Ikalimang Hiwaga

779 26 45
                                    

Nanatiling nakatitig si Menchie sa binata. Bakit kaya kakaiba ang nararamdaman niya kapag kasama niya ito? Halos lumabas ang puso sa kanyang dibdib sa kaba.

Ilang hakbang ang layo ni Menchie sa binata. Sadya niya itong pinauuna. Gulong gulo ang kanyang isip. Nais niya itong tumigil at sumabay sa kanya, ngunit hindi niya alam kung ano ang gagawin kung lapitan man siya nito. Nais niyang hawakan ang braso nito, kumapit sa likuran ng binata at langhapin ang amoy nito.

Sandali lang. Hindi maaari itong mga naiisip ko. Nasa nakaraan ako, at kapag nakabalik na ako sa panahon ko, mas matanda siya ng hindi hamak sa akin. At baka hindi na niya ako maalala.

Napahinto siya sa paglalakad at inakap ang sarili. Ano ba'ng nangyayari? Nahihirapan ang kanyang damdamin.

Humarap sa kanya ang binata. "Ano'ng problema?" Tanong nito.

"Wala, may naiisip lang ako."

"Pwede mo namang sabihin sa akin. Kung iniisip mo ang problema mo, makukuha mo rin ang solusyon. Darating iyon sa tamang panahon."

Napatingin siya sa mga mata ng binata. Naniniwala ba siya sa akin? Na talagang nanggaling ako sa future? Na talagang hindi ko inaasahan na totoo ang spell. Na hindi ko rin inaasahan na mapupunta ako sa nakaraan, at makikilala kita.

Nangingilid ang mga luhang lumapit siya sa binata. Bahagya niyang hinawakan ang manggas ng damit nito.

Hinawakan ng binata ang ulo ni Menchie. "'Wag kang mag-alala, makakabalik ka rin."

Tuluyan ng umagos ang luha ni Menchie. Ano na kaya nangyayari sa kanila? Sa bahay? Ano na kaya ang nangyayari sa iskuwela. Wala akong kasama dito. Mama. Mama. Gusto ko ng umuwi. Nadi. Nasaan ka na ba. Nandito ka rin ba.

X x x x x x

"Salamat." Sabi ni Menchie, habang kumakaway sa binata.

"Bukas na lang ako babalik." Sagot naman nito, habang kumakaway palayo.

Tinitignan ni Menchie ang binata hanggang sa mawala ito sa malayo, saka bumalik sa loob ng kubo. Kinuha niya ang asin at ibinudbod ng pabilog sa lapag. Kinuha niya ang salamin at inilagay sa sentro nito. Naglagay siya ng kandila at sinindihan ito.

Umupo siya sa harap ng salamin. Pumikit ng mariin. Ilang saglit pa, may mga kakaibang katagang lumabas sa kanyang bibig. Ng naramdaman niyang tapos na ito, idinilat niya ang kanyang mga mata. Patay na ang kandila. At wala na ang panganganinag ng salamin.

Nilapitan niya ng dahan dahan ang salamin. Unti-unting lumilitaw at naaaninag niya ang hugis ng isang tao.

Nilapit niya ang mga mata sa salamin, at nakita niya ang hugis ng isang tao Na walang mukha.

Nagulat at napaatras si Menchie. Kinuha ang notebook na itim at isinulat ang lahat ng kanyang ginawa, pati ang chant na kataka-takang naaalala pa niya.

Saan siya nagkakamali? Iisa-isahin niya ito.

Hiwaga #PHTimesAwards2019 #YourChoice2018Where stories live. Discover now