Chapter 16: My first mind-blowing Kiss O.O

1.5K 38 2
                                    

EIREEN’s POV

NAPABUNTONG-hininga ako. Gabi na pero nandito pa rin ako sa office. Ang dami ko kasing nira-rush na papers ngayon, dahil pagkauwi ni Daddy galing sa business trip the following days, for sure ichi-check niya agad ang mga to. Istrikto si Daddy sa trabaho at sa lahat ng bagay. Pero sanay na ako.

Habang abala ako sa pagbabasa nitong mga papers sa table ko, bigla na lang malakas na kumalam ang sikmura ko. Ayan na! Gutom na talaga ako. Pasado alas siyete na din kasi, hindi pa ako nagdi-dinner.

Dapat din may dinner date ako together with Raven tonight, kaso may kung ano daw nangyari sa Shop niya, kaya hindi kami natuloy, pero mabuti na rin ‘yon para matapos ko na rin ‘tong ginagawa ko.

Tumigil ako saglit sa pagbabasa, saka ako nag-stretch ng mga braso at legs ko. Haaaay.. Nakakapagod. Saglit akong napapikit at isinandal ang ulo ko sa headrest ng swivel chair ko. I just need a five minutes break. Pero habang nagpapahinga ako ay biglang tumunog ang phone ko.

Inabot ko agad ang cell phone sa mesa saka tinignan ang caller. Gano’n na lang ang pagtalon ng puso ko nang makita ko kung sino ang tumatawag.

Caller: KingKong

My God! Bakit ganito na lang makatalon at maka-react ang puso ko? Dati naman hindi ganito e. Huminga ako nang malalim, saka ko pinakalma ang sarili ko bago ko tuluyang sinagot ang tawag.

“Yes?”

“'Musta?” Nag-skipped nang beat ‘yong heart ko nang marinig ko ang boses niyang ‘yon. Parang ang tagal ko na siyang hindi naririnig, e kelan lang nong nagkausap kami. Tss.. Ano ba talagang nangyayari sa akin?

“O-Okay naman.” Nabubulol-bulol na sagot ko. Mamaya mapansin niyang kinakabahan  pa ako. Heart kalma lang. Si Elix lang ‘yan. Relax. Inhale. Exhale.

“Ah okay, nasaan ka ngayon?” tanong niya.

“Sa office, bakit?”

“Kumain ka na?”

“Hindi pa, bakit?”

“Can we go out?”

“Ha?”

I heard him chuckled. “Sorry, pero nandito na ako sa labas ng kompanya niyo. Hintayin na lang kita dito sa labas.”

Sasagot pa sana ako pero nawala na siya kabilang linya. Dapat galit ako e, kasi binabaan niya ako nang tawag at ayoko no’n! Pero ang loka ko kasi napangiti pa ako. Oh my God, may sakit na  yata ako.

Tumayo ako sa swivel chair. Siguro naman kaya kong matapos ang mga ginagawa ko bago pa dumating si Daddy ‘di ba? Kaya magdi-dinner na muna ako. Sinipat ko muna ang hitsura ko sa salamin sa restroom bago ako tuluyan bumaba para makipagkita kay Elix.

Nang makarating na ako sa harapan ng kompanya ay nakita ko siyang nakayuko at nakapamulsa habang nakasandal sa sasakyan niya. My heart skipped a beat. Nagiging habit na yata ng puso ko ang pag-skip nang beat sa tuwing nakikita o nadidinig ang boses ni Elix.

Matagal ko siyang tinitigan. Hindi kasi nakakasawa makita ang mukha niya. Napakaamo no’n. Parang ang sarap haplusin. Habang naglalakad ako palapit sa kanya, nababanaag ko ang kalungkutan sa mukha niya. May problema ba siya? Dahil na naman ba ‘yon kay Chinky?

Naramdaman yata niya na papalapit na ako sa kanya, kaya nag-angat siya ng tingin at nang makita ako ay ngumiti na siya.

“Hello!” nakangiting bati niya.

The Prince's Kiss (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon