Si Charles.
Naglakad nalang ulit ako, hindi ko na siya inintindi.
"Ba't ba umalis ka?"tanong nito sa akin nang makarating na sa school.
"Hindi mo ba nabasa 'yong text ko sa'yo?"sagot ko sa kaniya.
"Nabasa."sagot nito.
"Nabasa mo naman na pala eh."sambit ko at naglakad na papuntang third floor upang makapagpalit, dahil may training ulit kami.
Hindi na niya ako inabala pa at nagpunta nalang sa kabilang court.
NADINE'S POV
Ano kaya ang magiging desisyon ni Charles? Balikan niya kaya ako?
Ano kaya ang pwede kong gawin para ma-realize niya na ako parin ang mahal niya?
Hindi na ako mapakali kakaisip dito. Si James pinauwi ko na para makapagpahinga ng ayos, dahil kagabi pa siya nakaupo sa may gilid ng kama ko at binabantayan ako.
Thankful ako sa kaniya dahil nandiyan siya always for me.
Kailangan kong magpagaling kaagad, para makapasok na ako. Para makasama ko na si Charles.
CAMILLE'S POV
Laro
Laro
Laro
Makalipas ang isa't kalahating oras...
"Mine!"sigaw ko dahil ako ang titira ng bola, kaso hindi sa akin napunta ang bola. Tumilapon ito sa may pintuan, at si Charles ang nakakuha.
"10 minutes break!"sambit ni coach. Kaya naupo na ako sa may bench, nagpuna ng pawis, at uminom ng tubig.
"Camille 'yong project natin?"tanong sa akin ni Odessa na kararating lang.
"Nasa locker, bakit?"sagot ko sa kaniya saka tumungga ng tubig.
"Pakihanda mo na ha, mamaya na kasi ipapasa 'yon."sambit pa niya. Tumango nalang ako at umalis na siya.
"Camille."tawag sa akin ng pamilyar na boses ni Charles.
"Bakit?"hinarap ko siya.
"Galit ka ba?"tanong niya.
Umiling ako. "Hindi, bakit naman ako magagalit?"natatawang sabi ko pa.
"Parang iniiwasan mo ako."sagot niya.
"Hindi kaya. Tsaka may karapatan ba 'ko?"sabi ko pa. Tumayo na ako at tinapik ang balikat niya saka nagpunta sa mga ka-teammates ko.
--
"Nasaan na 'yong project namin?"mahinang tanong ko habang naghahalungkat sa locker ko. "Hindi pwedeng mawala 'yon."dagdag ko pa.
"Camille, 'yong project natin?"tanong sa akin ni Sky.
"'Yon nga ang hinahanap ko eh, wala dito sa locker ko."sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.
"Camille!"humahangos na tawag sa akin ni Odessa na mabilis sa pagtakbo papunta dito.
"Bakit?"tanong sa kaniya ni Sky.
"'Yong project natin nakita ko sa may bakuran, nasusunog!"hingal na hingal niyang sambit.
"ANO?!"gulat kong sabi at nagtatakbo na papunta sa may bakuran. Hindi pwedeng masunog 'yon, antagal naming ginawa 'yon. Pag hindi namin naipasa 'yon, malaking puntos ang mawawala sa amin.
"What the..."sambit ni Sky nang makita niyang nasusunog nga ito.
Agad akong tumakbo papunta sa Principal's Office.
"Madam Principal, may nangialam po ng project namin at sinunog pa."may galit kong sabi. Pumunta kami sa room kung saan nag-ooperate ng cctv. Rineplay ang mga nangyari kanina.
"Paano natin siya makikilala? Naka-cap siya at naka-jacket pa."sambit ni Odessa.
Napahawak nalang ako sa ulo ko, naii-stress na talaga ako.
SA MULTIPURPOSE HALL...
"Anong nangyari sa project natin?"tanong sa akin ni Lawrence.
"Nasunog."walang gana kong sagot. Nag-iisip parin ako ng paraan kung paano namin pakikiusapan si Ms. Bas.
"Camille's group, it's your turn."anunsyo ni Ms. Bas. Tumayo ako at nilapitan siya. "Where's your project?"tanong nito sa akin.
"Ma'am, may nangsabutahe po. Sinunog po ang project namin."bulong ko rito. "Pwede niyo po ba kaming bigyan ng chance para magawa ulit?"tanong ko pa rito.
"Fine, you can pass it until tomorrow morning. Hanggang bukas lang ha? Wala ng palugit pa."sagot nito na ikinaliwanag ng mukha ko.
"Sige po ma'am, thank you po."pasalamat ko rito. Bumalik na ako kina Odessa.
"Kailangan nating pagtrabahuhan ang project natin mamaya, dahil hanggang bukas nalang pwedeng magpasa."pagbibigay alam ko sa kanila. Ikinatuwa rin naman nila.
Teka, nasaan na ba si Charles? Bakit wala dito? Saan na naman nagsuot 'yon?
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 45 ❤ HURT
Start from the beginning
