CHAPTER 48 ♥ CLOSURE

Começar do início
                                        

'Wag kayo, tunog 'yan ng phone ko kapag may text. Sunod-sunod lang kaya ganon. Tumagilid ako saka binuksan ang telepono ko.

From: Lawrenceee

Magpahinga ka na ha? 'Wag mong kakalimutan ang gamot mo. Kita nalang tayo bukas.♥ witch.

Okay na sana eh, kaso may pahabol pa sa dulo'ng witch. Hays.

Binuksan ko pa ang isa...

From: Sky

'Wag ka na kayang pumasok bukas, magpahinga ka nalang muna. Pansin kong masama talaga ang pakiramdam mo. Huwag mong kakalimutan ang pag-inom ng gamot. See you in my dream beautiful. ♡♡♡

Awww...♡ Sana ganito ka-sweet si Charles ano? Hays.

Hindi ko alam kung bakit umaasa ako na si ano ang nagtext sa akin. Alam kong kilala niyo siya.
Pero nang buksan ko ito.

From: Nads

Hi Cams! Magpahinga ka ha? Huwag mo munang isipin ang school works o kung ano mang makakapagpastress sa'yo. Just rest, sweetie. Mwah.♥

To: Nads

Salamat Nadine, magpahinga ka rin dahil mas kailangan mo. Mas malala ang kalagayan mo. Good night!♡

Nireplyan ko nalang sila Lawrence at Sky ng thank you and good night. Nahiga na ako ng ayos at isinuot na ang eye mask. Hindi pa nagtatagal at...

*TOK *TOK

"Sino 'yan?"tanong ko. Narinig ko nalang na bumukas ang pintuan. Hindi kasi ako mahilig maglock, nakalapat lang. Maliban nalang kung magbibihis ako.

Naupo ako at tinanggal ang eye mask.

"Anong ginagawa mo dito?"walang ganang tanong ko kay Charles na nakatayo ngayon sa may pintuan. May bitbit na maliit na paper bag.

"Hindi ka pa umiinom ng gamot mo."sambit nito saka iniabot sa akin ang taban niyang maliit na paper bag. Binuklat ko ito at mayroon itong ilang banig ng gamot.

"Salamat."sambit ko. Tatayo na sana ako upang kumuha ng tubig, kaso pinigilan niya ako.

"Ako na."anyaya nito saka umalis na at bumaba. Ilang sandali pa at bumalik narin kaagad siya.

"Hindi ka pa ba aalis? Matutulog na ako."sambit ko kay Charles matapos kong makainom ng gamot. Nakatayo lang siya sa may pintuan habang nakasandal sa gilid at magkakrus ang dalawang braso.

"Aalis ako kapag tulog ka na, ako na ang magpapatay ng lamp mamaya."sagot nito sa akin. Hindi na ako umapela pa, nagkumot na ako, nagtakip ng eye mask, at saka tumagilid. Nakakailang kaya na may nanunuod sa'yo.

CHARLES' POV

Nang makatulog si Camille ay pinatay ko na ang lampara, sinalat ang noo niya, at tuluyan ng umalis.

Ano kaya ang magiging desisyon ni Camille? Tutuloy kaya siya sa Korea para sa exchange student program? Sana naman ay hindi. Para na naman akong nawalan ng buhay kapag ganon, kahit pa tatlong buwan 'yon.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora