Biyahe
Biyahe
Biyahe
"Nandito na tayo. Sino na ang napili mo Camille?"sambit ni Ms. Bas nang makarating kami sa may supermarket. Nako, nakalimutan ko pala. Nagtitinginan lang kami.
Gulat akong napatingin kay Charles nang tumayo siya at hawakan niya ang kamay ko. "Ako po ang kasama niya."sagot ni Charles.
"Osige na at bumaba na kayo."utos ni Ms. Bas. Kaya hindi na ako umangal. Sumenyas na namang muli si Charles sa dalawa ng 3-2-1.
"Timer starts now!"sambit ni Mr. Jackson, mabilis na kaming pumasok sa loob at kumuha ng malaking cart.
Punta dito, punta doon, kuha dito, kuha doon.
Makalipas ang labinlimang minuto...
Pumila na kami sa counter upang magbayad, pagkatapos ay lumabas na kami.
"Ocampo's group?"tanong sa amin ni Mr. Jackson.
"Opo."sabay naming sagot ni Charles.
"First place."nakangiting sambit ni Mr. Jackson at ibinigay ang patch sa amin, na kailangan naming itago hanggang sa matapos ang camping.
Umakyat na kami sa bus at...
"First tayo!"masiglang anunsyo ko sa kanila. At nagsigawan naman silang lahat dahil sa tuwa. Nagparticipate talaga ang lahat, dahil ang team na magiging champion sa dulo, ang mayroong maraming awards every activity ay madadagdagan ang allowance. Na may kahalagahang 100,000. Every student 'yon.
"Ang bilis natin."masayang sambit ko kay Charles at nag-apir pa kami. Sumenyas na naman siya sa dalawa ng 4-2-1. Nakabusangot naman ang dalawa. Naupo na ako sa tabi ni Lawrence. Inabutan ko ang lahat ng soda at chips.
"Mukhang pinagsakluban ka ng langit at lupa ah?"tanong ko kay Lawrence habang kumakain ng chips.
"Talagang pinagsakluban ako, dahil nakakailang puntos na 'yang si Charles."sagot nito. Tinapik ko siya sa balikat.
"Ikain mo nalang 'yan."sambit ko sa kaniya at binigyan ng chips. Kumain nalang siya, pero nakabusangot parin. "Ang cute mo talaga."natatawang sambit ko saka pinisil ang pisngi niya. Ayan, lumiwanag na ang mukha. Sumenyas siya sa dalawa ng 3-4-1 Hay nako. "Sa sobrang cute mo, gusto na kitang pukpukin."dagdag ko pa.
"Tss."singhal niya.
Ilang sandali pa at...
"Camille, picture tayo. Antagal na nating hindi nakakapagpicture."anyaya ni Lawrence. Pumayag naman ako. Wala namang masama diba?
Nang matapos kaming magpicture, sinenyasan na naman niya ang dalawa ng 4-4-1.
Nagpatuloy na kami sa aming biyahe papunta sa lugar kung saan kami magca-camping. Ang iba ay nakatulog, kumakain, at nagkukuwentuhan.
--
"Camille, duon ang puwesto niyo. Duon kayo magtatayo ng tents niyo. After niyong itayo ang mga tents, mag-ayos na kayo. Then, magpalit na kayo ng shirts niyo kung ano ang team color niyo."pagbibigay-alam sa akin ni Mr. Jackson.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 49 ♥ CAMPING #1
Start from the beginning
