CHAPTER 45 ❤ HURT

Start from the beginning
                                        

Room 300...

Bumukas na ang pintuan at...

"Charles."rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses ng babae. At nang makatuloy na ako sa loob...

"Nadine?"gulat kong tawag sa kaniya at saka siya nilapitan. "Anong nangyari sa'yo?"alalang tanong ko sa kaniya. Nginitian niya lang ako. "Anong nginingiti mo diyan?"tanong ko pa.

"Wag ka nang mag-alala, okay na ako."nakangiting sambit nito sa akin. Kaya naman pala importante sa akin, dahil si Nadine ang nandito.

Inialis na ni Nadine ang paningin niya sa akin at tumingin sa may likuran ko. Kaya gumilid ako upang hindi ito maharangan.

"Salamat sa pagdala mo sa akin sa ospital."sambit ni Nadine kay Charles.

"Walang anuman."panandaliang ngumiti si Charles. Ibinaling na muli ni Nadine ang paningin niya sa akin.

"Camille, pwede bang lumabas ka muna sandali? May sasabihin lang ako kay Charles?"nakangiting pakiusap sa akin ni Nadine.

"S...sige."pilit na ngiti kong sagot at saka lumabas na. Napahinga nalang ako ng malalim at naupo na.

CHARLES' POV

"Napag-isipan mo na ba?"tanong sa akin ni Nadine nang makalabas na si Camille. Umiling lang ako bilang sagot ko.

"Sana pag-isipan mo ng mabuti. Alalahanin mo ang matagal nating pinagsamahan."dagdag pa nito.

"Sana..."hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng maalala kong bawal pala siya mai-stress.

Hinihintay parin niya ang sasabihin ko.

"Wala-wala."sagot ko nalang.

"Malapit na ang birthday ko, sana makapagdesisyon ka na."pilit na ngiting sagot niya.

"Ahh...para sa'yo."pag-iiba ko saka inilapag ang mga prutas na binili ko kanina. "Mauuna na ako, may pasok pa."dagdag ko pa at lumabas na.

"Nasaan na si Camille?"mahinang sambit ko nang makalabas ako mula sa room. Saan 'yon nagpunta?

Kinuha ko ang cellphone ko at ite-text na sana si Camille, kaso naalala ko wala pala siyang number sa akin. Kaya bumalik ulit ako sa loob.

"B...bakit?"gulat na tanong ni Nadine nang makapasok ako.

"Pahingi ako ng number ni Camille."sagot ko sa kaniya. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Kinuha niya ang cellphone niya na nakapatong sa table at saka ito kinalikot.

Nang maibigay na sa akin ang numero, umalis na kaagad ako.

CAMILLE'S POV

TING!

Tunog ng cellphone ko na nasa bulsa ko, mukhang may nagtext ata. Naglalakad ako ngayon papunta sa sakayan. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at tinignan ito.

From: 09155432101

Nasaan ka? Bakit hindi mo 'ko hinintay?

Mukhang si Charles 'to.

To: 09155432101

Akala ko matagal ka pa, male-late na 'ko.

Itinago ko nang muli ang cellphone ko mula sa bulsa ko, at nagpatuloy sa paglakad.

Makalipas ang labinlimang minuto...

Naglalakad na ako papuntang school nang biglang may bumusina sa likuran ko.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now