CHAPTER 52 ♥ DECISION

Start from the beginning
                                        

Iyon ba ang ibig ipahiwatig sa akin ni Camille?

Natapos na ang pagsno-snorkeling at bumalik na ang lahat sa bangka, ako ito at iniisip ang sinabi ni Nadine.

Nang mapatingin ako kay James, para bang may sinasabi ang kaniyang mga mata. Hindi ko lang malaman kung ano.

Nakabalik na kami sa aming site, at naghanda na sa pag-uwi. Saka kami ay sumakay na sa kani-kaniyang bus namin.

NADINE'S POV

Sana makapagdesisyon na si Charles, sana naman ay tumalab lahat ng sinabi ko.

"Nadine."rinig kong sambit ng pamilyar na boses ni James. Inis akong lumingon sa kaniya.

"Ano na naman?"sagot ko sa kaniya.

"Ang galing mo kanina ah, muntik ka nang makapatay."nakangising sambit nito. Hindi ako makasagot sa sinabi niya. "Sinabi mo na ba kay Charles ang mga kasinungalingan mo? Na kesyo malalagutan ka na ng hininga?"dagdag pa nito.

"Umalis ka sa harapan ko, nakapag-iinit ka ng ulo!"inis kong sagot sa kaniya. Dinadagdagan pa ang mga iniisip ko.

CAMILLE'S POV

Hindi ko lubusang maisip na magagawa sa akin ni Nadine ang bagay na 'yon, iba talaga ang nagagawa ng tao para lang sa inaasam niyang pag-ibig.

Gusto kong maiyak kanina, pero pilit kong pinipigilan. Dahil ayaw kong ipakita sa kanila. Umakto nalang ako na parang walang nangyari sa akin kanina, 'yong muntikan na akong tuluyan na malunod. Andami kong nainom na tubig. Gusto ko mang magpasalamat kay Charles kanina, napagdesisyonan ko nalang na mamaya na kapag wala na si Nadine.

Natapos na kaming magsnorkeling at mag-ayos ng aming mga gamit, ngayon ay bumabyahe na kami pauwi sa Manila. 

"Ayos ka lang ba?"tanong sa akin ni Lawrence. Nakatingin ako ngayon sa labas, tulalang nakatingin. Ilang segundo pa bago ko masagot si Lawrence.

Tumango ako. "Okay lang ako."pilit na ngiti kong sagot. Tinapik lang niya ang balikat ko. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko, at nagtype ng isang mensahe.

To: Charles

Mag-usap tayo mamaya pagdating sa bahay.

Sent!

Itinago ko nang muli ang aking telepono, hindi na tinignan ang reply nito. Hanggang sa sumandal na ako sa may bintana at nakatulog.

ZzzzzzzzzzzzzZ...

"Camille. Camille."gising sa akin ni Lawrence, kaya iminulat ko na ang mga mata ko.

"Nasaan na tayo?"tanong ko kay Lawrence habang kinukusot ang isang mata.

"Nandito na tayo sa school."sagot nito. Tumayo na ako at binitbit ang gamit ko. Bago kami pinaalis, nanalangin muna kami ng sama-sama. Pansin kong iniiiwas ni Nadine ang paningin niya sa akin.

Dumating na si manong, kaya sumakay na kami nila Sophie para makauwi na.

Sa bahay...

"Ma, pa, pwede ko po ba kayong makausap?"tanong ko sa kanila matapos kaming kumain. Pumayag naman sila, kaya umakyat kami sa taas sa may kwarto ko, saka inilock ang pintuan.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now