Part 24

3.7K 148 0
                                    



UMAGA pa lamang ay gumayak na si Fina upang magmatyag sa paligid ng cottage nina Mylene at Melvin. Nang makita niya ang mag-asawang lumabas mula sa pinto ay nagtago siya sa likod ng mga halaman. Nakita niyang sumulyap sa direksiyon niya si Melvin. Bago ito sumakay sa shuttle cart na marahil ay maghahatid sa mga ito sa restaurant ay muli itong sumulyap sa kanya. Mabilis niyang ibinaba ang ulo patago sa halamanan ngunit mukhang huli na dahil nakita na siya nito. Gayunpaman ay ipinagpatuloy pa rin nito ang pag-alis.

Mabilis siyang humakbang sa hagdan paakyat sa cottages. Nang makarating siya sa tapat ng pinto ng cottage ng mag-asawa ay tinawag niya si Arabelle ngunit walang nagpakita sa kanya. Nangawit na ang dila niya sa kakatawag rito ngunit sadyang napaka-hard to get nito. Naupo na lamang siya sa upuan sa front porch at naghintay roon hanggang sa maramdaman niya ang pagkalam ng sikmura.

Tiningnan niya ang relo. Mahigit isang oras na pala siyang naroon. Baka bumalik ang mag-asawa at mahuli siya roon. Magtataka si Mylene at si Melvin ay malamang na tumawag na sa mental hospital para ipakuha siya. Kaya napagpasyahan na niyang bumalik sa villa kahit tila ayaw niya. Natatakot siyang makaharap si Steven sa paggising nito.

Gusto na niyang matapos ang trabaho niya kay Therese dahil kailangan na niyang malayo kay Steven. Kailangan na niyang kalimutan ito dahil baka lalo lamang niyang mahalin ito kapag nanatili pa siya sa tabi nito. Lalo lamang siyang masasaktan. Kaya lang ay mukhang gusto talaga siyang pahirapan ni Arabella.

Pagdating niya sa villa ay hindi niya naratnan si Steven. Siguro ay pumunta na ito sa restaurant upang kumain nang mag-isa nang hindi siya maratnan sa paggising nito. Tumawag siya sa reception upang magpasundo at magpahatid sa restaurant. Naghintay at umupo siya sa fronts steps ng villa habang nakatitig sa pine trees. Maya-maya ay narinig na niya ang paparating na cart. Napatayo siya nang makita si Steven na sakay niyon. Lumarawan ang matinding relief sa mukha nito nang makita siya. Kaagad itong bumaba sa cart at lumapit sa kanya.

"Saan ka galing? You made me worried! Hinanap kita sa restaurant and everywhere near. Buti na lang nasa reception ako noong tumawag ka para magpasundo sa cart."

"Naglakad-lakad lang ako para hanapin si..." Natigilan siya. "Nag-worry ka sa akin?" Halata nga sa mukha nito na nag-worry ito.

"Baka kasi napahamak ka. Maraming bangin dito."

Napangiti siya. Ang sweet talaga nito. "Pasensiya ka na. Tulog ka pa kasi kaya hindi ako nakapagpaalam." Tinawag niya ang cart na nagbabadya nang umalis. "Teka, kuya! Sasakay pa kami!"

"Hindi na muna," sabi ni Steven sa nagmamaneho ng cart. "Tatawag na lang kami kapag magpapasundo na ulit kami."

"Pero..." Sasabihin sana niya na nagugutom na siya at gusto na niyang mag-almusal ngunit kinuha nito ang kamay niya at giniya siya papunta sa front porch ng villa. Tumingin siya sa kamay niyang hawak nito at kahit hindi dapat ay kinilig siya.

Ang akala niya ay bubuksan nito ang pinto ng villa ngunit tila tinamad itong ipasok ang susing hawak nito. Hinarap siya nito. "Fina..." Napakatiim ng titig nito. "About last night..."

Naalarma siya. Naaalala ba nito ang nangyari kagabi? Magso-sorry na ba ito? Mabilis siyang gumawa ng paraan para barahin ito sa kung anumang sasabihin nito. "Anong meron kagabi? Nalasing ako, eh. Hindi ko na maalala," pagsisinungaling niya.

"You're not drunk. Ni hindi mo nga naubos 'yong laman ng beer mo."

"Ah... eh... lasing ka kagabi. Paano mo nalaman na hindi ako nalasing sa three-fourth na laman ng beer in can na iyon?"

"Hindi ako nalalasing sa tatlong lata ng beer."

Namilog ang mga mata niya. Ibig sabihin ay alam nitong hinalikan siya nito nang buong init kagabi? At kung hindi marahil umeksena si Arabelle ay baka kung saan sila nakarating nito. "Alam mo na..."

"We kissed," supply nito sa sinasabi niya. Saglit na bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi bago muling tumitig sa mga mata niya.

Nag-init ang mukha niya. "H-Hindi man tayo lasing, nakainom naman tayo pareho. Ganoon na rin iyon. Kaya kalimutan na lang natin iyon. Tara, kain na tayo ng almusal." Umakma siyang hahakbang palabas ng porch ngunit hinagip nito ang braso niya.

"Kalimutan?" kunot-noong gagad nito.

Alanganing tumango siya. "Kasi dala lang iyon ng alkohol. Alam kong hindi mo iyon ginusto kaya kung magso-sorry ka sa akin, 'wag mo nang ituloy. Dahil naiintindihan ko na—"

"Noong lumabas ka kagabi, I would've run after you but I had to hold myself up," sansala nito sa sinasabi niya. "I have to think things. I was awake when you came back. Nagpanggap lang akong tulog dahil alam kong kailangan mo ring mag-isip. Gising ako noong pinunasan at kinumutan mo ako kagabi." Pinakatitigan siya nito sa mga mata. "Do you like me, Fina?" tanong nito.

Magkakaila pa ba siya kung ipinagkanulo niya ang sarili kagabi sa pagtugon sa halik nito? Tumalikod siya rito at tumanaw sa pine trees. "Oo, gusto kita," pag-amin niya. "Pero 'wag kang mag-alala. Hindi ako nag-a-assume na gusto mo rin ako. Alam kong hindi mo magugustuhan ang isang tulad ko. Alam ko kung sino ang gusto mo." Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Kaya tara na. Mag-almusal na tayo."

"I like you, too," sabi nito na nakapagpatigil sa kanya sa paghakbang at nakapagpalingon sa kanya rito. "I started to like you since we kissed at the bar. But I shook it off. Ang sabi ko, nobody would instantly like a person just because of one accidental kiss. But when I spent time with you, I realized na marami pa akong mga bagay na magugustuhan sa 'yo aside from your kiss. I like being with you. And last night... was wonderful."

Parang gusto niyang mahimatay sa ipinagtapat nito.

Humakbang ito palapit sa kanya at hinila siya nito padikit rito. He put his arms around her. Nakita niya ang tenderness sa mga mata nito. "I really like you, Fina." Bigla nitong sinakop ang mga labi niya.

Ang sumunod niyang namalayan ay nakayakap na rin siya rito at tinutugon niya nang buong init ang halik nito. Sa puntong iyon, kahit siguro magpakita ang kaluluwa ni Arabelle at ibalibag ang pinto, ihagis ang mga upuan at itumba ang lahat ng pine trees sa kalapit nila ay hindi niya papansinin ito at hindi siya bibitiw sa mga labi ni Steven. Gusto rin siya ng binata. Hindi man makapaniwala ay napakasaya niya.

Pero teka. Paano na si Therese?

Bumitiw siya sa halik nito. "Teka, si Therese... pinagtataksilan natin siya!"

"I'm single," diretsong wika nito. "Kaya hindi ako nagtataksil sa kahit sino."

Bumalik ang saya niya. Hindi nga naman magnobyo ang dalawa. Malaya si Steven. Siguro nga ay minahal nito si Therese ngunit siya na ang nasa puso ni Steven ngayon. And with that, inabot niya ang mga labi nito at ipinagpatuloy ang paghalik dito.


NOTE: A few deleted scenes ahead. Some scenes are exclusive for those who have the book only. Since this is only free reading, I know you will understand :) -<3Yngrid

Not Another Ghost Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now