Part 18

3.4K 151 4
                                    


PUMIKIT si Fina at dinama ang malamig na hangin na tila yumayakap sa kanya habang sakay ng shuttle cart kung saan katabi niya si Steven sa pinakahuling row. May iba pa silang mga kasama sa guided shuttle tour na iyon sa nature park. Kabilang sa mga kasama nila ang bagong kasal na sina Mylene at Melvin. Nasa kanan ni Steven si Mylene at siya naman ay nasa kaliwa ng binata.

Kanina sa restaurant ay nalaman nilang ninong pala ni Melvin ang may-ari ng Eden Nature Park and Resort at regalo lamang ang five-day honeymoon nito at ni Mylene doon. Sa wedding reception ng mga ito ay ipinakilala siya ni Steven sa bagong kasal bilang assistant nito kaya pinangatawanan nila iyon.

Ang alibi ni Steven ay naroon sila sa Eden dahil napipisil ng creative team ang lugar na iyon upang gawing lokasyon sa isang series of ad campaign para sa isang bigtime client. Gusto raw i-double check ni Steven ang lugar na iyon for approval. Malaki raw kasi ang proyekto at ayaw mapahiya ni Steven sa kliyente kaya personal nitong tsinek ang lugar. Nagustuhan daw nito ang lugar kaya baka magtagal sila ng ilang araw doon upang magkapag-unwind naman ito para mag-alis ng stress.

Pero habang magkatabi sila ni Steven sa shuttle tour na iyon ay ini-imagine niya na tulad nina Mylene at Melvin ay honeymooners din sila ng binata. Alam niyang masyado siyang ilusyunada. Kaya lamang ay hindi niya maiwasang mangarap kung sa araw-araw na kasama niya ito ay unti-unti niyang nakikita ang mga magagandang katangian nito na hindi lamang sa panlabas.

Sana, bukod sa kakayahan niyang makakita at makakausap ng ghosts, ay kaya rin niyang manggayuma. Hindi siya mangingiming gayumahin ito. Oo, inaamin na niya sa kanyang sarili na gusto niya ito at lihim siyang natutuwa dahil magkasama sila sa misyon na iyon. Gayunpaman ay alam niyang hinding-hindi siya magugustuhan nito. Dahil bukod sa halata namang hindi siya ang tipo nitong babae ay mahal nito si Therese.

Tatlo ang spots kung saan allowed silang bumaba upang i-explore ang paligid at kumuha ng pictures. Sa Lola's Garden ay hindi siya nakatiis na gumawa ng paraan upang magkaroon sila ng larawan kung saan magkatabi sila ni Steven. Gamit ang kanyang camera sa cellphone ay nagpakuha siyang kasama si Steven sa tour guide nila. Ang sabi niya kay Steven ay souvenir niya iyon. Naisip niya na kapag tapos na ang trabaho niya kay Therese at gagawin niyang wallpaper ng cellphone niya ang kuha nila ni Steven.

Bahagya siyang nalungkot sa naisip. Hindi niya alam kung kailan niya matatapos ang trabaho kay Therese pero pagdating nito galing sa medical mission ay malamang na hindi na niya makasama pa si Steven. Siyempre ay kailangan rin nitong magtrabaho.

Naisipan niyang humiga sa roofed hammock na natagpuan niya sa bandang dulong bahagi ng hardin. Habang si Steven naman ay abala sa pagtanaw sa panoramic view ng Davao City mula sa mataas na lugar kung saan sila naroon. Pumikit siya habang idinuduyan ang sarili at in-imagine na magkatabi sila nito sa duyan na iyon. Nakaunan siya sa braso nito na nakapulupot sa kanya. Nang mag-angat siya ng paningin ay nagkatagpo ang mga mata nila. Kaylapit ng mukha nila sa isa't-isa. Bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi at unti-unti ay lumapit ang mga labi nito sa mga labi niya...

"Hey, don't sleep there."

Bigla siyang napadilat at nabigla nang mamulatan niya si Steven na nakatunghay sa kanya. Dahil sa pagkagulat ay gumewang siya sa duyan. Tinangka siyang sagipin nito sa pagkahulog. Hindi niya alam kung ano ang nangyari at bigla ay dalawa silang bumagsak sa lupa. Ito ang nakahiga sa lupa at siya ay nasa ibabaw nito. Manghang napatitig siya rito. Hindi siya makapaniwalang magkadikit ang mga katawan nila at halos maglapat na ang mga mukha nila ng mga sandaling iyon.

Kahit bahagyang nakangiwi ito ay nasilip niya ang amusement sa mga mata nito. "I guess, we're both clumsy," wika nito.

Kumurap-kurap siya habang manghang nakatitig rito. Pakiramdam niya ay naging bato siya at hindi na niya kaya pang ikilos ang katawan upang umalis sa ibabaw nito. Mukhang wala rin naman yatang balak ito na kumilos. Nakipagtitigan ito sa kanya. Napalunok siya nang makita niya ang pagbaba ng paningin nito sa mga labi niya. Nang muli nitong salubungin ang mga mata niya ay wala na siyang makitang amusement sa mga iyon. Tama ba siya ng nakikita? Paghahangad ba ang nakalarawan sa mga mata nito?

"Excuse me, ma'am, sir..." tinig na biglang nagpabalikwas sa kanila sa pagbangon. Ngumiti nang alanganin ang babaeng guide nila sa shuttle tour. "Kayo na lang po ang hinihintay sa cart." Tumalikod na ito patungo sa kinapaparadahan ng cart.

Tumayo na sila ni Steven at sumunod sa guide. Nang magkatinginan sila ay ngumiti ito kaya ngumiti na lang din siya. Hindi niya mapigilan ang pag-iinit ng mukha niya.

"Nasaktan ka ba?" tanong nito habang nakaagapay sa kanya.

"H-hindi. Ikaw yata ang nasaktan?" Bigla siyang nag-alala para rito dahil napansin niyang hinihilot nito ang likod ng balikat. "Pasensiya ka na. Nadamay ka sa katangahan ko."

"It's okay. Hindi naman ganoon kasakit."

"Baka nagalusan ka. Ang ulo mo, hindi ba naumpog? May clinic naman yata sila dito. Dadalhin kita."

"No need. I'm okay. Really. This is nothing." Ngumiti ito.

"Salamat, ha. Pero sa susunod, hayaan mo na lang akong mahulog kung mahuhulog ako." Baka kasi sa ginagawa mong iyan, lalo akong mahulog sa 'yo... "Matibay naman ang katawan ko." Pero hindi ang puso ko...

Habang pabalik na ang cart sa day tour center na hudyat ng pagtatapos ng tour ay panay ang lihim na pagsulyap niya kay Steven. Busy ito sa pakikinig sa pagkukuwento ng guide—na nakatayo sa unahan ng cart at nakaharap sa kanila—tungkol sa bawat destinasyong dinaraanan nila. Hindi niya mapigilan ang kilig sa nangyari kanina. Hindi siya makapaniwalang posible silang magkadikit nang ganoon. Iyong pagtapon nito ng tingin sa mga labi niya at ang nakita niyang paghahangad sa mga mata nito na tila gusto siyang hagkan, guni-guni lang ba niya iyon? Kung hindi ba umeksena ang guide ay hahagkan siya nito?

Lihim siyang napangiti sa isiping iyon ngunit nang mapatingin siya sa unahan ng cart ay mabilis na naglaho ang ngiti niya, kasabay ng panlalaki ng mga mata.

Nasa tabi ng guide ang kaluluwa ni Arabelle!

Nakatingin ito kina Mylene at Melvin na nasa tabi ni Steven. Abala siya sa kilig kaya hindi niya naramdaman na may espirito sa malapit at si Arabelle pa mismo iyon.

"Arabelle..." lumabas sa bibig niya. Sakto naman na hindi nagsasalita ang guide sa mga sandaling iyon kaya narinig ng iba ang binigkas niyang pangalan.

Tumingin sa kanya si Arabelle. Walang ekspresyon ang mukha nito. Gusto niyang kausapin ito ngunit nasa kinse katao ang laman ng cart na iyon. Baka mapagkamalan siyang baliw kung kakausap siya ng isang taong hindi nakikita ng mga ito. O kung di naman ay magsitalon ang mga ito palabas ng cart sa takot kung maririnig ng mga ito ang sasabihin niya kay Arabelle.

Napuna niyang nakabaling pala sa kanya siSteven. Nakakunot ang noo nito. Nakatingin rin sa kanya ang bagong kasal.Nagtataka ang ekspresyon ng dalawa. Muli niyang tiningnan si Arabelle na sakanya pa rin nakatingin. Malapit nang marating ng cart ang babaan kaya nagpigilna lamang siyang kausapin ito. Ngunit sa pagkadismaya niya ay bigla na langitong lumipad palabas ng cart. Gusto sana niyang habulin ito ngunit hindimaaari dahil baka sa bangin siya pulutin. Saglit pang lumingon ito sa kanyabago tuluyang lumayo. Pigil na pigil niya ang sariling tawagin ito.    

Not Another Ghost Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon