Chapter 28: Love lies..

1.3K 31 1
                                    

EIREEN’s POV

NIYAYA ako ni Raven mag-dinner, kaya nandito kami sa isang fancy restaurant. Pero ayon siya at may kausap sa phone niya. Actually, kanina pa siya doon, kanina pa nga ako nagugutom e, kaya nagsimula na akong kumain, bahala na lang siyang humabol.

Ang sabi niya, kapag kasama niya ako, sa akin lang ang atensyon niya, pero napapansin ko simula nang sagutin ko siya, kaunting oras na lang ang nilalaan niya sa akin, dahil busy na siya sa trabaho niya.

Oo at iniintindi ko na lang siya dahil alam kong kailangan din namang niyang bigyan nang pansin ang negosyo niya, pero hanggang saan at kailan ko siya hihintayin? Hanggang  dumating sa punto na makalimutan niyang kasama pa niya ako? Ngayon na nga lang niya ako niyayang kumain, makalipas ang isang linggo. Nakita ko na siyang palapit na sa table namin, mukhang natapos na ang tawag niya. 

“Sorry Gaea, importanteng tawag lang kasi.” Paumanhin niya.

Tumango na lang ako. Kasi gutom na talaga ako. Wala na akong time para tanungin pa siya kung  sino ang kausap niya at kung ano ang pinag-usapan nila. Nagsimula na rin siyang kumain, pero bigla na namang tumunog ang phone niya, mag-text yata sa kanya. Napabuga ako ng hangin. Hindi na ito romantic dinner! Padabog kong ibinaba ang mga kubyertos ko, para mapansin niyang naiinis na ako.

Sino ba ang importanteng taong ka-text niya? At halos doon na lahat ang atensyon niya. Ni hindi man lang niya kumustahin ang naging takbo ng araw ko. Napatingin siya sa akin. 

“Sorry, importante lang—”

“Mas importante pa sa akin?” putol ko sa sasabihin niya.

Wala bang time na kapag kasama niya ako, akin lang din ang atensyon niya?

“Gaea, alam mo namang importante ka sa akin, pero kasi—”

Pinunas ko ang bunganga ko ng tissue saka na tumayo. “Uuwi na ako, bahala ka na dyan.” Paalam ko na, pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko para pigilan.

“Chill lang Gaea, trabaho lang kasi.” Sabi pa niya.

“Trabaho? Sana pala ‘yong trabaho mo na lang ang girlfriend mo.” Hindi ko naiwasang maging sarkastiko. “Ako ang kasama mo ngayon, ‘di ba pwedeng ako din muna ngayon?”

“Gaea, para din naman ito sa future natin e.”

Future? Huh! Hindi ko kailangan ng asawa na mas importante ang trabaho kaysa sa akin. Oo at magiging maayos ang pamumuhay namin dahil sa pagsusumikap niya sa kanyang trabaho, pero paano naman kami kung lagi na lang siyang trabaho?

Iniintindi ko naman talaga siya lagi e, pero sumusobra na kasi siya. E di sana hindi na lang din niya ako inimbita para kumain ngayon ‘di ba?

“Bitiwan mo na nga ako, uuwi na ako!”

“Gaea..”

Hinila ko ang braso ko sa kanya at nagsimula nang maglakad, pero mabilis siyang naglakad para harangan ako. At nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin—sa harap nang maraming tao. Nakakahiya.

“I’m sorry. Please try to understand me.” Bulong niya sa akin, saka niya mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Napabuga na lang ako ng hangin para sumuko. “Susubukan ko uli. Pero sana kahit kaunting oras, bigyan mo naman ako, Raven. Kasi minsan pakiramdam ko, mas importante na ang trabaho mo kaysa sa akin.”

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, saka niya hinalikan ang noo ko. Napapikit na lang din ako. Naramdaman kong hinawaka niya ang kamay ko, napamulat na ako. Tuluyan na kaming lumabas ng restaurant, maghahanap na lang daw kami nang bagong makakainan.

The Prince's Kiss (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon