CHAPTER 46 ❤ SICK

Start from the beginning
                                        

Nandito na kami sa isang fast food chain, nakapwesto sa pang-apatan na table. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko at umaasang may reply mula kay Charles. Kaso...

From: Papa Ko

Mag-iingat kayo, huwag kayong magpapagutom.

Mula kay papa ang text na natanggap ko. Saan naman kaya naglusot 'yong si Charles?

Nang matapos kaming kumain ay inihatid na ako ni Lawrence, samantalang si Sky naman ay kay Odessa dahil malapit lang bahay nito sa kanila.

"Salamat, mag-iingat ka sa pag-uwi mo."sambit ko kay Lawrence, kinawayan niya lang ako at umalis na.

Papasok na sana ako ng gate nang biglang may sasakyang dumating---kay Charles. Ang laki ng naitulong mo sa amin, sobra. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa loob.

"Kumain ka na 'nak?"tanong sa akin ni papa. Siya nalang ang tao sa baba dahil alas nuebe na, nagpapahinga na ang lahat. Nagmano ako kay papa nang makatuloy ako sa loob.

"Opo."sagot ko rito at naupo sa tabi niya at sumandal sa couch. "Nakakapagod papa."sambit ko rito at alam kong alam niya ang ibig kong ipahiwatig.

"Tumalikod ka na at mamasahiin ko ang balikat mo."utos nito sa akin kaya tumalikod na ako.

"Kauuwi mo lang?"rinig kong tanong sa akin ni Charles. Tumango nalang ako habang nakapikit parin. "Anong ginawa niyo kanina?"tanong pa nito. Ramdam kong lumapit siya sa amin ni papa at nagmano siya kay papa.

"Anak, mauuna na ako sa taas."paalam sa akin ni papa at umalis na kaagad.

"Hindi mo ba nabasa ang text ko?"walang gana kong sagot sa kaniya. Agad naman nitong kinuha ang phone niya mula sa bulsa niya.

"Sh*t, empty bat."rinig kong sambit nito.

"May sumira ng project natin, hanggang bukas ng umaga nalang 'yon pwede kaya ginawa namin kaagad kanina."dagdag ko pa at umakyat na sa taas.

CHARLES' POV

Hindi ko sinasadyang hindi basahin ang text niya, talagang hindi lang ako nakapagcharge. Hindi narin ako nakapasok kanina dahil...

Flashback...

Andito ako sa court nakaupo, naghihintay sa iba kong kasamahan nang biglang tumunog ang telepono ko.

Unknown number calling...

"Hello."sagot ko sa tawag.

"Ikaw ba si Mr. Andrada?"

"Yes."

"I'm Doctor Gudicelle, Nadine's doctor."

"Bakit ho kayo napatawag?"

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now