Chapter 5. Her heartache

1.7K 39 2
                                    

ELIXIR’s POV

NASA tapat na ako ng entrance gate ng kompanya nila habang hinihintay si Eireen. Lumabas muna ako ng sasakyan, saka siya tinext na nasa harapan na ako. Akala ko nga kanina pa niya ako hinihintay, luckily wala pa siya.

“Ang witch talaga niyang si Ma’am Eireen, nakakainis na! Lahat na lang ipinagbabawal niya, pati ba naman ang pagte-text ko sa bf ko! Hmrf!” reklamo ng isang babaeng dumaan sa harapan ko.

“She’s really a witch! Kaya walang lumalapit sa kanyang manliligaw e, dahil lahat takot sa kanya.” Tugon naman ng kasama nito. Kaya siguro wala akong nakikitang kaibigan si Eireen, dahil walang makatiis sa ugali niya. Napailing ako, kawawa naman pala siya. Kaya rin siguro walang makatagal na driver sa kanya.

“Sandali lang..” awat ko sa dalawang babae, saka ako mabilis na pumunta sa harapan nila. Napatigil ang mga ito sa paglalakad.

Napangiti sila nang makita ako. “Ang guwapo naman niya, sobra!” narinig ko pang bulong no’ng isa sa kasama nito. Napangiti na lang ako.

            “Yes?” nakangiting sabi no’ng babaeng unang tumawag kay Eireen ng witch.

Napangiti ako sa mga ito. “Gano’n ba talaga kasungit ‘yang si Ma’am Eireen niyo?”

“Kilala mo siya?” magkasabay na tanong ng mga ito.

“Hindi masyado e, kaya nagtatanong.” Nakangiting sagot ko.

Napangiti din sila. Nakakahawa ba ang ngiti ko?  “Ay oo, sobra pa sa sobra. She’s an evil witch!” sabi no’ng pangalawang babae.

Evil witch? “Bakit?” Hindi naman kasi gano’n ang pagpapalagay ko. Ang pagkakaalam ko—oO, masungit siya at matulis ang dila, pero hindi siya gano’ng kasama na sabi ng mga kausap ko.

“Lagi niya kaming sinisita sa trabaho namin.” Sabi no’ng unang babae.

“Bakit ba niya kayo pinapagalitan?” hindi ko napigilang itanong.

“Breaktime pa noon, kaya inayos ko muna ang manicure ko, tapos bigla na lang niyang  sinabi na sesesantihin na daw niya ako! Ang malupit niyan, napagalitan pa ako kanina dahil nakita niya akong nagte-text. ‘Di ba nakakaloka lang?” sagot no’ng unang babae.

Napailing ako. “So, sa palagay niyo, sa ginawa nyang ‘yon, witch na siya?” tanong ko.

“What do you mean?” sabay nilang tanong.

“Hindi niyo ba naisip na strict lang siya? Na baka imbes na trabaho nga naman ang inaatupag niyo e, kung anu-ano ang ginagawa niyo.” Nakangiti kong sabi.

            “O-Ofcourse not!” nabubulol nitong sabi. Napangiti ako nang makita ko ang guilt sa mga mata nila. Mabilis na rin silang naglakad palayo sa akin.

“What are you doing there?”

Nalingunan ko si Eireen na noon ay nasa tabi na pala ng kotseng nakaparada sa harapan ng kompanya. Mabilis ko siyang nilapitan at pinagbuksan ng pintuan sa backseat.

            “Ahh, may kinausap lang ako.”

Sumakay na kami pareho sa loob ng sasakyan. Tinapunan niya lang ako saglit ng tingin, saka na rin niya inabala ang sarili niya sa hawak niyang phone. Ang cute talaga ng mga pagtaas-taas niya ng mga kilay. Nasa katamtaman ang lago ng mga kilay niya at bagay din sa kanya. Napaka-angelic ng face niya lalo na kapag hindi siya nagsasalita—pero hindi ko sinasabing mukha siyang evil witch kapag nagsasalita siya ah!

“Anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan?”

Napatingin uli ako sa front mirror para makita siya sa backseat, saka umiling. “Wala, may naalala lang ako.”  Hindi na niya ako sinagot.

The Prince's Kiss (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon