Unang Hiwaga

2.2K 50 115
                                    

Tumakbo si Menchie palabas ng pinto ng classroom matapos marinig ang bell. Uwian na. Sa wakas, mababasa na rin nya ang libro na nahiram nya sa library.

Nakita nya ang libro sa pinakadulo ng mga istante, maalikabok at mukhang hindi na nabibigyan ng atensyon. Mukhang wala nang nanghihiram ng libro sa lugar na yun. Inisa isa nya ng kanyang daliri ang makapal na alikabok na lumikha ng guhit sa gitna ng mga dumi. Dito nya nakita ang di pangkaraniwang simbolo ng librong kinuha. Pentagram. Hinugot nya ang libro at tinignan ang laman nito. Maraming iba't ibang klase ng paraan ng spells at kulam. Paraan upang makakita ng pag-ibig, pera, trabaho. Madadali ang mga gagawin at walang masyadong gamit na kailangan. Nagmamadali siyang umuwi, tumatakbo ng marinig niyang tawagin siya ng kaibigang si Nadi. "Bes! Sa'n ka?"

"Dito lang!" Sigaw ni Menchie, walang lingon-likod at humahangos. "Sama ka sa bahay?"

"Ano nanaman ba yang kalokohan mo?" Reklamo ni Nadi, ngunit kaagad din siyang humabol sa tumatakbong kaibigan.

"Nakita ko 'tong libro sa library." Kwento ni Menchie, habang binubuklat ang libro sa loob ng kanyang kwarto.

"Gumagana ba yan?" Tanong ni Nadi. "Ang hilig mo sa ganyan, no?"

"Wala namang mawawala, di ba?" Sagot ni Menchie. "Asin lang at kandila kailangan, saka may sasabihin lang tayo nakasulat na dito sa libro."

"Ano ba yan?" Tanong ni Nadi, habang binubuklat ang lumang libro na hiniram ni Menchie. "Lumang luma na 'to, dilaw na yung pages, o."

"Naaliw lang ako kasi sabi diyan, basta tama pagkakagawa, instant ang resulta." Sabi ni Menchie.

"Eh nakasulat naman dito, mag-ingat sa mga maaring maging resulta ng pagkakamali."

"Walang mali yan," tugon ni Menchie. "Nakasulat naman o. Tara na, kumuha ka na ng asin sa baba habang wala pa si Mama."

"Sigurado ka? Mukha tayong tanga." Sabi ni Nadi habang binubuhos ni Menchie ang asin sa sahig.

"Naman. Nakasulat nga di ba. Nakalagay naman diyan. Wala naman masama mangyayari kung susubukan natin eh."

"Alin ba dito gagawin mo?"

"Ayan, nakalagay diyan. Makikita mo daw yung magiging asawa mo sa future."

"Nyek. Nakakatakot naman yan pag tumalab yan."

"Kunin mo na yung salamin. Dapat daw nasa gitna nung asin."

Walang nagawa si Nadi kundi sumunod sa sinasabi ni Menchie. Inayos nya ang salamin sa gitna ng bilog na asin na ibinudbod ni Menchie sa lapag, iniingatan na hindi masira ang pagkakabilog nito.

Sinindihan ni Menchie ang kandila na nakaharap sa salamin habang nakatayo si Nadi sa likod nito. "Ano ba gagawin ko?" Tanong ni Nadi.

"Umalis ka diyan sa likod ng salamin, bawal diyan."

Humakbang si Nadi paalis at umupo sa gilid ng kama ni Menchie. Pinanood nya ang ritwal na ginagawa ni Menchie. Nakakatawa. Mukha siyang tanga.

Sinunod ni Menchie ang lahat ng nakasulat sa libro. "Sa loob ng bilog ng asin na ibinudbod sa lapag, ipwesto ang salamin sa gitna. Sindihan ang kandila sa harap nito at ipikit ang mga mata. Isipin ng mabuti ang hinaharap, at kapag naramdaman ang kakaibang ihip ng hangin sa iyong balat, idilat ang mga mata."

Wala naman siguro siyang pagkukulang. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit isipin ang hinaharap ng may marinig siyang sigaw sa labas. "Yung homework natin sa history!"

Oo nga, may assignment pa sila, naisip niya. Pero eto muna. Tatapusin muna nya 'to bago niya gawin ang homework, ng bigla siyang nakaramdam ng kakaibang lamig ng hangin. Ang inuupuan niyang sahig, parang lumambot. Parang naging lupa.

Unti unti niyang dinilat ang mga mata. May mga puno, madilim, parang gabi. Nakaharap pa ba siya sa salamin? Wala naman siyang nakikitang tao.

"Walang kwenta 'to." Sabi niya, habang tumatayo upang magligpit ng kalat ng bigla niyang napansin na hindi siya nakaharap sa salamin.

Parang kalokohan, ibang lugar ang nakikita nya. Wala siya sa bahay nila, wala si Nadi, wala ang asin at salamin.

Tumayo siya at naglakad. "Ano 'to? Panaginip ba 'to?"

Hiwaga #PHTimesAwards2019 #YourChoice2018Where stories live. Discover now