CHAPTER 50 ♥ CAMPING #2

Start from the beginning
                                        

Nasaan na kaya si Camille? Simula nong umalis siya kanina ay hindi pa siya bumabalik.

Ilang sandali pa, at natanaw ko na si Camille kasama si Nadine na naglalakad papunta dito. Saan kaya nanggaling ang dalawang iyan?

"Maupo ka na."taka akong napatingin kay Camille nang paupuin niya si Nadine sa tabi ko. Saka siya naupo katabi nito, at ang nasa kabilang gilid niya ay si Lawrence.

"Naririto na ba ang lahat?"tanong ni Mr. Jackson habang hawak ang mikropono.

"Yes!"sagot naman naming lahat. Bago pa magpatuloy ang programa, lumipat ako sa gitna nina Lawrence at Sky. Kahit na hindi ko makatabi si Camille ngayon, basta 'wag lang akong itatabi kay Nadine.

"Ang susunod na aktibidad natin ay para sa dalawahan, uunahin muna natin ang mga grade 10."paliwanag ni Mr. Reyes. "Ganito ang gagawin para maging magpair kayo. Ang mga girls na grade 10 ay magdo-drawing, pagkatapos ay paghahaluin namin ang mga ito. Ngayon, bubunot ang mga lalaki sa mga drawings na iyon. At kung kaninong drawing ang mabunot ninyo, sila ang magiging ka-pair ninyo."paliwanag pa ni Mr. Reyes. Ang lahat ng grade 10 na babae ay nagpunta na sa harapan at nagsimula nang magdrawing.

"Siguradong ako ang makakabunot ng drawing ni Camille."pagyayabang ni Lawrence.

"Brad, 'wag kang pakasisiguro. Baka mamaya ang mabunot mo ay si Jumbo."natatawang sambit naman ni Sky.

"'Wag na kayong magtalo diyan, dahil ako ang magiging ka-pair ni Camille."singit ko sa dalawa.  Matalim naman silang tumingin sa akin.

"Paalala, bawal nang magpalit ng ka-partner."pahabol ni Ms. Bas. Ilang sandali pa at natapos narin ang mga babae sa pagguhit. "Boys, pumunta na kayo dito sa harapan."utos ni Ms. Bas. Kaya kami ay nagsitayuan na. Isa-isa na kaming bumunot. Nang bumunot ako, isang rosas ang nakuha ko. May pakiramdam ako na si Camille ang gumuhit nito. "Ang lahat ba ay nakakuha na?"tanong ni Mr. Reyes.

"Yes!"sagot naming lahat.

"Atienza, ipakita mo sa lahat ang nabunot mong drawing....."sunod-sunod na ipinakita ng lahat at lumapit na ang kanilang kapares. "Mr. Andrada, ikaw na ang susunod."sambit ni Mr. Reyes, kaya ipinakita ko na ang drawing.

"CAMIIIIILLE!"sambit ng aming mga kaklase. Biglang bumagsak ang balikat ko nang makita kong si Nadine ang naglakad papalapit dito. "Nako, may comeback atang magaganap."dagdag pa ng isa naming kaklase. Napansin ko ang dalawa sa likod na abot hanggang tainga ang ngiti, dahil may pag-asa pang si Camille ang mapili nila.

"Mr. Williams, ikaw na ang susunod."ipinakita ni Sky ang drawing at ang napunta sa kaniya ay si Arnaiz.  Sumunod naman si Lawrence, at ang napunta sa kaniya ay si Milliseth. "Mr. Hernaez, ipakita mo na ang drawing na nakuha mo."utos ni Mr. Reyes kay James. Nang ipakita niya ito ay si Camille ang lumapit sa kaniya. Bakit ganon, pakiramdam ko talaga na kay Camille ang drawing na 'to. Hindi naman ganito kagaling gumuhit si Nadine.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now