Ikaapat na Hiwaga

866 33 76
                                    

Hindi nagtagal ang binata na kasama ni Menchie sa kubo. Umuwi din ito ng hatinggabi ngunit maagang bumalik kinabukasan.

Nagalak ang puso ni Menchie, ngunit naalala niya na hindi pa siya kumakain.

"May dala akong kaunting pagkain para sayo. Alam kong hindi ka pa kumakain." Sambit ng binata.

Halos maluha si Menchie ng makita ang pandesal, palaman at kape na dala ng binata sa isang supot.

Inabot ni Menchie ang supot, at hindi sinasadyang dumaplis ang kanyang kamay sa kamay ng binata. Nakaramdam ng galak ang puso ni Menchie. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Napatingin sya sa mata ng binata na mula pa kagabi ay hindi niya alam ang pangalan. Nagkatagpo ang kanilang mga mata. Nahiya si Menchie, napangiti ngunit agad umiwas ng tingin. "Salamat sa pagkain."

"Ok lang." Sagot ng binata.

Mula pa kagabi ay walang umuuwi na tao dito sa kubo. Siguro naman pwede ko ng galawin ang mga kagamitan dito, isip ni Menchie.

Sinubukan niyang ulitin ang mga huli niyang ginawa bago siya napadpad sa lugar na iyon. Saan ba ako nagkamali?

"Ano ba'ng gagawin mo?"

Ikinagulat ni Menchie ang biglang pagtatanong ng binata. Napalalim yata ako sa pag-iisip.

Ano'ng isasagot ko? Pagkakamalan niya 'kong baliw kung sasabihin ko na galing ako sa future, nagkamali sa pag-cast ng spell at napunta sa past. Daig ko pa nakatakas sa mental pag gano'n ang sinagot ko.

"Di ka ba hinahanap sa inyo? Magdamag ka ng nawawala. Malamang nag-aalala na mga magulang mo." Sabi pa nito.

"Pag may nabalita sa TV na Menchie ang pangalan na nakatira sa Maynila, ako na yun." Sagot niya.

"Ahh, Menchie pala pangalan mo." Sagot ng binata na may ngiti sa mga labi. Lumapit siya kay Menchie at inalok ang kanyang kamay. "Henry."

"Nice to meet you, Henry." Tinanggap niya ang alok na pakikipagkamay ng binata. Ang dami din pala na may pangalan na Henry ng panahon na 'to, isip ni Menchie. Ito siguro ang uso na pangalan n'on.

"Ay, sandali lang." Naalala ni Menchie ang itim na notebook na may pentagram sa lamesita sa harap ng itim na salamin. Baka may nakasulat dito kung pa'no ako makakauwi.

Nagmamadaling binuklat ni Menchie ang notebook. Laking gulat niya ng makita na walang kahit na anong sulat ang notebook. Malinis na malinis ang loob nito.

Maluha-luha ang mga mata ni Menchie. Ibig sabihin, kailangang alamin ko mag-isa kung paano ako makakauwi sa oras ko.

Kinuha niya ang panulat sa ibabaw ng lamesita. Dip pen. At pula ang tinta na nagiging brown pag natuyo. Kamukha ito nung tinta ng libro na nahiram ko sa library.

Daglian niyang isinulat ang ginawang spell kanina. Kailangan na recorded ito. Pero aayusin ko muna ang mga mali para di ko makalimutan.

"Gusto mo ba muna lumabas para kumain ng tanghalian? Kung ano man 'yang ginagawa mo, pwede naman siguro 'yan ituloy mamaya." Alok ni Henry sabay tapik sa balikat ni Menchie.

Gusto ni Menchie ang pakiramdam ng kamay ni Henry sa kanyang balikat. Sige, sasama ako. Ayokong umalis ka dito.

"Sige. Ok lang ako kahit lugaw lang." Sagot niya.

"Ahh, may alam akong lugawan diyan. Masarap dun, do'n tayo magpunta. Maisasara ko naman ito ulit. Malay mo pagbalik natin, may tao na dito."

Pinauna ni Menchie si Henry na lumabas ng kubo. Kakaiba ang itsura ng likod niya. Matipuno at malapad ang likod at balikat. Parang nakita ko na siya? Hmm. Naiisip ko na lang siguro dahil hindi ako tiga-rito kaya siguro pamilyar sa paningin ko lahat ng tao.

Lumingon palikod si Henry at tumingin sa kanya sabay ngiti. Iniabot nito ang kamay niya na siya namang tinanggap ni Menchie. Gusto ko 'to.

Samantala, sa di kalayuan, natanaw ng isang lalaki ang paglabas ng isang dalaga sa kubo, kasama si Henry. Siya pala ang nakatira dito, kaya pala madalas si Henry sa kubo na 'to.

Kakaibang ligaya naman ang nararamdaman ni Menchie sa pagkakahawak ni Henry sa kanyang mga kamay. Titig na titig siya sa likod ng binata na gumagabay sa kanyang kamay papunta sa kung saan. Tila ba nalimutan na niya na siya ay nasa nakaraan at wala sa tama niyang panahon.

Hiwaga #PHTimesAwards2019 #YourChoice2018Where stories live. Discover now