Part 19

3.4K 151 0
                                    


"SA TINGIN mo ba talaga, makikita natin si Arabelle dito sa mountain trail?" tanong ni Fina kay Steven habang nate-trek sila sa mountain trail ng Eden. Hindi na nila kailangan ng mapa dahil may mga karatula naman sa makipot na daang dinaraanan nila sa pagitan ng mga bangin at creeks.

Ngumisi ito. "Malay mo. Nakita mo nga siya sa shuttle tour 'di ba? Ibig sabihin, namamasyal rin siya rito. Kaya, malay mo, makasalubong natin siya rito."

Umingos siya. Alam niyang sumasakay lang ito sa dahilan ng pagpunta nila roon. Hindi pa rin ito naniniwala sa kanya. "Kapag may nakita akong multo dito, ipapakiliti kita para maniwala ka na sa akin."

Nagpakawala ito ng maikling pagtawa. "Wala akong kiliti."

"Weh? Pasubok nga." Inabot niya ang tagiliran nito ngunit wala itong reaksiyon sa pagkiliti niya. Inabot niya ang leeg nito ngunit hindi rin ito umigtad.

Humarang siya sa harap nito at sinubukan ang kabilang tagiliran nito ngunit wala pa ring reaksiyon ito. Hindi pa rin siya sumuko. Pinagsabay niya ang pagkiliti sa magkabilang tagiliran nito. Nag-peke pa ito ng paghikab para ipakita sa kanya na wala itong nararamdaman. Itinaas niya nang kaunti ang pagkiliti sa tagiliran nito. Iniangat nito ang dalawang kamay.

"You might want to try my armpits," nanunudyong suggestion nito.

"Ayaw!" frustrated na sabi niya. Gusto sana niyang kilitiin ito sa bandang tiyan nito na halatang may magandang abs kung hindi lang nito mahalata na tsinatsansingan lang niya ito. Umalis na siya sa harap nito at ipinagpatuloy ang paglakad.

"Suko ka na?"

"Papabanutan na lang kita ng buhok sa kilikili sa multong makikita ko."

Tumawa ito. "Please don't. My armpits are sensitive to plucking. Naniniwala na ako."

Umiling-iling siya habang naka-twitch ang mga labi. "'Wag lang mabunutan ng buhok sa kilikili..."

"I'm serious. Naniniwala na ako."

"Talaga?" diskumpiyadong tanong niya. "Bakit?"

Nagkibit-balikat ito. "I don't know. I just woke up this morning and realized that you might be real. Marami naman talagang mga bagay na hindi maipaliwanag. 'Yong existence pa lang ng ghosts, hiwaga na. So, I guess totoong may mga psychic at mediums. Marami lang kasing manloloko at manggagantso sa mundo kaya parang minsan mahirap maniwala at magtiwala."

"May trust issues ka, no?"

"You can't blame me. My father had fooled us. An ex-girlfriend of mine did nothing but feed me lies. I'd been witness to a few fraudulent doings of people around me. Marami na ring instances na kapag naghinala ako, madalas tama ako. But not all people are deceitful and my gut instinct isn't always right. Noong una kong nalaman ang tungkol sa 'yo through Therese, naisip ko agad na manloloko ka dahil hindi ako naniniwala sa mediums. But now that I get to know you, I think you are incapable of deceiving people."

Lihim siyang kinilig sa sinabi nito. "So, hindi mo na rin ako pinaghihinalaan na isang budul-budol na nanghihipnotize?"

Tumango ito. "Hindi ko na rin iniisip na puwedeng rapist ka rin."

Natawa siya. "Ikaw rin naman. Hindi ko in-expect na mabait ka naman pala. Ang swerte ni Therese sa 'yo."

Biglang sumeryoso ito at hindi umimik.

"May problema ba?" hindi siya nakatiis na itanong.

"Do you think Therese likes me?" Diretso ang tingin nito sa steep road.

"Oo naman!" Antanga niya kung hindi ka niya magugustuhan. "Bakit mo naman naitanong?"

"Kasi baka tama ka. 'Yong totoong reason kung bakit hindi pa niya ako sinasagot ay dahil hindi talaga niya ako gano'n kagustong maging boyfriend."

Naalarma siya. "Naku, inaasar lang kita noon kaya ko nasabi 'yon! 'Wag mong seryosohin. Gusto ka ni Therese. Masyado lang talaga siyang naapektuhan sa biglaang pagkawala ni Arabelle. Gulung-gulo lang siguro ang isip niya. Pero gusto ka niya. Sure ako doon." Kasi kung hindi ka niya gusto, iuumpog ko ang ulo niya para matauhan siya at makita niya kung ano ang pinakakawalan niya.

Nagkibit-balikat lang ito. "Anyway, I'm sorry for being an ass to you since we first met. I hope you could forgive me." Mukha namang sincere ito.

"Okay lang 'yon. Ako din naman naging harsh din sa 'yo. Quits lang tayo."

Not Another Ghost Story [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang