Chapter 15: My fiancée?

1.3K 41 2
                                    

ELIXIR’s POV

“LOLA, sino po ‘yong tumawag sa akin?” para kasing narinig kong nag-ring tapos ‘yong phone ko.

Naligo ako saglit kaya iniwan ko muna si Lola dito sa kuwarto. Ipinapasundo kasi ni Mommy sa akin ‘yong babaeng gusto nilang ipakilala sa akin, na anak daw ng kaibigan ni Tita Liza. Well, wala naman na akong magagawa since ako ang inutusan ni Mommy. Nasa ibang bansa kasi lahat ng mga kamag-anak nito kaya ako na ang susundo. Akala ko nga patutuluyin din ni Mommy dito sa bahay e, buti na lang nakapagpa-reserved na ito sa isang hotel.

“Ahh.. Si Eireen.”

“Si Eireen? Bakit daw po?”

“Wala naman siyang sinabi, pero ako may sinabi.”

Ano daw? Napatitig ako kay Lola. “Ano pong sinabi niyo sa kanya?”

“Sinabi ko na gusto mo siya!”

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa ipinagtapat ni Lola. “Po? Sinabi niyo ‘yon?” Ano na kayang iniisip ni Eireen sa aking ngayon? “Lola, bakit mo naman sinabi ‘yon?” nakakamot sa ulo na tanong ko. Saka ako bumuntong-hininga.

Ngumiti si Lola. “Kasi nga feel ko lang sabihin.” Sabi niya.

Napapikit na lang ako. Ang gara din ni Lola e. Kapag feel sabihin ang kung anumang gustong sabihin, sige lang. 

“Pero hindi ko gusto si Eireen ‘La.” Depensa ko.

Nagulat na lang ako nang ilapat ni Lola ang palad niya sa tapat ng puso ko.

“Ano pong ginagawa niyo ‘La?”

“Pinapakiramdam ko ‘yang tibok ng puso mo. At nararamdaman ko na naka-move on ka na talaga kay Chinky, at dahil ‘yon sa tulong ni Eireen.” Ano? Dahil kay Eireen?

“Paano niyo naman po nasasabi ang mga bagay na ‘yan?”

“Ah ganito lang yan..” saka niya ako hinila paupo sa kama ko. “Simula nang makilala mo si Eireen, nawala na ang mga tingin mong bitter. Mas umaliwalas na ang mukha mo ngayon kaysa dati. At alam kong dahil ‘yon kay Eireen.”

“Lola, nag-move on po ako dahil kailangan na, at dahil tinulungan ko ang sarili ko. Hindi dahil kay Eireen.” Paliwanag ko, pero natawa lang siya.

“Ang defensive mo, Apo.”

“Ang kulit niyo po kasi Lola.” Sabi ko. Saka ko hinalikan ang noo nila.

“Sa tingin mo makakapagtapat ka na kay Chinky nang nararamdaman mo para tuluyan mo nang mapalaya ang nararamdaman mo sa kanya?” ani Lola.

“One of these days ‘La.”

“Good luck. Sana maisip mong si Eireen talaga ang tadhana mo.”

“Bakit niyo po ba siya gusto para sa akin?” na-curious tuloy ako.

“Kasi opposite attracts daw, tingnan mo si Chinky at Chrys. Kaya alam ko kayo din ni Eireen.”

Napailing ako. “E paano kung magpaka-bad boy na din kaya ako? Para wala na ‘yang opposite  attracts na ‘yan.” Natatawang sabi ko.

“E wala naman sa nature mo ang magpaka-bad boy e.” sabi ni Lola.

“Pero ‘La napansin ko lang po, mas attractive yata talaga ang mga bad boys kaysa sa mga good boys e.”

Natawa si Lola. “Hindi naman lahat. Tulad mo, ang dami mo pa ring admirers e good boy ka naman.”

“Talaga po?”

The Prince's Kiss (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon