CHAPTER 52 ♥ DECISION

Start from the beginning
                                        

"Ano ang sasabihin mo 'nak?"tanong sa akin ni papa. Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita.

"Nakapagdesisyon na po ako."lakas loob kong sambit.

"'Yong tungkol ba 'yan anak sa exchange student program?"tanong ni mama. Tumango naman ako.

"Magfi-fill up na po ako ng form para makapunta na ako sa South Korea."sambit ko pa.

"Susuportahan ka namin sa desisyon mo anak."sambit ni papa saka tinapik ang balikat ko.

"Hanggang kailan ka doon anak? Mami-miss ka namin."tanong pa ni mama.

"Nakausap ko po si Ms. Bas. Ang sabi niya, hanggang tatlong buwan daw po, pero kung gusto ko pa naman magtagal ay pupwede pa hanggang isang taon."paliwanag ko kay mama.

"Ano ang desisyon mo? Hanggang kailan ka magtatagal doon?"tanong ni papa.

"Siguro po, pagdating ko nalang doon saka ako magdedesisyon. Kapag nagustuhan ko ang lugar, siguro magtatagal po ako. Pero kung hindi naman, siguro hanggang tatlong buwan nalang. Malaki rin daw po ang maitutulong sa grado ko nang dahil sa pagtanggap ko sa exchange student program."paliwanag ko pa.

"Mukhang maganda nga iyan, iingatan mo ang sarili mo roon. Tatawag ka sa skype o kahit sa messenger man lang."pagsang-ayon ni papa.

"May hiling lang po ako."sambit ko pa. Hindi na sila sumagot at hinintay nalang ang sasabihin ko. "Gusto ko po sanang maging tahimik ang pag-alis ko, saka niyo nalang po sabihin sa kanila kapag nakalipad na ako papuntang Korea."pagpatuloy ko.

"Pangako anak, sasabihin lang namin kapag nakaalis ka na. Kami lang muna ang makakaalam."sagot ni papa.

Pagkatapos ng aming pag-uusap ay bumaba na kami, at saka ko tinext si Charles para makapag-usap na kami. Lumabas kami ng bahay at naglakad-lakad.

"Tutuparin mo na ba ang kahilingan ko? Kinausap ka na ba ni Nadine?"panimula ko habang kami ay naglalakad.

"Sinabi niya sa akin kung bakit gusto niyang makipagbalikan."sagot niya.

"Edi tutuparin mo na nga ang kahilingan ko?"ulit ko pa.

"Hindi ko alam."sagot niya.

"'Yon nalang ang tanging hiling niya, hindi mo pa ba siya mapagbibigyan?"sambit ko pa na may halong lungkot sa dibdib ko.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad, hinila niya ang kamay ko at napayakap sa kaniya.

"Paano na tayong dalawa?"tanong sa akin ni Charles. Ramdam ko ang lungkot sa tinig niya. Nanatili akong tahimik, nakabagsak ang dalawang kamay, samantalang ang mga bisig niya ay nakayakap sa akin. Inilayo niya ako mula sa kaniya upang maiharap sa kaniya. "Mahal mo ako diba?"tanong niya. Nakatikom parin ang bibig ko. Di malaunan, tumulo na ang luha ko. Hindi ako makapagsalita.

"Tell me that you love me too, Camille."sambit pa niya na parang nagmamakaawa.

"P...puntahan mo na si Nadine at makipagbalikan ka na sa kaniya."tanging nasambit ko at tinalikuran na siya. Pinunasan ko muna ang aking mga luha bago nagtuloy sa loob.

Kinabukasan...

CHARLES' POV

*DING *DONG

"Sino 'yan?"rinig kong sambit ng pamilyar na boses ni Nadine. "Charles?"gulat niyang sambit ng makita ako. "Don't tell me..."pabitin nitong sambit na may gusto pang sambitin.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now