-Baby 16-

262 11 0
                                    

Erin

"Happy 18th Birthday Louville!" bati niya sa kaibigan at sabay yakap.

"Thanks Erin," ngiting bati nito. She is very stunning in her red ball gown, Louville really own her night.

"By the way si Jill, kaibigan ko si Louville childhood bestfriend ko" pakilala niya mukhang nahihiya masyado si Jill na abutin ang kamay ni Louville.

Pasimple pa nitong pinunasan ang kamay sa gown at ngumiti ng mukhang kinakabahan.

"Nice meeting you..pasensya na makalyo hehehe Happy Birthday." she said na ikinatawa ni Louville.

"Thank You Jill."

Dahil maraming bisita ay hinayaan nila si Louville na e entertain yun dinala niya ang dalaga sa table kung saan ang pamilya niya.

"Mom, Dad!" ngiting bati niya sa magulang sabay halik pati sa mga Kuya niya.

Kapansin pansin ang sunod sunod na lagok ni Storm ng alak.

"Mom, Dad mga Kuya si Jill classmate at kaibigan ko, Jill si Mom at Dad ko, Su Kuya Rain, Cloud, Thunder at Storm" her family welcome Jill with a smile habang si Jill ay halatang balisa.

"Hey...are you okay?" tanong niya sa kaibigan. She lean down and whisper to her.

"Hindi Erin naliliyo ako sa mga gwapo at sa katunayan na isa kang de Cuesta na original akala ko noong una de Cuesta ka lang na fake nakakaliyo at nakakahiya" she said truthfully.

"Don't think about it! It's not important Jill"

"Pwes, sa akin hindi nababagay ka na maging friends ng mga sikat sa University kaya ba kilala ka nila? Kaya ba kinakausap ka nila?" para na itong atakihin sa puso kaya hinarap niya ito at nginitian.

"Jill, kailanman di batayan ang katayuan ko sa buhay sa pagkakaibigan ko come on! I'm not like that" she tried hard to convince her.

Natahimik ito bigla at mukhang di kumbisido. Issue ba talaga ito?

"Yo! Thunder..." kapwa sila napalingon sa bagong dating at nalalaki ang mata ni Jill habanh umasim naman ang sa kanya.

It was Seb with Daiken,

"Erin princess! how are you?" nakangiting bati sa kanya ni Seb.

"Hi Kuya Seb" she act like she doesn't see Daiken at all.

"Hi, pretty lady you are?" nakalahad ang kamay ni Daiken kay Jill nang tatanggapin na sana ng kaibigan ang kamay ni Daiken hinila niya ito.

"She's taken" she said flatly Sorry Jill

"Max be nice yo your future brother-in-law" she can sense Thunder teasing voice.

Matiim siyang tinitigan ni Daiken at linabanan niya ang titig na iyon.

"Nilalambing ang mga future brother in law Max di tinaliman ng tingin" Seb said while grinning peru di niya pinansin iyon the tension between her and Daiken is clear.

Bigla na lamang itong ngumiti baliw ata!

"Oh! my bad ang ganda mo kasi" lumampad ang tingin nito sa kay Jill na nasa likuran lang niya at nakayuko.

Peru tinaliman lang niya ng tingin si Daiken.

She was caught off guard when he lean down and whisper on her ear.

"You are not a minor anymore, tell me is my brother is already yours Maxierine?" she shivered under his breath and without looking he can sense that he was smirking.

She fist her hands trying hard not to strangle this devil in disguise.

Kumindat pa sa kanya ang gago at nagpaalam na sa lahat na pupuntahan daw ang mga kaibigan.

"By the way you look familiar have we meet before?" kunot noong tanong ni Seb at halos ma detached ang ulo ni Jill sa kakailing na ipinag kibit balikat lang ni Seb.

Umupo na sila ni Jill at nagsalita ang Kuya Cloud niya.

