Chapter 10: The Reunion ~

1.6K 39 0
                                    

EIREEN’s POV

DUMATING na rin ang araw na pinakahihintay ko. Ang Reunion ng batch namin. Napabuga ako ng hangin dahil nagsisimula na akong kabahan. Sana ay talagang welcome ako sa Reunion namin. Sana ay hindi ako tarayan at i-bully ng mga tao dito na gaya ng dati. Sana lang din ay hindi na nila maalala ang mga nakakatawang pinaggagagawa ko noon, para hindi na nila ako tuksuhin.

“Kaya mo yan!” pagpapalakas-loob ni Elix sa akin.

Nasa events hall na kami ng School at hinatid niya ako. Seven PM ang gathering at sixty thirty ay nandito na ako.

“Alis ka na! Papasok na ako sa loob.” Sabi ko.

“Sigurado kang aalis na ako? Okay ka na?” tanong niya. Tumango ako, saka nag-thumbs up. Tumango siya. “Okay, tawagan mo lang ako kapag tapos na ang event, para masundo na uli kita.”

“Sige.”

Tuluyan na rin siyang umalis. Napabuga uli ako ng hangin. Nagsisimula na naman kasi akong kabahan, pakiramdam ko nanginginig ang buong kalamnan ko. Kasi after how many years, makikita ko na uli siya—si Raven.

Tinignan ko saglit ang repleksyon ko sa glassdoor na papasok sa events hall, okay naman ang hitsura ko, kaya tuluyan na akong pumasok sa loob. Pinanghahawakan ko na lang ang sinabi ni Elix kanina na I looked like a Princess, para manatili ang confidence ko.

Mula sa glassdoor ay may isa pang pintuan na papasok sa pinakaloob, dahan-dahan ko ‘yong itinulak at tumambad sa akin ang magagandang dekorasyon sa loob at marami na ring tao noon. Nagulat ako nang pagkapasok ko sa loob ay napatutok sa akin spot light.

“Wow! Sino ang babaeng ‘yan?”

“Ang ganda naman!”

“Hindi ko siya maalala kung naging ka-batch ko siya.”

Narinig kong bulung-bulungan sa paligid ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, dahil para akong na-istatwa dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Nakatutok na din kasi ang lahat ng mga mata nila sa akin. Naramdam kong nag-init ang magkabilang pisngi ko sa ginagawa nilang paghagod ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. At hindi ako sanay sa ganitong atensyon.

Gusto ko nang tumakbo n’on palabas ng pintuan dahil hindi ko na kaya ang kabang nararamdaman ko nang biglang may humagip ng braso ko. Napatingin ako—at biglang nagrambol ang mga veins ko sa puso sa lalaking nasilayan ko. It was Raven Garcia—my very first love.

Napatitig ako sa mukha niya. He is still as handsome as ever. His angelic face, brown colored eyes, thick eyebrows, red lips and everything. Hindi ako nananaginip, siya nga ang Raven na kilala ko. Napalunok ako nang mariin nang mapansin kong titig na titig din siya sa akin. I can’t utter any words to say. Para akong nawalan ng dila at boses.

“Gaea, is that really you?” narinig kong tanong niya.

Para na namang may paru-parong nagliparan sa tiyan ko sa pagkakarinig ko sa boses niya. How I missed that voice. Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya.

“You look great!” sabi niya, saka siya ngumiti.

At heto tango na lang ang naisasagot ko sa mga sinasabi niya. Nang marinig kong tumawa siya ay saka ko lang napagtanto na nakapagkit na pala ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko na maalis-alis ang mga tingin ko sa kanya. Kaya kapagdaka’y mabilis akong nagbaba ng tingin. Naramdaman ko kasing biglang uminit ang mga pisngi ko.

“Come, doon ka na maupo sa table namin.” Sabi niya, nang nakahawak pa rin sa siko ko, saka ako iginiya papunta sa table na sinabi niya.

Lahat nang nadadaanan naming mga table ay nakatingin sa akin. Nagulat ako nang bigla na lang may humarang sa daraanan namin.

The Prince's Kiss (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon