Part 23

3.3K 144 0
                                    


"SAAN ka galing? Bakit bigla ka na lang sumulpot?" tanong ni Fina kay Melvin.

"I was standing over there, smoking," itinuro ng daliri nitong may ipit-ipit na stick ng sigarilyo ang bench sa ilalim ng pine trees sa di-kalayuan. "Nakita kita habang tumatakbo ka paakyat rito." Tinitigan siya nito habang nakakunot ang noo. "Ikaw, anong ginagawa mo rito?"

"Huh? Naliligaw lang ako. Akala ko dito ang villa. Hindi pala. Kailangan ko nang umalis. Baka hinahanap na ako ni Sir Steven." Umakma siyang aalis na ngunit pinigilan siya nito.

"You hailed Arabelle's name in front of our door."

Ngayon ay alam na niya kung bakit pumasok doon si Arabelle. Naroon ang pinsan nito. "Sabi ko ''ala bell.' As in doorbell. Walang doorbell. Nagkamali ka lang ng dinig."

Halatang hindi nito kinagat ang palusot niyang alam rin naman niyang sablay. "This isn't the first time na narinig ko sa 'yo ang pangalang iyon. Binanggit mo rin iyon habang nasa shuttle cart tayo."

Napakamot siya ng ulo. Hindi na niya alam kung paano lulusutan ang pagkakataong iyon. Napagpasyahan na lamang niyang sabihin ang totoo. "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong nakikita ko ang kaluluwa ni Arabelle na pinsan ng misis mo?"

Bahagyang natigilan ito ngunit biglang tumawa ito. "You're indeed a funny girl."

"Kaninang nagsabi ako ng kalokohan, hindi ka natawa. Pero ngayong nagsasabi ako ng totoo, tumatawa ka," seryosong wika niya.

Naglaho ang ngisi nito habang nakatitig sa kanya.

"May third eye ako. Pero ang kakayahan lang ng third eye ko ay makaramdam at makakita ng mga espirito. Kaya ko rin silang kausapin."

Kumurap-kurap ito na tila hindi makapaniwala sa pinagsasabi niya.

"Nakita ko ang kaluluwa ni Arabelle sa shuttle cart kahapon kaya ko nabanggit ang pangalan niya. At kanina, nakita ko siya sa villa. Hinabol ko siya kaya nakarating ako dito. Nakita ko siyang pumasok sa pintong iyon," turo niya sa cottage nito at ni Mylene.

Nabitiwan nito ang sigarilyo nito sa pagkamangha.

Inabot niya ng paa ang sigarilyo nito at tinapakan iyon upang mamatay ang apoy nang mapuna niyang tila wala na itong balak na damputin pa iyon. "'Wag mo na lang sanang sabihin sa misis mo ang nalaman mong ito tungkol sa akin."

Umiling-iling ito. "You're nuts!" Iniwan na siya nito at walang lingon-likod na pumasok sa cottage nito.

Nagkibit-balikat na lang siya at lumakad na pauwi sa villa. Naabutan niya si Steven na nakahiga sa couch at natutulog na. Kumuha siya ng basang bimpo at pinunasan ang mukha at leeg nito. Kinuha niya ang kumot mula sa silid nito at kinumutan niya ito.

Tama si Arabelle. Mahal niya si Steven. Sa maikling panahon ay nahulog rito ang puso niya. Pero si Therese ang mahal nito kaya dapat na lamang niyang kalimutan ang nadarama niya para rito dahil walang patutunguhan iyon.


Not Another Ghost Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now