CHAPTER 47 ♥ 2 ANNOUNCEMENTS

Start from the beginning
                                        

"Pinuntahan ko si Nadine."agad niyang sagot. Na para bang biglang nagshut down ang puso ko, ewan ko ba.

"Anong nangyari sa kaniya?"tanong ko pa.

"Nanikip ang dibdib niya, kaya dinala ko sa ospital. Saka, walang magbabantay sa kaniya."sagot niya. Hindi na ako nagsalita pa. "Noong isang gabi ko pa siya dinala."dagdag pa niya. Kaya pala hindi ko na siya naabutan noong isang gabi.

"Nasaan si James? Bakit wala siya? Kumusta na ang lagay ni Nadine?"sunod-sunod kong tanong.

"May pinuntahan si James. Okay na ang lagay ni Nadine, pero hindi muna siya pinaaalis sa ospital para ma-monitor siya."sagot ni Charles. Pagkatapos nang pag-uusap namin na iyon, binalot na ng katahimikan ang kabuuan ng sasakyan.

Sa school...

"May sakit ka ba?"tanong sa akin ni Lawrence saka sinalat ang noo ko. "Nilalagnat ka ah, bakit pumasok ka pa?"dagdag pa nito.

"Paano 'yong project natin? Maipapaliwanag mo ba 'yon?"sagot ko sa kaniya.

"Hindi."agad nitong sagot saka nagkamot ng ulo.

"May kuto ka ba? Ha?"pag-iiba ko.

"Wala 'no. Sa gwapo kong 'to."sagot nito.

"Akala ko meron eh."sabi ko nalang. Nagkakamot eh. "Baka naman may balakubak ka?"hindi ko parin siya tinigilan.

Sinimangutan niya ako. "Sobra ka naman."sambit nito. Pinisil ko lang ang pisngi niya.

"Anong meron sa pisngi niya na wala ako?"biglang singit ni Charles. Tinignan lang namin siya.

"Oo nga, anong meron sa pisngi ni Lawrence na wala kami?"pagsang-ayon naman ni Sky.

Nakita kong sumenyas si Lawrence ng 1-0-0, inasar niya ang dalawa. Paano kasi, mas komportable ako kay Lawrence. Syempre, matagal ko na siyang kaibigan. Diba?

Hindi pa nagsisimula ang klase dahil maaga pa, kaya nandito kami sa quadrangle at nagkukuwentuhan.

"Camille!"tawag ng pamilyar na boses ni Nadine sa akin.

"Nadine!"sagot ko sa kaniya at nilapitan siya saka niyakap ng mahigpit. "Buti naman at pumasok ka na, may kasama na ako."sambit ko habang nakakawit ang kamay sa beywang niya.

"Ang init mo ah?"biglang sambit nito nang salatin ang braso at noo ko.

"Siyempre, ako pa ba? Hot talaga ako."pagbibiro ko pa.

"Nagawa mo pang magbiro ah? Nilalagnat ka ano?"sagot ni Nadine.

"Oo, nilalagnat ako."sambit ko. Sinermonan din ako. Eh sa kailangan kong pumasok eh, kaya ko naman ang sarili ko.

Nakiupo narin si Nadine at nakipagkuwentuhan, ilang minuto pa ang itinagal at nagsimula na ang klase.

ARAL

ARAL

ARAL

ARAL

Dumating na ang oras na ipapakita na namin ang aming proyekto. Dinala na nina Lawrence ang project namin sa harap, pumunta narin ako dahil ako ang magpapaliwanag. Natagalan kami kahapon dahil panibagong topic ang ginawa namin.

"The effects of daily stress on positive and negative mental health - Mediation through self-efficacy."panimula ko.

"Daily stressors, compared to traumatic events, are increasingly recognized as important risk factors for mental health. The role of general self-efficacy on the relationship between daily stress and aspects of mental health has not yet been examined. Taking into account the dual factor model of mental health, which postulates that mental health is more than the absence of psychopathological symptoms...."mahaba kong pagpapaliwanag hanggang sa dulo.

"Thank you so much Ms. Ocampo."sambit ni Ms. Bas. Pagkatapos non ay nagpatuloy na ang klase.

ARAL

ARAL

ARAL

KRIIIING!

Nandito na kami ni Nadine sa canteen, nakabuntot ang tatlong pugo. Binuksan ko ang bag ko upang kunin ang aking gamot. "Nasaan na 'yon?"sambit ko habang hinahalungkat ang loob ng bag ko.

Biglang may ipinatong na gamot si Charles sa lamesa. "Sinasabi ko na't hindi mo nadala ang gamot mo."sambit nito. Dala niya ang gamot ko.

"S...salamat."sambit ko nalang saka kinuha ang gamot. Napansin kong sumenyas siya ng 1-1-0. Ano 'to, laro? Alam kong si Charles ang isang nanliligaw sa akin, na mas ikinatuwa ko at the same time ikinakaba. Hindi ko alam kung bakit.

Tatayo sana ako para kumuha ng tubig...

"Sa'yo nalang 'to, kukuha nalang ako ng panibago."abot sa akin ni Sky ng tubig. Sumenyas siya sa dalawa ng "patas".

Nagpatiuna na kami ni Nadine sa paglakad. "Ikaw ba nainom mo na ang gamot mo?"tanong ko kay Nadine at tumango naman siya. "Iingatan mo ang sarili mo ha?"dagdag ko pa. Tinanguan niya lang ulit ako.

Naisipan kong tanongin si Nadine kung bakit biglaan na naman siyang na-ospital. Nagulat ako sa sagot niya, parang tumigil sa pagtibok ng panandalian ang puso ko. "Gusto niyang magkabalikan sila ni Charles."

"Hindi ba't hindi ka pa pwedeng umalis ng ospital?"pag-iiba ko nalang.

"Wala eh, nagpumilit nalang ako. Ingatan ko nalang daw ang sarili ko."sagot niya. Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad pabalik ng room.

"Mayroon akong announcement na siguradong ikatutuwa ninyo, dahil ito talaga ang hinihintay ng lahat..."pabitin effect pa ni Mr. Reyes. "Ang camping!"dugtong nito. Nakabibinging kaingayan ang bumalot sa buong silid-aralan. "Mas exciting pa, dahil isang linggo na ang ating camping at madadagdagan na ang activities."dagdag pa ni Mr. Reyes.

Mukhang masaya nga at nakakasabik. Sa dati ko kasing school, sa quadrangle lang kami at dalawang araw lang. Kailangan ko itong paghandaan.

"Compulsory ito, at kung hindi kayo sasama, dapat may valid reason kayo. Malaking grade din ang mawawala sa inyo."paliwanag pa ni Mr. Reyes. "Mayroon pa akong isa pang announcement."dugtong pa niya. "Magkakaroon tayo ng exchange student program for the next three months, at sa South Korea ipapadala ang estudyanteng mapipili."paliwanag ni Mr. Reyes na mas lalong ikinatrigger ng buong klase dahil sa "South Korea." Sino kaya ang mapipili?

"Ipapaskil mamaya sa bulletin board ang pangalan ng mga estudyanteng pinagpipilian na ipadala. Kung interesado ang mga napili, sabihin kaagad. Kakausapin rin namin ang inyong mga magulang. Three months lang naman kayo duon, isha-share niyo duon kung anong klaseng paaralan ang mayroon tayo dito sa Pilipinas at kung ano pa ang dapat nilang malaman tungkol sa atin dito. Wala kayong dapat alalahanin dahil bayad na at nakahanda na ang lahat para sa pagtira niyo duon sa loob ng tatlong buwan."

Pagkatapos ng ilang anunsyo, nagpatuloy na kami sa aming klase.

ARAL

ARAL

ARAL

ARAL

KRIIIING!

Agad na kaming lumabas upang tignan ang mga pangalan na nakapaskil sa bulletin board.

"Samonte...Legaspi...Arzais...Delgado..."hindi pa ako tapos sa paghahanap nang biglang magsalita si Nadine.

"Kasama ka sa pinagpipilian Camille!"masigla nitong sambit. Agad kong tinignan ang kabilang papel, nanduon nga ang pangalan ko. Kailangan ko 'tong pag-isipan ng mabuti.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now