CAMILLE'S POV
Nagpatuloy ang pag-ihip ng malamig at malakas na hangin, kasabay nito ang bawat pagsusunog ng alaala na gusto na naming maglaho na. Nabalot ng kalungkutan ang aking puso, gusto ko nang maiyak, pero pinipigilan ko lang.
"Sana mawala na ang pagmamahal ko sa'yo, pagmamahal na higit pa sa kaibigan ang kahilingan."basa ni Lawrence sa kaniyang sulat saka niya ito inihagis sa apoy, kasabay non ang pagpatak ng kaniyang luha na agad niyang pinahiran. Sobrang nagpapasalamat ako dahil dumating si Lawrence sa buhay ko, para ko na siyang kapatid.
Mahal ko siya, pero ang pagmamahal na 'yon ay pagmamahal ng isang kaibigan. 'Yon lang ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa kaniya.
Sinabi ko na sa kaniya ang nararapat, para sa huli ay hindi ko siya masaktan ng sobra. Mabuti na maaga palang ay sinasabi na.
"Salamat sa magandang alaala." basa ni Sky sa kaniyang sulat, saka ito inihagis sa apoy. Hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko si Sky, dahil sa kaniya ay naranasan ko kung paano masaktan. Siya ang nobyo ko dati na iniwan ako nang hindi ko alam ang dahilan.
Matagal ko na siyang napatawad. Ang tanging kahilingan ko nalang ay malaman ang kaniyang dahilan. At iyon ay nasagot na niya, kaya ayos na ang lahat.
"Sana mawala na ang 'yong pagmamahal sa kaniya."basa ni Nadine sa kaniyang sulat. Sa pagbigkas ni Nadine sa kaniyang sulat, pakiramdam ko ay lumulubog ako sa kinauupuan ko. Thankful ako na nakilala ko si Nadine, dahil kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ako babalik sa dating ako.
Marami narin siyang naitulong sa akin, kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kaniya. Siguro, ito na ang tamang oras para naman ako ang tumupad sa kahi
Akala ko pa naman, magiging masaya ang camping na 'to. Oo sa iba masaya, pero sa akin parang hindi.
"Magising ka na sa katotohanan."si James. Talagang may kahulugan ang bawat sinasambit ni James, may ibig siyang ipahiwatig na hindi ako malinawan kung ano.
"Kalimutan mo na ako."si Charles. Sana nga makalimutan ka na niya, kaso parang malabong mangyari 'yon.
Itinaas ko ang dalawang paa ko saka umubaob, dahil kaunting-kaunti nalang ay tutulo na ang mga luha ko.
"Magsipaghanda na kayo sa pagtulog, dahil bukas ay maaga kayong gigising."sambit ni Mr. Jackson nang mapadaan siya sa aming site. Tumango naman kami. Tinapos na namin ang aming ginagawa at naghanda na sa pagtulog.
Sana paggising ko bukas, okay na ang lahat. Ipinikit ko na ang mga mata ko.
ZzzzzzzzzzzzZ...
"Ate Camille."gising sa akin ni Sophie. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at saka bumangon.
"Bakit?"tanong ko sa kaniya. Nang magising na ako ng tuluyan, pansin kong napakaingay sa labas. At ito ay ang malakas na ulan.
"Ihanda mo na ang mga gamit mo, lilipat daw tayo. Sobrang lakas ng ulan at posibleng pasukin tayo ng tubig dito sa loob."sagot niya. Agad ko nang inihanda ang mga gamit ko. Kinuha ko na ang payong ko at akmang lalabas na...
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
