CHAPTER 49 ♥ CAMPING #1

Start from the beginning
                                        

"Sige po, salamat po."sagot ko rito at saka ito umalis na. Ako na ang nanguna sa aming grupo kung saan ang puwesto namin.

"Tulungan na kita diyan."anyaya ni Sky.

"Kaya ko na 'to, 'yong tent niyo nalang ang ayusin niyo."nakangiting sagot ko sa kaniya. Nginitian nalang din ako at umalis na.

"Camille."tawag sa akin ni Nadine. Liningon ko naman siya.

"May kailangan ka ba? May masakit ba sa'yo?"sagot ko sa kaniya.

"Wala-wala."iling niya. "Pwede bang samahan ko nalang si Odessa sa tent niya? Nag-iisa lang kasi siya eh."tanong niya.

"O..osige, magkalapit lang naman ang tent natin."sagot ko nalang. Bakit naman kaya? Eh dati pinag-uusapan namin na magkasama kami eh.

"Ate Camille, pwede bang diyan nalang kami ni Quiana sa tent mo? Naiwan kasi niya 'yong tent niya."pakiusap ni Sophie.

"Sige, okay lang."nakangiting sagot ko sa kanila.

"Thank youuu!"niyakap nila akong dalawa saka nagtatakbo sa loob ng tent.

Ayos

Ayos

Ayos

Ayos

"Kanina ay sa supermarket ang una nating activity, at ang nanguna ay ang black team. Sumunod ang yellow, then orange. Ngayon naman, ang activity natin ay tinatawag na relay race. Iba't-ibang laro ang mayroon dito. Kung sino ang unang makatapos, siya ang first place. Dalawang team muna ang maglalaro. Black team versus Yellow team."paliwanag ni Mr. Jackson.

"Mayroong kayong dala-dala na baton, na dapat hanggang sa huli ay dala-dala niyo. Kahit pa nauna kayo at wala naman ang baton, hindi kayo mananalo. Sa bawat laro ay sama-sama kayo, bali 25 members every team. Sa unang laro, maghahawak-hawak kayo at isusuot niyo sa katawan niyo ang hula hoop, dapat ay hindi ito malaglag. Kapag umabot na sa dulo, pupunta naman kayo sa susunod. Pipila kayo na parang train at hahawak kayo sa balikat ng nasa harapan niyo. Tatawid kayo sa mahabang acupuncture mat. Pangatlo, sasakay kayo sa inflatable caterpillar at pupunta kayo sa kabilang dulo kung nasaan ang pang-apat na laro. Ang pang-apat na laro ay, sasakay ang mga babae sa malapad na blanket at hihilahin ito ng mga lalaki sa kabilang dulo kung nasaan ay may malawak na swimming pool. Lastly, sasakay kayo sa malaking bangka at magsasagwan kayo papunta sa finish line. Ang mananalo ay may patch ulit."mahabang paliwanag ni Mr. Jackson.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now