dito?" Bulong ko. Ipinaliwanag naman niya ang daan, baka kasi maligaw ako eh.
Lumabas na ako at sinunod ang sinabing daan ni Nadine. Kaso mukhang may mali ata, ibang daan ang nadaanan ko. Makapagtanong na nga lang muna.
"Excuse me." Pasintabi ko sa lalaking naka-mask na puti. Tumingin naman siya sa akin. "Saan 'yung comfort room dito?" Tanong ko. Itinuro lang niya ang daan gamit ang hintuturo niya.
Pansin ko lang ano, ang hilig gumamit ng hintuturo ng mga lalaki rito.
"Thank you." Sabi ko at nagtuloy na papuntang cr.
CHARLES' POV
Bwisit! Kasalanan nung pangit na 'yun eh. Kung hindi ko sana siya nakita, edi sana hindi ako nakapagsalita ng gano'n.
Bakit pa kasi dumating 'yan dito eh.
"Pabili nga ho ng malamig na malamig na juice." Sabi ko roon sa babae saka iniabot ang bayad.
Nang makuha ko na ang juice, naupo na ako sa may upuan sa gilid, saka ko tinungga 'yung inumin. "Badtrip." Singhal ko.
"Bro." Rinig kong sabi ng isang lalaki, kaya tumingin ako sa may gawi niya.
"Class hour na, bakit nandito ka pa?" Ma-awtoridad na sabi ng anak ng may-ari ng school na 'to. Si Sky Williams.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pag-inom.
"Pwede kang mapatawag sa guidance sa ginagawa mo." Salita pa nito. Hindi na lang ako nagsalita at tumayo na. Nilampasan ko siya at dumiretso sa classroom.
"Rude." Rinig ko pang sabi niya. Walang kwenta.
CAMILLE'S POV
"Good morning Mr. Andrada, first day of school. Late?" Seryosong sabi ng teacher namin. Natahimik naman ang buong klase dahil sa ma-awtoridad na pagsasalita niya.
Naupo na lang si Charles sa upuan niya at saka umubaob sa table. Napahinga na lang nang malalim ang teacher namin.
Nagsimula na kaming magpakilala isa-isa, at heto ako kabado, dahil panibagong mukha na naman ang makahaharap ko. Parang nakikipag-marathon ang puso ko sa bilis nang tibok nito.
"And lastly, ang kaisa-isahang transferee natin ngayon. Si Camille Ocampo na galing sa Dela Paz Academy. Camille, please introduce yourself." Salita ng teacher namin. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo saka dumiretso sa harapan.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
