Chapter 27: Akin ka na lang..

1.6K 31 7
                                    

ELIXIR’s POV

PUNTA tayo ng Mall!” narinig kong biglang yaya Chinky.

“Mainit!” sagot ni Chrys.

“Malamig do’n!”

“Maingay at madaming tao.”

“Isipin mo na lang wala sila.”

“Pero nararamdaman ko naman.”

“Waaaah.. sige na honey!”

“Ayaw!” Chrys.

“Ayaw mo?”

“Oo.”

“Waaaaaah.. Sige na, please..” sabay yugyog ni Chinky sa balikat ni Chrys.

Nandito ang dalawang ito sa bahay ni Lola Yna, para magbakasyon. In-invite kasi sila ni Lola, dito na sila tumuloy no’ng dumating kami galing sa Palawan. Naka-vacation leave daw silang dalawa. Extended honeymoon daw. 

At heto sila ngayon, nagkukulitan sa harapan ko. Kinukulit ni Chinky si Chrys na magpunta ng Mall, dahil gusto daw niyang mamasyal. Pero ‘yong isa, mukhang tinatamad.

“Sige na Honey, gusto kong kumain ng ice cream sa Mall.” Nag-puppy eyes pa si Chinky.

“Magpabili na lang tayo kina Manang ng ice cream.”

“Ayoko! Gusto ko ng ice cream na ako mismo ang bibili sa Mall!”

Narito kami sa sala. Nagbabasa ako ng magazine, habang nasa tapat ko sila at nag-iingay. Kanina ako lang mag-isa dito e, tahimik pa, ngayon.. sila na ang pinapakinggan ko imbes na magbasa ng binabasa ko.

Nang hindi pa rin pumapayag si Chrys ay sumingit na ako. “Ako na lang sasama sa ‘yo Chinky.” Nakangiting sabi ko.

Lihim akong napangiti nang bigla na lang akong tapunan nang nakakamatay na tingin nang mabait kong pinsan. Hindi ko tuloy naiwasan tumawa.

“Biro lang naman,” mabilis kong bawi. “Samahan mo na kasi siya sa Mall. Para makapamasyal na rin kayo.” Sabi ko kay Chrys.

“Sige na Chrys.. hmm?” ungot uli ni Chinky, saka ito ngumiti nang napakalaki.

Napabuga na lang ng hangin si Chrys, saka na rin napatango. Alam ko naman kasing sa huli, hindi rin niya matitiis si Chinky, gusto lang magpapilit. Napailing ako ng lihim.

“Yehey! Sama ka na din sa amin Elix!” yaya ni Chinky sa akin.

Umiling ako. “Ayoko maging chaperone!”

            “E di yayain mo si Eireen, para double date tayo!”

“Honey, si Yunica ang fiancée ni Elix.” Pagpaalala ni Chrys kay Chinky. Napakamot ng ulo si Chinky. Natawa na lang ako.

“Pero mas bagay kasi sila ni Eireen e.” sagot pa ni Chinky.

“Elix, sumama ka na sa kanila, aalis din kami ng Mommy mo ngayon, pupunta kami sa bahay ng kaibigan ko at baka doon na kami mag-dinner, kaya mag-isa ka lang maiiwan dito, kung 'di ka sasama sa kanila.” ani Lola Yna na kababa lang mula sa hagdan kasama si Mommy.

“Oo nga naman hijo, yayain mo na din si Yunica. For sure, mag-eenjoy kayong apat.” Segunda ni Mommy.

Pero natawa ako nang biglang umiling si Lola. “Si Eireen ang yayain mo.” She mouthed. Mabuti na lang at natapos nang mag-senyas si Lola, nang mapatingin si Mommy kay Lola. Mabuti rin at  napigilan kong tumawa nang malakas.

The Prince's Kiss (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon