CHAPTER 49 ♥ CAMPING #1

Start from the beginning
                                        

"1! 2! 3! Black team!"

"1! 2! 3! Yellow team!"

"Timer starts, now!"malakas na sambit ni Mr. Reyes.

THIRD PERSON'S POV

Nag-unahan ang tatlo sa pagtabi kay Camille, sinimulan na nila ang unang laro. Sinulit na nila ang pagkakataon na mahawakan ang kamay ni Camille. Sa kasamaang palad, si Lawrence lang ang hindi nakatabi ni Camille.

Dalawang minuto lang ang itinagal at natapos na sila sa unang laro. Pumunta na sila sa susunod kung saan dadaan sila sa acupuncture mat. "Aray!"inda nilang lahat.

Gulat na napatingin si Camille kay Sky ng buhatin siya nito, hanggang sa makaabot sila sa dulo. "Bakit mo 'ko binuhat?"tanong ni Camille kay Sky habang tumatakbo papunta sa inflatable caterpillar. "Nasasaktan ka eh."kaswal na sagot ni Sky.

Nang makasakay si Camille sa unahan, agad na sumakay sa likuran si Charles. Gulat na napatingin si Camille kay Charles ng humawak ito sa hawakan sa harap ni Camille upang alalayan ito.

Talbog

Talbog

Talbog

Hanggang sa makarating sila sa susunod na laro. Sa hindi inaasahan ay nadapa si Nadine, tinutulungan siya ni James pero parang ayaw pa niya. Nang mapansin ito ni Charles, tinulungan ni Charles si James na maitayo si Nadine at iniwan na sila pagkatapos.

Sumakay na ang lahat ng babae sa blanket at hinila na sila ng mga lalaki papunta sa pool. Saka sila ay sumakay sa bangka.

Sagwan

Sagwan

Sagwan

Sagwan

"Black team!"malakas na anunsyo ni Ms. Bas at itinaas niya ang flag ng black team, dahil sila ang nauna.

"WHOOOAAH!"sigawan nilang lahat at sila ay naggroup hug.

CAMILLE'S POV

Binigyan ko sila ng tig-iisang bottled water. "Thank you."sagot nila sa akin. Naupo muna kami sa isang gilid para makapagpahinga.

"Wow, ang galing niyo naman."ito na naman si MilliBWISEth the great. Papalak-palakpak pa. Natalo kasi sila, yellow team siya.

"Magaling talaga kami. Lalo na't si Ate Camille ang leader namin."sagot naman ni Sophie. "Ano, may sasabihin ka pa ba?"sambit pa ni Sophie. Wala ng masabi si Milliseth at umalis nalang.

"Ang galing mo talaga bessy."puri sa kaniya ni Quiana.

"Ako pa ba?"sagot naman nito.

Nakakagulat 'yong mga galawan nila Charles at Sky kanina, makapigil hininga. Pero, kinilig ako. ~^_^~

Nang matapos ang lahat sa relay race, tinawag kami para pumalibot. "Ngayon naman ang gagawin natin ay charades. Pipili ang leader niyo ng dalawang representatives para magrepresent sa team niyo. Kaya ngayon ay pumili na kayo. Pagkatapos nito ay magtatanghalian na tayo."paliwanag ni Mr. Reyes.

"Sky! Lawrence! Sky! Lawrence!"cheer ng mga ka-teammate namin.

"Pa'no ba 'yan? Kayo raw ang sumali."sambit ko sa kanila.

"Para sa'yo ipapanalo namin 'to."sambit ni Lawrence at may pakabog pa sa dibdib. Luko-loko.

"HAHAHAHHAHA!"

"HAHAHAHHAHAH!"

"HAHAHAHAHHAHA!"tawanan ng mga tao nang dahil sa pag-action ng mga kalahok sa laro.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now