"Bakit ba ang init init ng dugo niyo sa isa't isa ni Daiken Max?" tanong nito habang naghihiwa ng steak.

"Kasi nga di gusto si Maxi ni Daiken para kay Flynn" Thunder said na ikinalaki ng mata niya nakakahiya kay Jill.

"Di ba talaga nagandahan ang magkapatid na iyon sa iyo Max?" inosenteng tanong ni Storm na ikinatawa ng lahat sa mesa including Jill.

"Tigilan nyo na ang kapatid nyo" seryosong pahayag ng Daddy niya. She stick out her tongue to them. Buti nga sa inyo!

"Single ba lahat ng Kuya mo Erin?" bulong sa kanaya ni Jill she mentally roll her eyes mukhang umandar na naman si Jill.

"Wag mo ng balakin kita mo yang kumakain ng steak? Si Cloud mainit ang ulo lagi niyan parang may regla lagi mukhang menopausal baby siya naman ang panganay, yan nag cellphone si Kuya Rain di mo magustuhan yan sa kabaitan patayuan na nga ni Mommy ng rebulto yan yun dapat may pagka bad boy dapat ang type mo. Yang may balak pasabugin ang atay sa kakainum si Storm basagulero yan di yan uuwi ng walang dalang black eye at yang pangiti ngiti si Thunder naka ratio yan ng one is to three meaning tatlong babae isang araw" sabi niya sa kaibigan na nakatanga na.

Totoo naman lahat ng sinabi niya diba?

Kailan ba siya nagsisinungaling?

"Tita, Tito It's good to see you again!" at agad na napatuwid siya ng upo ng marinig ang nagsalita sa bandang likuran agad na tumabol ang puso niya.

"At yan si Flynn ang aking pangarap na future hubby" bulong niya kay Jill ng lumingon ang dalaga ay nanlalaki ang mata nitong ibinalik ang tingin sa kanya at pigil na pigil ang pagtili hinawakan pa ang dalawang kamay niya.

"OmG!! OMG!!" sabi nito peru walang tunog na lumabas sa bibig.

"I know right" nakangiti niyang sabi sa kaibigan.

Bumulong naman ito sa kanya.

"Nalaglag panty ko Erin! ang gwapo naman!"paanas nitong sabi.

"Man si Erin pansinin mo kanina pa nag papacute!" rining niya ang boses ni Finn sa likuran niya at ang pag akbay nito sa kanya.

Kainis ka Finn!

Bahagya lang tumango si Flynn at ibinalik ang atensyon sa pakipag usap sa kanyang magulang.

"Basted na naman" nagtatawang sabi ng boses ni Storm.

Napasimangot siya sa mga narinig at ng tingnan niya ang mukha ni Jill ay nakanganga lang itong nakatingin sa mga tao sa paligid niya.

Nagpatuloy ang party hanggang sa second main event that night.

The official announcement of engagement between Louville and Storm.

Si Storm then ang kanyang 18 roses na nakipagsayaw sa kanya kasabay ng announcement.

Nabahala pa siya dahil alam niya marami ng nainum ang Kuya niya peru mukhang okay pa naman ito.

At ng titigan niya ang dalawa habang nagsasayaw they actually look good together mas lalong gumanda si Louville habang ang Kuya niya gwapo parin. They both have a Spanish blood.

Ang saya tingnan ni Abuela habang nakatingin sa nagsasayaw.

Seryoso lamang silang dalawang nakatingin sa mata ng isa't isa at parang walang pakialam sa paligid siguro sa mga taong di lubos na nakakilala sa kanila isipin na mahal nila ang isa't isa but she knows the truth.

"Ang swerte nila sa isa't isa Erin no?" komento ni Jill she just smile.

She don't know if they are lucky with each other but she hoped that this generation of Buenavidez and de Cuesta won't be a history repeat itself.

"Baby Blue Eyes"Where stories live. Discover now