Chapter 7

146K 4.2K 356
                                        

CAMILLE'S POV

Binabagtas na namin ni Nadine ang daan papunta sa isang salon. Ang sabi niya, ipapaayos daw namin 'yung buhok ko, at magpapa-manicure at pedicure na rin.

"TADA!" Sambit ni Nadine nang makarating kami. Hinila na niya agad ako sa loob. Mas excited pa siya kaysa sa akin!

"Ma'am Nadine!" Masayang salubong ng isang staff sa kaniya. Sa tingin ko ay gay siya.

"Venus!" Sagot naman sa kaniya ni Nadine. Nag-friendship hug pa sila. "Dadagdagan mo na naman ba ang beauty mo? Enough na 'yan." Pagbibiro nito.

"Actually, 'yung friend ko naman ang magpapa-beauty." Sabi ni Nadine saka ako ipinakilala kay Venus.

"Venus, this is Camille. Camille, this is Venus." Pagpapakilala niya sa amin. Nag-shakehands naman kami ni Venus.

"Mukhang kailangan mo na nga talagang magmake-over." Sabi niya sa akin habang salat-salat ang baba niya. After akong pasadahan ng tingin sa kabuuan ko, pinaupo na niya 'ko sa may isang room kung saan ako aayusan. Nakaramdam na rin ako ng excitement para sa sarili ko, pero at the same time kinakabahan din sa magiging resulta.

"Can't wait to see you, Camille!" Excited na sabi ni Nadine bago lumabas ng room.

A few hours later...

"TADA!" Entrada ni Venus saka ako pinalabas ng room. Hindi ko pa nakikita ang itsura ko.

"Wow, as in wow!" Gulat na sabi ni Nadine saka ako pinaikot. "You're so beautiful! I told you, kailangan mo lang mag-ayos!"

Iniharap ako ni Venus sa may salamin.

"Ako ba talaga 'to?" Sabi ko habang kinakapa ang buong mukha ko, pati na rin ang buhok ko. Parang may ibang tao sa harapan ko.

"Mukhang hindi makapaniwala ang friend mo." Rinig kong natatawang sabi ni Venus.

"Thank you, Nadine. Hindi ko alam kung ano pa'ng pwede kong gawin para pasalamatan ka." Pagharap ko sa kanila nang makabalik ako sa huwisyo.

"Ano ka ba, it's just a simple gift for you. You are my bestfriend, kaya maliit na bagay lang 'yan." Nakangiting sagot ni Nadine.

"Nako, paniguradong laglag ang mga panga ng mga haters mo." Pagbibiro ni Venus habang inaayos ang buhok ko.

May mga ilang bagay lang na itinuro sa 'kin si Venus, at pagkatapos no'n umalis na rin kami.

"Dito ang bahay n'yo?"

"Oo. 'Di ba kanina pinuntahan natin si Sophie, 'yung kapatid ni Charles, kasi nga sa kanila muna kami nakatira.." Pagpapaalala ko sa kaniya.

"Ah, oo nga pala." Tumangu-tango siya. Hindi na siya nagtagal pa at umuwi na. Mukhang madaling-madali siya. Hindi na 'ko magtataka dahil iniisip niya siguro na baka makita siya ni Charles dito.

Asta na akong papasok sa loob nang harangin ako ni Manong Guard. "Excuse me ho. Sino ho kayo? Sino ho ang pakay ninyo sa loob?" Tanong niya sa 'kin. Inilawan pa 'ko ng flashlight niya.

"Manong, si Camille po, anak ni Berto." Sagot ko naman.

"Camille, 'yung panget?" Nakakunot ang noong sabi sa 'kin. Maka-pangit naman 'to si Manong. Laitero rin, e.

"Opo, ako nga po 'yon."

"Hindi ako naniniwala, hindi naman kayo 'yon, e. Napakaimposible hong kayo 'yon." Pagtanggi ni Manong kaya napakamot na lang ako sa sentido ko.

"Ano po ba'ng kailangan kong gawin para maniwala kayo sa 'kin?" Baka hindi pa 'ko makapasok nito. "Kapag po ba ipinakita ko 'yung I.D. ko, maniniwala na kayo?"

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now