"Nadine needs someone on her side, wala siyang kasama ngayon. Kailangan ng magbabantay sa kaniya dahil bigla nalang naninikip ang dibdib niya..."
"Sige po. Pupunta na po ako."huling sabi ko at ibinaba na ang telepono. Kinuha ko ang number ni James sa office at tinawagan ito, ngunit walang sumasagot. Saan naman kaya nagpunta si James?
Sa ospital...
"Don't leave me."rinig kong sambit ni Nadine habang natutulog. Paniguradong nananaginip siya. Parang gusto ko nang ipaalam kay tito na may sakit siya, kaso baka mai-stress siya dahil ayaw nga niyang sabihin 'yon.
Gulong-gulo na ang isipan ko, gusto kong bumalik sa school dahil nandoon si Camille. Ang hirap din iwan ni Nadine dahil may sakit siya, ano bang kailangan kong gawin?
Alam kong alam niyo na liniligawan ko na si Camille, tama ba 'tong ginagawa ko na liniligawan ko na siya, pero nasa tabi parin ako ng ex ko? Dahil kailangan niya ako?
Hinintay ko nalang na magdilim at dumating si James, para may kasama na si Nadine.
"Thank you."nakangiting sambit nito sa akin, sinuklian ko nalang siya ng pilit na ngiti at umalis na.
End of flashback.
Andito na ako ngayon sa kwarto ko at hinihintay na mabuhay ang cellphone ko. Ilang minuto pa at umilaw na ito. Bumulaga kaagad sa akin ang message ni Camille.
From: Camille
Kung nasaan ka man, bumalik ka dito sa school, sa may library. Kailangan ka namin, kailangan nating tapusin ang project natin.
Sana nabasa ko kaagad nang nakabalik ako, paniguradong galit sa akin si Camille dahil hindi ako nakatulong. Babawi nalang ako.
NADINE'S POV
"Sa tingin mo ba, tama ang ginagawa mo? Pinapahirapan mo 'yong tao eh."seryosong sambit ni James.
"Alam ko."maikli kong sagot sa kaniya.
"Alam mo naman pala eh, bakit ipinagpapatuloy mo parin? Mabait ka Nadine, napakabait mo. Sana maalala mo 'yan at itigil mo ang ginagawa mo habang hindi ka pa nakakasakit ng ibang tao. Mamaya, bestfriend mo na pala ang masaktan mo."makahulugang sambit ni James.
Anong magagawa ko? Sariling katawan ko na mismo ang kumikilos para sa akin. Mahal ko si Charles, kaya gagawin ko ang lahat para maibalik ang dating kami.
"Suportahan mo nalang ako."sambit ko kay James.
"Nagpapaalala lang ako. Huwag mong kalimutan na hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sayo."sagot nito sa akin saka lumabas ng silid.
--
KINABUKASAN...
CHARLES' POV
Ala-sinko na ng umaga, nakahanda na ako sa pagpasok. Dahil maaga akong nagising, hindi ko alam kung bakit.
"Cholo, 'nak. Ihatid mo 'to sa ate mo. Tapos, sabihin mo huwag muna siya pumasok."rinig kong utos ni Tito Berto kay Cholo. Ano naman kaya 'yong ihahatid kay Camille? Agad na akong bumaba upang matignan kung ano 'yon.
"Ano 'yan Cholo?"tanong ko.
"Gamot po para kay ate."sagot nito.
"Bakit? Anong sakit ng ate mo?"tanong ko pa.
"Nilalagnat po."sagot nito. Ba't naman siya nilagnat?
"Ako na ang magdadala sa ate mo."anyaya ko.
"Sigurado po kayo?"tanong pa nito at tumango nalang ako saka kinuha ang gamot at tubig at umakyat nang muli.
*TOK *TOK
"Camille."tawag ko. Pinihit ko ang doorknob, sa kabutihang palad ay bukas na ito. Nasilayan ko si Camille pagpasok ko sa loob na balot na balot ng kumot.
Kinuha ko ang remote ng aircon at hininaan ito. "Uminom ka na ng gamot, saka huwag ka munang pumasok."sambit ko kay Camille habang nakatayo sa gilid ng kama niya.
Iminulat nito ang isang mata niya, halatang may sakit talaga siya. Namumula rin siya. "Anong ginagawa mo dito?"naisipan niya pang magtanong ng ganiyan.
"Dinalhan kita ng gamot."sagot ko sa kaniya. Naupo naman ito at inalalayan ko, kitang-kita kong hirap siya. Trangkaso ata ang tumama sa kaniya. Iniabot ko sa kaniya ang gamot at ang tubig.
"Salamat."sambit nito at akmang tatayo na.
"Saan ka pupunta?"pigil ko sa kaniya.
"Maghahanda na para sa pagpasok."sagot nito at nagtuloy na sa paglalakad.
"Huwag ka munang pumasok, may sakit ka."sagot ko sa kaniya.
"Kailangan kong pumasok, ngayon na ipapasa 'yong project."sambit nito. "Lumabas ka na, magbibihis ako."dagdag pa nito at lumabas na ako.
Alam ko na, aalagaan ko siya bilang pambawi sa kahapon. Kalahating araw rin na hindi ko siya nakita at nakasama.
MILLISETH'S POV
"I'm so proud of you girls!"masiglang sambit ko sa mga alagad ko.
Si Dianne ang sumunog sa project nila Camille. Magtataka pa ba kayo kung sino ang gagawa non? Siyempre, ako lang. The one and only.
Ngayon lang naging successful ang plano ko nang walang ibang nakakaalam, kung hindi kami lang.
"Sabihin niyo sa akin kung anong gusto niyo, treat ko."sabi ko pa. Hays, ang saya talaga.
Umalis na ako sa tagpuan namin ng mga alagad ko at pumunta na sa school. Sakto, nandoon si Sky.
"Hi love."bati ko rito.
"Sino bang kinakausap mo?"sarkastikong tanong nito.
"Siyempre ikaw, ikaw lang naman ang mahal ko."sagot ko sa kaniya.
"Lamunin mo 'yang pagmamahal mo, tutal wala namang nagmamahal sa'yo, maliban sa mga magulang mo."seryosong sambit nito at naglakad na palayo.
Hangga't hindi bumabalik sa akin ang pagmamahal mo, hindi magiging masaya ang mga taong nasa paligid mo. Lagi silang magsa-suffer. Pakatatandaan mo 'yan.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 46 ❤ SICK
Start from the beginning
