Chapter 18: Fate or coincidence or something?

1.3K 33 3
                                    

EIREEN’s POV

WOW! Ang ganda ng beach, ng sunset, ng mga buhangin at ng mga cottages. Nandito na kami sa Palawan ni Raven. Nag-file ako sa kompanya ng three days vacation leav, since natapos ko na rin ang paperworks ko.

Sinundo ako ni Raven kanina sa bahay, saka na kami dumiretso sa Airport. At ilang oras lang ay narito na nga kami. Welcome to Palawan!

I’ve never been into a vacation like this. Ngayon pa lang. Sa buong buhay ko, puro bahay, aral, kompanya lang ako. Masarap din palang gumala minsan. May itinatago talagang ganda ang Pilipinas.

“So, ayos na ba ito sa ‘yo?” mayamaya ay nalingunan ko si Raven sa tabi ko.

Magkatabi lang kami ng Cottage Inn na kinuha pero iisa ang balcony, at mula doon ay tanaw na tanaw ang kagandahan ng karagatan. Maganda sa loob ng bawat rooms at napakalawak. First class kasi. Napapikit ako at sinamyo ang malamig na hangin na nagmumula sa mga puno na nasa paligid ng mga cottages.

Napatango ako. “Maganda dito.”

He laughed. “I’m glad to know that.”

“Oo naman.” Masayang sabi ko.

“Pasyal tayo?”

“Sure.”

Habang naglalakad kami papunta sa seashore, bigla na lang akong nakarinig ng mga babaeng nagtitilian sa 'di kalayuan. Kaya sabay kaming napalingon ni Raven sa pinanggalingan nang ingay. Nagkumpulan ang mga babaeng naroon kaya hindi na namin nakita ang pinagkakaguluhan nila.

“Artista kaya ‘yong pinagkakaguluhan nila?” tanong ni Raven.

“Siguro.”

Nagkibit balikat na lang si Raven. “Tara na sa shore?”

“Okay.”

ELIXIR’s POV

“Hello Sir, welcome po sa Paradise Cottages.” Nakangiting welcome sa amin ng mga receptionists.

“Thank you.” Nakangiting sagot ko.

Paglingon ko sa katabi ko, nauna na palang naglalakad si Yunica, iniwan na niya ako kasama ang mga maleta namin, pero salamat dahil tinulungan ako ng mga staffs nila dito sa Paradise Cottages para dalhin ang mga ‘yon sa rooms namin.

“Gusto niyo po sir, samahan na namin kayo papunta sa kuwarto niyo?” tanong ng isang babaeng receptionist.

Napangiti ako. “No, thanks. Kaya ko na.” sagot ko. Nagulat na lang ako nang magtilian silang lahat. Anong meron?

“Ang gwapo niyo naman po Sir. Artista ba kayo o model?” tanong ng babaeng staff din doon, na lumapit sa akin.

“Ah.. hindi e.”

“Hindi po? My gulay! Imposible! Mukha kasi kayong artista e, mas guwapo pa nga po kayo kay Kim Hyun Joong e.” sagot niya.

 Kim Hyun Joong? Sino ‘yon? Pero nagpatango-tango na lang ako. Nagugulat lang kasi ako sa mga reaksyon nila.

“Sir pa-picture naman tayo.” Isang babae uli ang lumapit sa akin. Hindi na yata ang makahinga sa dami nilang nakapalibot sa akin.

“Mamaya magalit ‘yong kasama ni Sir na girl, girlfriend niyo po?” isang babae uli ang nagtanong.

“Hindi.” Sabi ko. Nagtilian uli sila. “Pero fiancée ko daw siya e.” bawi ko na ikinabagsak ng mga balikat nila.

The Prince's Kiss (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon