Chapter 20: Changed partners

1.3K 38 7
                                    

ELIXIR’s POV

SANDALI lang.” Sabi ko sa sinumang kumakatok sa harap ng pintuan ng cottage na tinutuluyan ko.

Katatapos ko lang no’ng maligo at nagsusuot pa lang ako ng T-shirt. Ilang saglit pa ay nakabihis na din ako. Pagkabukas ko ng pintuan ay nagpalinga-linga ako sa paligid, walang sinuman ang naroon. Hindi kaya guni-guni ko lang ang narinig kong katok? Isasara ko na sana ang pintuan nang mapansin ko ang isang red card sa nasa harapan ng pintuan ko. Nagpalinga-linga uli ako sa paligid, sino kaya ang nag-iwan nito doon? Mabilis kong dinampot ‘yong card.

Tinignan ko ang nakasulat sa red card at nakapangalan ito sa akin e. Kaya mabilis ko itong binuksan para basahin ang nakasulat.

Elix,

See you at Grand Restaurant tonight at eight.

                                                                -Eireen

Eireen? Pinaldahan ako ni Eireen ng isang card? Samantalang pwede naman niya akong tawagan o katukin na lang kung may gusto siyang sabihin sa akin, magkalapit lang naman ang mga kuwarto namin e.

Pero teka, hindi naman ugali ni Eireen ang magsulat ng mga ganito e. Hindi ko alam kung siya nga ba talaga ang gumawa nitong card. O baka naman prank lang ito? Tatawagan ko sana si Eireen para i-confirm ito, nang biglang mag-ring ang phone ko. Si Yunica ang tumatawag, na nasa kabilang kuwarto lang. Napailing lang ako. Ang weird ng mga babae e, ang lapit-lapit lang namin sa isa’t isa, hindi na lang ako puntahan.

            “Yes Yunica?”

“I’m already hungry.”

“Ah okay, susunduin na kita. Sige, palabas na ako.”

“Okay.”

Pero paano nga pala itong card? E mag-aalas otso na rin. Napailing ako. Hindi siguro si Eireen ang sumulat nito at baka ‘yong mga girls lang ‘to na nasa front desk. Kanina kasi pinadalhan din nila ako ng chocolates e. Alam kong sila ‘yon dahil narinig ko kanina ang usapan ng mga kasamahan nilang lalaki tungkol doon.

At ginagamit pa nila si Eireen para pagtakpan ang kanilang mga sarili. Napabuntong-hininga ako. Iniwan ko na ‘yong card sa ibabaw ng kama ko, saka na ako lumabas ng kuwarto para sunduin si Yunica sa kabilang kuwarto.

EIREEN’s POV

Eireen,

See you at grand Restaurant tonight at eight.

                                                                -Elix

 Nagulat ako sa card na nabasa ko. Huminga ako nang malalim. Saka ako bumuga ng hangin. My God! Gustong makipagkita sa akin si Elix sa Grand Restaurant tonight! Niyaya niya ako sa isang dinner date!

Pero bakit hindi na lang niya ako tinawagan at kailangan pang isulat sa card? Pagkadating namin kanina ni Raven galing sa pamamasyal, nakaidlip ako ng mga isang oras, heto katatapos ko lang maligo. Ang init ng panahon, kaya masarap maligo, masarap ang lamig ng tubig. May nag-doorbell lang kasi kanina kaya ko binuksan ‘yong pintuan at heto nga may isang red card sa harap ng pintuan ko na hindi ko alam kung kanino galing, hanggang sa nabasa ko.

The Prince's Kiss (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon