The LABO SONG

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mabuti naman kung ganun hindi na pala ako mahihirapang ipaliwanag pa sayo." Nakangiting sabi nya.

"Bakit tinanggal nyo sya? Magaling naman si Iya sadyang mahina lang talaga ako." Tanong ko at halatang nagulat sya.

"Alam kong magaling sya pero sa tingin ko mas matuturuan ka ng maayos ni Kael sa ngayon." Sagot nya.

"Maayos eh parang puro kadayaan lang ituturo sa akin nun eh. Hindi nyo ba nakita kung paanu makipaglaban yung Simon na yun." Sabi ko.

"Kaye sa pakikipaglaban hindi importante kung sa paanung paraan ka mananalo basta ang mahalaga ginawa mong lahat para manalo ka at mapatumba mo ang iyong kalaban. Hindi ito laro na kailangang may sunding alintuntunin dahil ang laban na ito ay kapalit ng iyong buhay kaya kailangan mong lumaban sa kahit anung paraan para mabuhay." Paliwanag nya.

Kung sa bagay may punto naman sya dun sa sinabi nya pero hindi ko lang matanggap na ganun sya kadaya. Isa sa mga itinuro sa akin ni Iya ay ang lumaban ng patas dahil isa yun sa basehan ng totoong malakas pero kahit ako hindi ko magawa yun dahil sa tuwing naglalaban kaming dalawa puro kadayaan yung ginagawa ko siguro kinarma na ako kay Simon.

"Mas mabuti pa siguro puntahan natin sila Kael para makita mo sila kung paanu magsanay." Nakangiting sabi ng hari. Hindi na ako nagsalita tumango na lang ako.

Hinayaan na muna ako ng hari na ihanda ang sarili ko bago kami pumunta sa lugar na pinagsasanayan nila. Nagpalit ako ng damit at kumain. Kay Nesa ko na lang ipapalinis yung sugat ko mamaya pagkadaan ko sa kanya.

Pagkatapos ko sa mga ginagawa ko lumapit na ulit ako sa hari at saka sabay kaming lumabas ng palasyo. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.

Napahinto ako sa paglalakad at namangha sa mga nakita ko. Sobrang dami nila at halos lahat sila may katapat para makipaglaban. Tinignan ko silang lahat at napalunok na lang ako dahil grabe silang makipaglaban parang totoo na talaga dahil may mga espada pa sila.

Sinubukan kong hanapin sa paligid si Iya baka nandito lang sya at nagsasanay din pero wala hindi ko sya makita hanggang sa mag-abot kami ng tingin ni Kael. Napangisi na lang sya ng makita nya ko at saka tumuloy sa pagtuturo sa lahat. Ang yabang nya talaga.

"Simula bukas sasama ka na sa kanila." Biglang sabi ng hari.

"Ayaw ko." Sabi ko at halatang nagulat sya.

"Bakit? Ayaw mo bang maging katulad nila?" Tanong nya.

"Sasama lang ako sa kanila kapag kasama din si Iya." Sagot ko.

"Minsan lang sumali sa kanila si Iya dahil mas madalas syang magsolo sa pagsasanay." Sabi nya. Hindi ko naman masisisi si Iya kung bakit nagsosolo sya kasi kahit ako hindi ko matagalan kayabangan ni Kael.

"Bakit ba kasi kailangang palitan nyo pa sya?" Tanong ko.

"Masyadong magulo ang isip ngayon ni Iya kaya hindi ka nya kayang matutukan ng maayos sa pagsasanay mo." Sagot nya.

"Magulo? Bakit anu ba mga iniisip nya?" Tanong ko.

"Marami syang mga inaasikaso kaya mas maganda kung si Kael na lang muna bahalang magturo sayo." Sagot nya at halata namang sinasabi nya lang yun para mapapayag ako.

"Ayaw ko sa kanya si Iya pa din ang gusto ko kaya ibalik nyo na sya bilang tagapagsanay ko." Pagmamatigas ko.

"Hindi na maari. Buo na ang desisyon ko at hindi na yun magbabago." Pagmamatigas din nya.

"Kung ganun hindi na ako magsasanay." Sabi ko sabay talikod sa kanya at lakad na palayo.

"Kaye!" Tawag nya. Napahinto ako sa paglalakad ko at saka tumingin sa kanya.

Fall In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon