CHAPTER 48 ♥ CLOSURE

Magsimula sa umpisa
                                        

TENTENENENEN!

From: Unknown Number

Si Nadine 'to Charles, pwede ka bang lumabas sandali?

Agad akong pumunta sa veranda upang tignan kung nandoon nga si Nadine. Kinawayan niya ako nang makita ako. Bumaba na ako at hinarap siya.

"Malalim na ang gabi, bakit pumunta ka pa dito?"tanong ko sa kaniya habang nakapasok ang kamay sa magkabilang bulsa.

"Gusto lang kitang makita, masama ba 'yon?"nakangiting sagot niya.

"Hindi naman sa ganon, pero gabi na kasi, saka masyado ng malamig."sambit ko pa.

Parang tumigil ang mundo ko at na-semento sa kinatatayuan ko, nang bigla akong halikan ni Nadine sa labi.

"Miss my soft lips?"nakangising sambit nito. Ilang sandali pa at bumalik na ako sa huwisyo ko.

"Bakit mo ginawa 'yon?"seryosong tanong ko sa kaniya.

"Na-miss ko lang gawin 'to."sagot niya.

"Umuwi ka na."utos ko sa kaniya at tinalikuran na siya. Bago pa man ako makahakbang ay niyakap niya ako mula sa likuran.

"Makipagbalikan ka na kasi sa akin."sambit nito na parang tumatangis. "Let's start again."dagdag pa nito. Tinanggal ko ang mga kamay niya na nakayakap sa akin at saka siya hinarap at inilayo sa akin.

"Nakausad na ako sa'yo. Masaya na ako sa buhay ko ngayon, alam kong alam mo na mayroon ng ibang itinitibok ang puso ko."paliwanag ko sa kaniya.

"Bakit tinutulungan mo parin ako? Bakit nag-aalala ka parin sa kalagayan ko? Ibig sabihin non, mahal mo parin ako. Ginagawa mo lang na panakip-butas si Camille."sagot nito sa akin habang tumatangis.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanan niyang pisngi, tinignan siya ng mata sa mata.

"Hindi na kita mahal. Si Camille na ang mahal ko."buong loob ko sa kaniyang sambit. Lalong umagos ang kaniyang mga luha. "Naaawa ako sa'yo nang dahil sa kalagayan mo. May pinagsamahan din tayo, hindi kinakaya ng konsensya ko na hindi ka tulungan. 'Yon lang 'yon."dagdag ko pa saka siya binitiwan.

"Magsimula ka na ulit, isipin mo ang mga taong nagpapahalaga sa'yo na nasa paligid mo lang pala. Tignan mo ako, ayos na ang buhay ko. Kaya sana ikaw din ganon."paliwanag ko pa.

"Umuwi ka na at magpahinga, may pasok pa bukas."utos ko pa at tuluyan nang umalis at bumalik sa loob.

--

CAMILLE'S POV

Hindi na masama ang pakiramdam ko, dahil magaling na ako. Kaya papasok ako ngayon. Para bang ang saya-saya ko, ganon.

Ngayong araw na ang preparasyon para sa camping namin, nasasabik na ako. Bumaba na ako upang mag-umagahan. Nang mapansin ko si Charles sa baba ay bumalik akong muli sa itaas.

Naalala ko na naman ang mga nakita at narinig ko kagabi. 'Yong mga lines ni Charles. Ang lungkot ko na eh, ang akala ko magbabalikan na sila kagabi. Nagkiss pa nga sila eh. Habag na habag na ako sa sarili ko non. Pero nung narinig ko ang mga sinabi ni Charles habang hawak ang pisngi ni Nadine...

"Hindi na kita mahal...si Camille na ang mahal ko."

Tumibok ang puso ko ng sobrang bilis, at the same time naawa ako kay Nadine.

Sinundan ko si Charles non nung narinig kong tumunog ang telepono niya.

"Hoy."

"Ay kabayo!"gulat kong sambit nang may humawak sa balikat ko. Mas lalo akong nagulat nang si Charles ito. Nagpatiuna na ako sa pagbaba at pumunta na sa hapag-kainan. Mabilis akong kumain tapos nagtoothbrush kaagad, saka sumabay kina Sophie.

"Manong, umalis na po tayo."pagmamadali ko. Agad namang pinaandar ni manong ang sasakyan at umalis na kami.

"Ba't nandito ka ate?"tanong ni Sophie.

"May training kasi kami, male-late na ako."pagsisinungaling ko.

SA SCHOOL...

Mabilis akong bumaba at pumasok sa loob. "Ba't hindi ka sumabay sa akin?"tanong sa akin ng pamilyar na boses ni Charles. Dahan-dahan akong tumingin sa may gawi niya.

"Gusto kong sumabay kina Sophie eh. Saka, kailan ko ba ginusto na sumabay sa'yo? Ha?"lakas loob kong sambit.

"Mukhang alam ko na kung bakit ka ganiyan kumilos ngayon. May mga narinig ka kagabi ano?"yung mga tinginan niya parang may alam talaga siya eh.

"W..wala. Ano namang maririnig ko?"pagsisinungaling ko.

"Akala ko meron eh."sabi nalang niya na para bang hindi siya naniniwala.

"MAHAL KONG WITCH!"rinig kong malakas na sambit ni Lawrence kaya tumingin ako sa may gawi niya. Masigla siyang lumapit dito.

"Ano ba naman 'yang tawag mo sa'kin?"bulong ko sa kaniya.

"Kesa naman "my loves" diba? Eh di nabatukan ako nung dalawa."sagot niya sa akin.

"Hay nako."sabi ko nalang.

"Camiiille!"malakas na tawag sa akin ni Odessa, nagtatakbo siya papalapit dito.

"O, bakit nagmamadali ka diyan?"tanong ko sa kaniya.

"Eh kasi naman, magka-team tayo sa camping!"masigla niyang sabi.

"Pa'no mo nalaman?"tanong sa kaniya ni Sky na kararating lang.

"Nakapaskil kaya sa bulletin, pinagkakaguluhan na nga eh."sagot ni Odessa. Agad na nagtatakbo ang tatlo papunta sa may bulletin board. Sumunod nalang kami ni Odessa.

"Awww...si Charles lang hindi kasama sa team natin. 'Yong kapatid niya kasama natin."pang-aasar pa ni Lawrence kay Charles.

"Tsk."rinig kong singhal ni Charles. Umalis siya at nagpunta kung saan.

Sa Quadrangle...

"Pumunta sa harap lahat ng tatawagin ko, dahil kayo ang magiging team leader."panimula ni Mr. Jackson. "Arzais, Monterro, Delos Reyes, Ocampo, Leone, Atienza, Serrano, Buenvenida, Delgado, Estabillo, Tolentino, Espinosa, Lacsao, Esmelo, Rosales."banggit pa niya.

Paniguradong nagkukulong si Nadine sa bahay nila nang dahil sa nangyari kagabi. "Bakit wala si Ms. Monterro?"tanong sa akin ni Ms. Bas.

"Hindi ko rin po alam eh."sagot ko. May ibinulong si Ms. Bas kay Mr. Jackson.

"Palitan na natin si Ms. Monterro, Cua ikaw na ang pumalit."anunsyo ni Mr. Jackson. Nang maayos na ang mga team leaders....

"Nakita niyo naman na ang mga pangalan niyo na nakapaskil sa bulletin diba? Ngayon ay pumunta na kayo sa kani-kaniyang team niyo."utos pa ni Mr. Jackson.

"Bakit nandito ka kuya? Diba kila Ate Nadine ka?"tanong ni Sophie kay Charles.

"Ang sabi ko, dito nalang ako sa inyo."nakangising sagot ni Charles.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon