Part 28

3.8K 161 1
                                    


BABATIIN sana ni Arabelle ang babaeng pumasok sa RTW store niya at tumitingin-tingin ng mga nakasabit na damit pero tumahimik na lang siya nang mapunang nakaangat ang mga paa nito sa lupa. Sadya talagang may mga kaluluwa na mahilig pa rin sa mga damit kahit na hindi na nila maisusuot pa ang mga iyon. Kaya pala parang may nase-sense siyang espirito sa paligid. Napagpasyahan na lang niyang umupo sa harap ng kaha. Nagbibilang siya ng pera nang biglang tumaas ang mga balahibo niya sa batok. Pagsulyap niya sa kanan niya ay nakita niya ang kaluluwa ni Arabelle na nakatanghod sa kaha niya.

"Arabelle!" mahinang bulalas niya. Tiningnan niya ang assistant niya kasalukuyang inaasikaso ang isang costumer. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa multo.

"Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo."

"Anong ginawa ko?" bulong niya habang ipinagpapatuloy ang pagbibilang.

"Nang dahil sa 'yo, nakausap ko si Melvin. Pinatawad ko na siya."

Naalala niya ang naging madamdaming tagpo noon sa butterfly garden sa Eden three weeks ago. Siya ang naging tulay upang makapag-usap ito at si Melvin. Nasabi ni Arabelle ang lahat ng hinanakit nito at si Melvin naman ay humingi ng kapatawaran dito.

"Wala iyon. Masaya ako na kahit paano, nakatulong ako sa inyo. Sana lang natulungan ko rin si Therese."

"Natulungan mo siya."

"Hindi ko nagawa ang ipinapagawa niya. Ang arte mo kasi, eh. Joke!"

"Nang ipagparaya mo si Steven sa kanya, natulungan mo siya."

Natigil siya sa pagbibilang ng pera. Nakadama na naman siya ng lungkot. Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nang ipagparaya niya ang taong mahal niya. Gabi-gabi ay lumuluha pa rin siya kapag mag-isa na lang siya at iniisip ito. Sa palagay niya ay matatagalan pa bago siya maka-move on. Matatagalan pa bago mawala si Steven sa puso niya.

"Naroon si Steven nang malaman niya ang dahilan ng pagsu-suicide ko kaya nadamayan siya nito. Kung wala si Steven sa tabi niya, baka hindi niya natanggap ang totoo."

Napatingin siya rito. "Anong ibig mong sabihin? Alam na ni Therese ang totoong nangyari sa 'yo?"

Tumango ito. "Inamin ni Melvin sa kanya. Inamin rin ni Melvin kay Mylene ang kasalanan niya, namin, out of guilt. Hindi ko siya napigilang gawin iyon. Pero na-realize ko na kailangan nga nilang malaman ang totoo. I deserve Therese's disappointment and Mylene's hatred. Somehow, hinahangaan ko si Melvin dahil hindi na siya naging duwag. Tinanggap niya ang consequences ng ginawa niyang pag-amin. Magkahiwalay sila ngayon ni Mylene." Lumungkot ang mukha nito. "Ayoko na sanang masaktan si Mylene kaya ayokong malaman niya ang totoo. But I realized that she had to know the truth. Everyone had to know the truth no matter how it hurt. I hope maka-recover na kaagad si Mylene sa nangyari. Afterall, mahal naman talaga siya ni Melvin. Ako lang talaga ang nakagulo sa kanila."

Naalala niya ang hindi sinasadyang pagkukuwento ni Mylene sa kanya. "Nasabi sa akin noon ni Mylene na hindi kayo magkasundo. Tinangka mo bang agawin si Melvin kay Mylene dahil gusto mong saktan ang feelings ni Mylene?"

"Hindi ko pinlano iyon. Kusa lang talaga akong na-in love kay Melvin." Ngumiti ito nang mapait. "Kaya ako nag-suicide. Mas pinili ko na lang na mawala kaysa makita siyang masaya sa piling ng pinsan ko. It was stupid, I know. But I didn't think I could live with it. Little did I know na ganoon rin pala. Magiging ghost ako at makikita ko rin silang magkasama."

"Nagsisisi ka ba na nag-suicide ka?"

"Oo. Pero huli na ang lahat. Hindi ko na mababawi ang buhay ko. Perhaps I deserve to suffer like this for being a bad person."

"I'm sorry... Sana maging masaya ka pa rin. Hindi ko alam ung paano iyon mangyayari. Pero sana maging masaya ka."

"Hindi na ako magiging masaya, Fina. Pero ikaw, may chance ka pa na maging masaya. I think okay na si Therese. Nagpapa-psychologist na siya. Kaya puwede mo nang bawiin si Steven sa kanya."

"Huh?" Napatingin siya sa assistant niyang papalapit kaya tumigil siya sa pakikipag-usap. Nag-abot ito ng pera sa kanya na sinuklian niya. Muli niyang hinarap si Arabella. "Bakit ko gagawin iyon? Hindi naman talaga akin si Steven. Kay Therese talaga siya. Sila ang bagay."

"Mahal mo ba si Steven?"

"Oo. Pero hindi siya para sa akin. Tanggap ko na iyon."

"Nagdududa ka na puwede ka niyang mahalin kahit magkaiba kayo?"

"Nalito lang si Steven noon pero alam kong sa ngayon, na-realize na niyang si Therese na ulit ang mahal niya."

"Paano kung ikaw talaga ang mahal niya?"

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Gusto ko iyon... pero ayokong umasa."

"Paano kung sabihin ko sa 'yo na..." Hindi nito itinuloy ang sinasabi. Biglang gumalaw ang ulo nito at humarap sa entrada ng tindahan niya. Tiningnan niya rin ang tinitingnan nito at natigilan siya sa nakita. 

Not Another Ghost Story [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat