Chapter 39: A day without you

1.2K 31 1
                                    

EIREEN’s POV

NANDITO na ako sa Spain. Nakakangawit ang maupo sa plane nang matagal na oras. At nakakalungkot na mahiwalay sa kanya. Sumakit ang puso ko lalo nang oras na para magpaalam kami sa isa’t isa, sa airport. Parang ayaw pa naming bitawan ang kamay ng isa’t isa.

Mabilis lang ang tatlong taon. Pero sa tatlong taon, marami ang pwedeng mangyari. May tiwala naman ako sa kanya. At siya lang ang tanging lalaking mamahalin ng puso ko. Pero paano kung may mangyaring hindi inaasahang bagay? Napailing ako! Ano ba ‘tong pinag-iisip ko. Focus na muna ako sa ipinunta ko dito.

Heto at nakasakay na ako ng taxi papunta sa bahay ni Mr. Lopez dito sa Madrid, Spain. Tumawag ako sa kanya kanina at ipinaalam kong dumating na ako sa bansa, kaya ibinigay niya agad ang address nila.

Ang  lawak at ang ganda ng mga istraktura dito sa Spain. Ang sarap sanang mamasyal dito kasama ang mahal mo sa buhay, kaso iba ang ipinunta ko dito—para ito sa kompanya namin.

AFTER forty five minutes ay nakarating rin ako sa address na ibinigay ni Mr. Lopez. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kabuuan ng bahay—mansion nila, ang laki at ang lawak na nakatayo sa gitna nang malawak na lupain. Para siyang mansion sa gitna ng gubat dahil sa mga punong nakatayo sa kapaligiran, malawak ang bakuran.

Nag-doorbell na ako. Nagulat ako nang biglang nag-switch ‘yong ccTV monitor nila at bumungad do'n ang mukha ni Mr. Lopez.

“Welcome Ms. Gutierrez.” Nakangiting bati niya, mukhang inabangan din niya ang pagdating ko.

Pinilit ko ring ngumiti. “Magandang hapon po.” Bati ko. Hapon na ako nakarating dito.

Dala-dala ko pa din ang maleta ko hanggang dito. Ang totoo kasi niyan hindi pa ako nakakahanap nang matutuluyan ko dito, nawala na kasi sa isip ko ‘yon dahil mas nangibabaw ang kagustuhan kong agad na makita si Mr. Lopez at para wala nang masayang na oras.

“Tumuloy ka.” Imporma niya. Saka bumukas ‘yong main gate.

Tuluyan na rin akong pumasok sa loob. Bigla akong kinabahan. Gagawin ko ito para sa kompanya at kay Daddy. Nagsimula na akong maglakad. Siguro may five hundred meters ang lalakarin ko bago ako makarating sa bahay nila. Gano'n kalawak ang bakuran nila.

Saglit akong napatigil nang biglang mag-ring ang phone ko, na binili namin ni Elix kahapon sa Mall.

Caller: Baby ko

Oo. Pinalitan ko na ang KingKong na username niya. Kasi simula ngayon, Baby ko na siya. Masaya kong sinagot ang tawag niya.

“Hello!” magiliw kong bati.

“Hi Baby. Kumusta na? Nakarating ka ba nang maayos sa bahay ni Mr. Lopez?” Magandang bati niya. Right there and then, bigla na rin naglaho nang tuluyan ang lahat ng kaba na nararamdaman ko.

“Okay naman ang naging byahe ko. Kadarating ko lang din dito sa bahay nina Mr. Lopez, ang laki-laki ng lupain nila.” Naa-amaze na sabi ko.

“Thank God you’re safe. Mag-iingat ka dyan ha, tawag ka lang kung may problema, pupuntahan kita kaagad dyan.”

Natawa naman ako sa sinabi niya. “Parang ang lapit lang natin sa isa’t isa kung makapagsalita ka dyan.”

Tumawa rin siya. “Ako si Super Elix at liliparin ko nang mabilis ang States papunta dyan sa Europe.”

Napailing ako. “Okay, okay. Sige sasabihan kita kung mina-maltrato na ako dito, para mabilis mo na akong maitakas.” Biro ko.

“Eireen,” parang biglang sumeryoso ang boses niya. “sigurado ka ba dyan sa ginagawa mo? Pwede ka pang umatras, hindi pa naman kayo nagkikita 'di ba? Bakit kasi hindi na lang ‘yong tulong ko ang tanggapin mo?” aniya.

The Prince's Kiss (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon