Chapter 13: The Real Date

1.6K 40 4
                                    

RAVEN’s POV

INIMBITA ko si Gaea sa isang hapunan. I just want to apologize, about what happened in the Reunion Party. Sumobra kasi ang pagka-childish at selosa ni Cheska. Cheska is my girlfriend for a year now. We’ve met in States a year ago. Dahil naging magkaklase kami no’ng High School, naging close kami hanggang sa naging kami.

I studied abroad and later worked in a big Computer shop in New York. At nang makaipon ay napag-desisyonan ko nang umuwi dito sa ‘Pinas para makapagpatayo ng sarili kong computer shop mula sa naipon kong pera.

Nasa Visayas ang family ko—sina Mama at ang dalawa kong kapatid, naiwan si Papa sa States dahil may inaasikaso siyang maliit na negosyo doon. I have a brother and a sister na pareho kong pinapatapos sa pag-aaral at malapit na rin silang maka-graduate.  Dito na ako sa Manila nagpatayo ng negosyo ko.

I texted Gaea last night na susunduin ko na lang siya. Kaya heto, nasa tapat na ako ng bahay nila. Pagbaba ko sa kotse ko ay nag-doorbell na ako. After a minute ay may lumabas ng katulong mula sa loob ng bahay.

“Si Geae po?” tanong ko. Mukhang kinikilatis pa ako ni MAnang bago sagutin.

“Si Ma’am Eireen po ba?” tanong niya.

Tumango ako. “Pakisabi narito na si Raven.” Imporma ko.

Mabilis ring kumilos ang katulong. Nakasanayan ko lang kasing tawagin si Eireen, sa second name niya. Mas cute kasing pakinggan ‘yon at ako lang din ang tumatawag sa kanya no’n.

EIREEN’s POV

Nagsu-suklay ako no’n ng buhok nang biglang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko.

“Pasok po.”  Nakita kong pumasok si Manang Biday.

“Ma’am Eireen, may bisita ka po. Si Raven daw, hinihintay ka na sa labas.”

Biglang nag-skipped ng beat ang heart ko sa pagkakarinig ko ng pangalang Raven. Ito na talaga ‘to. Andyan na talaga siya.

“Ah o sige po Manang, papasukin niyo muna, sunod na po ako.” Sabi ko. Huminga ako nang malalim. Saka tinapik-tapik ang pisngi ko. This is it!

“Sa date niyo, dapat magpa-late ka din nang kaunti para ‘di masyadong halata na atat na atat ka.”

Naalala kong sabi ni Elix sa akin last time. Actually nang magtext kanina si Raven na malapit na siya sa bahay, bababa na sana ako para salubingin siya, kaso napigil ako nang naalala ko ang sinabing ‘yon ni Elix.

Kaya heto, nagpapa-late nang kaunti. First time kong gawin ang maging hindi ‘on time’ sa isang usapan. Medyo nakakapanibago kasi hindi naman ako nali-late sa mga usapan. Tinignan ko muna ang ayos ko sa vanity mirror—napangiti ako nang makita ko ang kabuuan ko.

I was wearing a pink dress na hanggang tuhod. May taste din pala sa pagpili ng damit si Elix. For the sake of love—good bye black muna.

“And the most important thing is—always wears a smile on your face, mas lalo ka kasing gumaganda.”

And I began to smile. “Not bad.” Nakangiti ko ring sabi nang makita ko ang repleksyon ko. Saka na rin ako tuluyang bumaba.

Wala si Daddy, nasa isang business meeting abroad, kaya heto walang magtatanong kung saan ako pupunta. Hala, parang nagiging Elix na ako, hindi ko na napipigilan ang pagngiti.

The Prince's Kiss (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon