Chapter 26: He's with her and I'm with him.

1.7K 32 3
                                    

ELIXIR’s POV

ISANG linggo na rin ang nakalipas simula nang pumunta kami sa Palawan. I had a great time with my family and friends. It was indeed a great vacation.

Habang wala akong pinagkakaabalahan, minsang dumadalaw-dalaw din ako sa Legacy kasama si Mommy, para makibalita sa mga nangyayari sa company. At sa kabutihang palad, namamayagpag pa rin sa bansa ang kompanya sa pamamahala ng pinsan kong si Chrys.

Kagagaling ko lang doon ngayon, kaso tinawagan ako ni Mommy na makipagkita kay Yunica. Yayain ko daw itong kumain sa labas. Kaya heto, papunta ako sa Hotel na tinutuluyan niya. Next week darating ang Mama niya galing din sa States.

AFTER thirty minutes ay nakarating na ako sa Hotel na tinutuluyan niya. Tumawag na ako sa kanya kanina para yayain siyang kumain sa labas, kaya nang makarating ako doon, nakita ko na siyang nag-aabang sa lobby. Kinawayan at nginitian ko siya, bago nilapitan.

“Hi!” nakangiting bati ko.

“Hello!” ganti rin niya. She really looks so stunning. Napapalingon sa amin ang mga taong dumadaan.

“You looks so beautiful, kaya tayo pinagtitinginan ng mga tao sa paligid.” Sabi ko, napangiti naman siya.

“Hindi ako kundi ikaw! Ang gwapo mo kasi, kaya tayo pinagtitinginan. I’m versy sure ang daming girls na naiinggit sa akin ngayon.” Aniya. At nagulat na lang ako nang umabrisyete siya sa braso ko. “Mas iinggitin ko pa sila.” Nakangiting sabi niya.

Napangiti ako. May pagka-pilya din pala siya kung minsan. “Tara na?” yaya ko na lang.

“Sure.”

 SA ISANG Italian Restaurant kami nagpunta. Maraming tao noon sa Restaurant kaya mahirap humanap ng bakanteng mauupuan.

“Sir, Ma’am, is it okay with you to wait for ten to fifteen minutes, wala pa po kasing vaccant na table?” tanong sa amin ng waiter. Napatingin ako kay Yunica. Nagkibit-balikat naman siya.

“I think, hindi na namin mahihintay ‘yan.” Sabi ko. Saka ko hinawakan ang kamay ni Yunica at hinila na siya palabas ng Restaurant.

“Where will we going?” nagtatakang tanong pa niya.

May mas naisip kasi akong magandang lugar kung saan makakakain ng mas masasarap na pagkain. Yung tipong—busog ka na, masaya ka pa. 

 

EIREEN’s POV

“What are we doing here, Gaea?” tanong sa akin ni Raven. Saka ito nagpalinga-linga sa loob ng Yvonne’s Restaurant. Dinala ko kasi siya dito para kumain ng dinner, since hindi naman siya makapag-decide kung saan kami kakain.

Eh tutal matagal ng panahon no’ng huli akong magpunta dito at hindi naman ako gaanong nakakain noon dahil unaware pa ako sa mga pagkaing tulad nang ganito, kaya nandito uli ako, this time masubukan ko na rin.

I will give it a second try. Baka magustuhan ko na siya ngayon. Si Elix nga na-in love na yata sa mga pagkain dito e.

“Kaya naman kitang i-treat sa isang mamahaling Restaurant Gaea, pero bakit dito mo naisipang kumain?” naiiling na tanong ni Raven. “Let’s go somewhere—” Pero too late dahil nahila ko na siya papasok sa loob.

“Welcome Ma’am, Sir to Yvonne’s Restaurant. Dito po tayo..” giya sa amin ng waitress na sumalubong sa amin, para dalhin kami sa bakanteng table.

The Prince's Kiss (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon