Binigyan kami ng tig-iisang tali. "Itali niyo 'yan sa paa ninyo. Ang kanang paa ng lalaki ay itatali kasama ng kaliwang paa ng babae. Magte-treasure hunt kayo ng nakaganyan. May mga piraso ng puzzle na nakakalat sa paligid, kukunin niyo ang mga iyon at bubuuin niyo. Kahit hindi niyo makompleto, basta malaman niyo kung ano 'yong larawan na iyon."paliwanag pa ni Mr. Reyes. "Ready, get set, go!"sambit ni Ms. Bas kaya ang lahat ay nagsimula nang maglakad. Ang iba ay natutumba, ang iba naman ay mga tactics kung paano makakalakad ng ayos.
"Ba't hindi pa tayo naglakakad? Baka matalo tayo niyan."sambit ni Nadine.
"Okay lang na matalo kung hindi naman si Camille ang ka-partner ko."bulong ko.
"May sinasabi ka?"tanong pa ni Nadine. Nasimula na akong maglakad, maglalakad lang ako at panonoorin ang iba sa paghahanap ng puzzle piece.
Hanggang sa...
CAMILLE'S POV
Nagkasalubong ang landas namin nina Charles at Nadine.
Ang totoo niyan, sa akin talaga ang drawing na nabunot ni Charles. Nagpaubaya lang ako kay Nadine. Naalala niyo ba ang sinabi niya sa akin kanina na gusto niyang magpatulong? Labag man sa kalooban ko, pero mas mahalaga ang rason ni Nadine kung bakit gusto niyang makipagbalikan kay Charles. Nagka-iyakan pa nga kami eh, nang sabihin niya ang rason niya sa akin. Nadurog ang puso ko nang sambitin niya ito. Nakiusap pa siyang huwag kong sasabihin kay Charles ang sinabi niya sa akin, dahil kaming dalawa lang ang nakaaalam nito. Ultimo si James ay walang alam tungkol dito.
Umiwas nalang kami ni James at nagpatuloy sa paghahanap ng mga puzzles. Para ba akong nawalan ng gana sa paghahanap, kaya tuloy hindi kami nakasama sa mga nanalo.
Habang naglalaro pa ay pumunta na ako sa aming site upang maghanda ng hapunan.
"Ayos ka lang ba?"rinig kong tanong sa akin ni James.
"Ayos lang."pilit na ngiti kong sagot.
"May sasabihin ako sa'yo Camille, pakinggan mo ng mabuti."panimula ni James kaya itinuon ko ang buong atensyon ko sa kaniya. "Kilalanin mo ng maigi ang mga taong nasa paligid mo. Matagal man kayong magkasama, hindi mo pa alam ang tunay na siya. Kaya huwag kang masyadong mabait, paminsan-minsan ay bawasan mo ang pagiging mabait mo. Mabait man siya sa panlabas, hindi mo alam na tinatraydor ka na pala."makahulugang sambit ni James saka ito naglakad paalis. Bakit sinasabi niya sa akin ang mga ito? Bakit parang binabalaan niya ako?
Nagsibalikan na ang mga ka-team ko dito sa site namin, hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni James. Ano ang ibig niyang ipahiwatig? Pagdating sa mga bagay na ganito, hindi masyadong nagfa-function ang utak ko.
Isang bagay pa ang kanina ko pang iniisip, hindi pwedeng matapos ang gabi na 'to na hindi ko nakakausap sina Sky at Lawrence. Ayaw ko ng patagalin pa.
"Buensuceso, kayo ang maghuhugas ngayon ha?"sambit ko. Tumango naman sila.
Una kong nilapitan si Lawrence.
"Lawrence, pwede ba tayong mag-usap?"sambit ko ng tabihan ko ito.
"Tungkol saan?"tanong pa niya. Tumayo na ako at hinila siya papunta sa may tabing-dagat. "Anong sasabihin mo?"tanong pa niya nang makarating kami sa may tabing-dagat.
Huminga muna ako ng malalim at nagsalita. "Ayoko nang patagalin pa ang panliligaw mo sa akin."panimula ko.
"Bakit naman?"takang tanong niya.
"Dahil may isang tao na, na nagmamay-ari ng puso ko. Ayoko na patagalin pa, dahil ayokong masaktan kita ng sobra. Pasensya na kung hindi ko maibibigay ang klase ng pagmamahal na gusto mo. Lawrence, parang kapatid na kita. At iyon lang ang tingin ko sa'yo. Wala nang hihigit pa doon."paliwanag ko sa kaniya.
Nakatingin lang siya sa kawalan. "Makakahanap ka ng nararapat na babae para sa'yo."sambit ko pa. Tumingin naman siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Salamat, dahil sinabi mo kaagad sa akin. At least ngayon, alam ko na dapat na akong tumigil. Salamat, dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na ligawan ka. Sana maging masaya ka sa piling ng mahal mo."sambit niya saka siya ngumiti. Nang bigkasin niya ang salitang 'sa piling ng mahal mo' bigla nalang akong naluha. Dahil mukhang hindi na mangyayari pa 'yon.
"Si Jumbo nalang ang ligawan mo."biro ko pa. Bumusangot naman siya bigla.
"Mas pipiliin kong mag-isa, kaysa ligawan 'yang si Jumbo."sagot nito. "Sabihin mo sa akin kapag sinasaktan ka ng lalaking 'yon ah."sambit pa niya.
"Anong gagawin mo?"sagot ko.
"Gigilingin ko siya."sambit niya.
"Kilala mo ba siya?"tanong ko pa. Umiling siya. "Hindi mo naman pala kilala eh."sambit ko. Nakisuyo ako sa kaniya na tawagin si Sky at papuntahin dito.
Ilang sandali pa...
"Camille."rinig kong tawag sa akin ng pamilyar na boses ni Sky. Pinapunta ko siya rito sa aking tabi, pinaupo sa buhanginan. "Bakit mo ako pinatawag kay Lawrence?"tanong niya nang makaupo siya.
"Bakit mo ako iniwan dati?"panimula ko na ikinagulat niya.
"Akala ko hindi mo ako nakilala nong una?"sagot niya.
"Ginawa ko lang 'yon para alisin lahat ng sakit na ginawa mo sa akin noon."sambit ko pa, pero hindi siya nagsalita. Sa halip ay tumungo siya. "Si Milliseth pala ang ipinalit mo sa akin noon?"sambit ko pa.
"Ang totoo niyan...si Milliseth talaga ang girlfriend ko at isinabay lang kita. Nagkakalabuan kami, pero gusto ko pang manatili kami. Kaya iniwan kita."sambit nito habang nakatungo. Bigla naman akong naiyak dahil nagflashback sa akin ang lahat. "Pwede naman tayong magsimula ulit."sambit pa niya nang mai-angat ang ulo niya, saka hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Sorry, pero huli ka na. May nagmamay-ari na ng puso ko. Kung sana, hindi mo ako iniwan, tayo parin hanggang ngayon. Kaso niloko mo 'ko."buong loob kong sambit. "Ayoko nang patagalin pa ang panliligaw mo sa akin. Makakahanap karin ng nararapat na babae para sa'yo, at sana hindi mo siya lokohin. Matagal na kitang napatawad, wala ng galit dito sa puso ko. Ang gusto ko lang ay malinawan ako kung bakit mo ginawa 'yon."paliwanag ko pa.
"Salamat Camille. Salamat dahil binigyan mo parin ako ng kaunting pag-asa na baka puwede pa tayong magkabalikan. Sorry ulit."sagot nito.
Natapos na ang drama namin. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib, dahil ngayon ay naliwanagan na ako.
Nakapalibot kami dito sa site namin, habang sa gitna ay mayroong bonfire. Naisipan ko na naman na maggitara, dahil saktong-sakto sa naiisip ko.
♬WHEN I'M GONE♬
♬I've got my ticket for the long way 'round
Two bottle whiskey for the way
And I sure would like some sweet company
And I'm leaving tomorrow, wha-do-ya say?
When I'm gone
When I'm gone
You're gonna miss me when I'm gone
You're gonna miss me by my hair
You're gonna miss me everywhere, oh
You're gonna miss me when I'm gone...♬
"Saan ka ba pupunta at parang nagpapaalam ka?"tanong ni Monique. Nagkibit-balikat lang ako.
"Magsunog tayo ng papel, at sa papel na 'yon ay may gusto tayong maglaho na."anyaya ni Quiana. Sumang-ayon naman ang lahat. Kumuha ng papel sina Quiana at Sophie at saka ibinigay sa amin, buti nalang at may dala kaming ballpen. Nagsimula na kaming magsulat.
"Unahin na natin ang leader natin."sambit ni Jayson. Tumayo na ako at pumunta sa harapan.
"Sana hindi nalang kita nakilala."basa ko sa aking papel. Maikling sulat, pero malalim ang nilalaman. Inihagis ko na ang papel sa apoy at naupo sa aking kinauupuan kanina.
VOUS LISEZ
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Roman pour AdolescentsDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 50 ♥ CAMPING #2
Depuis le début
