Chapter 7. Elix as Love Coach

1.5K 37 13
                                    

EIREEN’s POV

BUKOD kay Raven, ngayon lang uli may lalaking naglakas ng loob na lapitan ako nang ganito. But the difference was—si Elix ang nag-i-initiate lahat nang moves. He looked more approachable than Raven. Pareho silang gentleman at magnet para sa mga kababaihan. But why on earth na bigla na lang akong gustong tulungan ni Elix sa love life ko?

“I don’t want you to regret, katulad ko. Hindi ko ipinaglaban ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya ang dami kong ‘What If’s’ ngayon.”

Naalala ko nga palang sabi niya kanina. Napabuga ako ng hangin, saka napasandal sa head board ng kama ko. It’s just that, nahihiwagaan talaga ako sa pagkatao ni Elix e.

But I want to try it though. Pero nagdadalawang isip pa ako, paano kung masaktan na naman ako tulad ng dati, kakayanin ko ba uli makaramdam ng gano’ng sakit? Baka hindi ko na makayanan this time, umalis at iniwan kami ni Mommy, napaka-strict ni Daddy and Raven hurt me and I have had enough at baka hindi na ako magamot nang anumang klase ng pain reliever.

Mahirap mag-assume na hindi ka na iiwan ng mga taong mahal mo, that’s why I don’t want anyone to get near me. I don’t want to feel that kind of pain again and again. But I am confused right now, para kasing gusto ko na hindi? I want to try it dahil sabi nga ni Elix, mahirap magkaroon ng ‘What If’s’ in the future. Tumunog ang phone ko.

Caller: KingKong

Speaking of Elix, he’s calling..

“What?” bungad ko.

“Have you decided?”

I’m so confused! Can I have a week to think? Ay oo nga pala, malapit na siyang matapos sa pagiging driver niya sa akin. Napahugot at napabuga ako ng hangin. Naisip ko, minsan lang din kasing dumating ang mga ganitong chance.

“Ang lalim n’on ha.” Sabi niya no’ng narinig niya ‘yong paghugot at pagbuga ko ng hininga.

“Ngayon na ba talaga kailagang sumagot?”

“Yes.”

“Okay.”

“Okay? Like—Oo? Or okay like—hindi?”

“Okay like—oo.”

 “Really? That’s a good decision. Then, we’ll start tomorrow.”

“What are we gonna do tomorrow?”

“A huge transformation!”

“Transformation of what?”

“You’ll turn into a Princess.”

“Ha?”

“This is a preparation for your get-together with your First love—soon.”

“Ha?” I don’t know what to say.

“I promise you, bago ako matapos sa serbisyo sa ‘yo, okay na din ang lahat sa inyo. Now, get some rest. Good night Eireen.”

Napakunot-noo na lang ako sa kanya. Para akong nananaginip sa mga sinabi ni Elix. Is it really possible for Raven to fall for me? Anong ‘huge transformation’ ang gagawin ni Elix sa akin?

Saglit akong napaisip ng mga posibilidad na magiging huge transformation ko. At nanlaki ang dalawa kong mga mata nang biglang lumitaw sa isipan ko ang—pagpaparetoke! Oh my God!  ‘Yon ba ang ibig niyang sabihin sa transformation ko? Iisipin ko pa lang ‘yong mga syringes and knives na gagamitin sa akin, feeling ko katapusan ko na. No, I can’t! I think I've made a wrong decision.

The Prince's Kiss (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon