Ikapitong Hiwaga

729 25 22
                                    

Sinalubong ni Menchie ang binatang nakasungaw sa pinto. "Kamusta na?" Tanong nito.

"Heto, ganoon pa rin." Tugon ni Menchie, na kapagkaraka'y tumayo at pinagpag ang damit. Lumapit ito sa binata at ngumiti. "Napadaan ka?"

"Baka hindi ka pa kumakain. Gusto mo magmiryenda?"

Naramdaman ni Menchie ang kalam ng sikmura. Hindi pa sya kumakain. "Sige, sama ko. Pero libre mo ko aahh."

Napangiti ang binata sa mata ni Menchie. "Kaya nga kita inaya, diba?" Tugon nito.

Tuluyang lumabas si Menchie ng pinto at sumabay sa binata. Dahan-dahang tinahak ang maputik na daan patungo sa palengke. Napasulyap si Menchie sa binata. Napansin niyang matangkad at matipuno pala ito ngunit payat na malapad ang likod. Hindi kaputian ang kulay ng balat nito ngunit tila bang hindi naaarawan. Tinitigan nya ang mata ng binata. Tila nakita na niya ang mga matang ito? Hindi niya maalala kung saan. Baka panaginip lang niya iyon. Hindi niya alam. Inalog nya ang kanyang ulo upang maalis ito sa kanyang isip.

Bahagyang hinawakan ng binata ang braso ni Menchie ng patawid ng kalsada. Tila nakuryente si Menchie. Tumaas ang balahibo niya mula ulo hanggang paa. Nakaramdam siya ng kakaibang kiliti sa kanyang batok. Napatingin siya sa binata. Naramdaman niyang dumaloy ang dugo papunta sa kanyang ulo.

Tumingin sa kanya ang binata at napangiti. Iniwas niya ang kanyang mata. Bakit hindi siya makatingin ng diretso sa mata niya? Uminit ang kanyang mukha, parang maluluha ang mga mata, at lumiit sa hiya.

Huminto pansamantala ang binata, hinawakan ang kanyang baba at ginabay ang kanyang mukha patingin sa kanyang mata. "Nandito na tayo." Sabi nito.

Mamamatay na yata siya sa hiya. Ano ba yan. Kailangan ba talagang gawin iyon. Parang pangsamantalang nawala siya sa kanyang pagiisip.

Ibinukas ng binata ang pinto at sumenyas na papasok. "Tuloy po kayo, binibini." Hindi nawawala ang mga ngiti sa labi ng binata.

"Thank you," sagot ni Menchie, at pumasok sa loob. Isang carinderia, ngunit may iba't ibang putahe. Umaalingasaw ang amoy ng ginisa sa loob nito, na lalong nagpagutom sa kanya.

"Anong gusto mo?" tanong ng binata.

Nakita niya ang spaghetti at beef tapa na nakadisplay. "Gusto ko no'n." Sabay turo sa dalawang putahe. "Saka isang pritong itlog." Sabay ngiti.

Natawa ang binata. "Mauubos mo yan? Kailan ka ba huling kumain?" Tumawa ito ng bahagya at tinawag ang tindera. "Ate, ito nga po saka ito. Tapos dagdagan nyo po ng dalawang order nito. Magkano po?"

Pumindot sa calculator ang tindera at pinakita ang resulta sa binata. Pipi ba 'to? Isip ni Menchie.

Umupo ang dalawa sa isang bakanteng lamesa malapit sa bintana. Nagkuwentuhan. Nagkatuwaan. Nagkakulitan.

Lumipas ang ilang minuto, at para bang nakalimutan na ni Menchie ang oras.

Kakaibang galak ang nararamdaman ni Menchie kapag kasama ang binata. Nalilimutan niya ang lahat pag kasama ito.

Hiwaga #PHTimesAwards2019 #YourChoice2018Where stories live. Discover now