Chapter 19: Lola Yna's plot

1.2K 36 2
                                    

ELIXIR’s POV

NAG-INAT ako ng mga braso ko, saka nilanghap ang sariwang hangin na nagmumula sa nakapaligid na puno sa aming cottage. Napakasarap sa pakiramdam nang malamig  na hangin na humahaplos sa akin balat at masarap ding pakinggan ang huni ng mga ibon at ang alon na nagmumula sa karagatan.

Nasa balcony ako nang inookupa kong room habang inaabangan ang papasikat pa lang na araw habang nakatanaw sa karagatan. 

“Hmmmmm…” narinig kong parang may umungol sa malapit sa kinaroroonan ko.

Per cottage  ay may tig-dadalawang room pero iisang balcony. Tapos may mga halaman na nakapamagitan bago ang susunod na cottage and so on. Mabilis akong napalingon sa pinaggalingan nang ingay.

Isang babae, na parang pamilyar sa akin. Kinikilala ko ang babaeng noon ay naka-side view sa akin, medyo madilim pa kasi noon, kaya hindi ko makilala kung sino ‘yon. Pero mabilis ko rin siyang nakilala. Sa loob ng isang buwan, pati tindig at ayos niya, pamilyar na yata sa akin. Si Eireen Gutierrez nga ‘yon! 

Pinakatitigan ko siya nang husto, simple lang din ang ayos niya, naka-pyjama siya nang puti at nakasuot nang malaking t-shirt habang naka-pony tail nang mataas ang buhok niya. At nakasuot ng malaking bat slippers. She’s cute. 

Naramdaman yata niya na nakatitig ako sa kanya, kaya napabaling ang atensyon niya sa direksyon ko. Maghihikab pa yata sana siya, kaso mabilis naputol nang makita ako. Saglit din siya napatulala. At ilang sandali pa ay..

“E-Elix?” narinig kong nagtatakang sabi niya. Hindi rin siguro siya sure kong ako nga ito, kaya hindi niya nilakasan ang pagkakabanggit ng pangalan ko. Pero narinig ko pa rin ‘yon.

“Reen!” nakangiting sabi ko, saka ko siya kinawayan.

“Elix?” muling sabi niya habang inaaninag pa rin ako.

What a small world, indeed! Sa dinami-dami ng cottage dito sa Paradise Cottages, talagang magkatabi pa ang mga nakuha namin. Mabilis akong nakalipat sa balcony ng cottage niya.

“'Musta?” nakangiting tanong ko. “Magkapit-cottage lang pala tayo.”

She nodded. “O-Oo nga.” Sagot niya, pero saka siya nag-iwas ng tingin.

“Tulog pa si Raven?” tanong ko.

“Oo e.”

Napangiti ako. “Hindi ko akalain na magkikita tayo dito sa Palawan at ang malupet niyan, magkapit-cottage pa talaga tayo. Ang astig lang!” Sabi ko.

“O-Oo nga e.”

Pansin ko, parang ang weird yata ni Eireen ngayon? Kasi habang kinakausap ko siya, sa karagatan lang siya nakatingin, ayaw man lang ako tapunan ng tingin.

“Okay ka lang Reen?” tanong ko.

“Oo—”

EIREEN’s POV

Napatigil ako sa pagsagot kay Elix nang maramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko para ibaling ang tingin ko sa kanya.

“Parang hindi ka okay e.” hula niya na mas lalong nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

Nakaka-ewan naman oh! Umiiwas na nga kasi ako sa kanya, pinaglalapit pa rin kami ng tadhana. Tapos pwede naman sa kabilang cottage sila, at doon sa pinaka-dulo, pero bakit kailangan sa tabi pa namin? Nakaka-ewan talaga promise! Mabilis kong inilihis ang mukha ko sa kanya.

The Prince's Kiss (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon